Kabanata 27

57 1 0
                                    

Kabanata 27
Inagaw

"AYAN, magbasa ka na, a? ‘Wag mo akong titigan dahil pareho lang tayong walang masasagot bukas sa test!" sermon ko kay Thyro.

Nasa condo niya kami ngayon at nag-aaral ng sabay. Inubos ko na ng tuluyan ang juice na nasa basong nasa harapan ko kanina pa bago muli siyang balingan. Nagsisimula na siyang magbasa kaya napangiti ako at binalik ang atensyon sa sinasagutang assignment.

Narinig ko ang hagikhik niya kaya napa-angat ako ng tingin. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang may pinapanood na siya sa phone niya at parang natutuwa pa. Inagaw ko ang cellphone niya mula sa kanya at tinignan kung ano iyon.

Video ko ‘yon habang nagsusulat!

Ide-delete ko pa lang ay inagaw ng muli ni Thyro ang cellphone niya. Tumakbo siya palayo. Pumasok siya sa kwarto ng condo niya at agad akong pumatong sa kanya nang humiga siya para maagaw ang cell phone na hawak niya.

Napatitig ako sa kulay lupa niyang mga mata. Maamo ang mga ‘yon. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang walang kasing pula. Naramdaman ko ang pagpulupot niya ng braso sa bewang ko. Namilog ang mga mata ko nang ma-realize ang posisyon namin.

Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya. Napapikit ako ng mariin at napahilamos sa mukha.

Damn it!

I cleared my throat and made my heart calm. Parang sasabog ‘yon anytime sa sobrang bilis ng tibok.

"Seems my baby wasn't comfortable with that position huh?" lumapit siya sa'kin at halos bumigay na ang mga tuhod kong nanghihina. Tumitig siya ng diretso sa mga mata ko. "I love you, Chantrea."

Napalunok ako. "You're just courting me!" pinandilatan ko siya. "Wala pa dapat i love you!"

Humalakhak siya. "Yeah, fine. Whatever, babe." napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. "Darn. Hindi ko kakayanin pag nawala ka pa sa'kin."

"HELLO, Thyro?" pagsagot ko sa tawag niya.

"Busy ka ba?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "No, not that busy. Why?"

"At my condo? I'll teach you how to play guitar," sagot niya na nagpatalon sa puso ko.

"Yes! Yes! I will be there for at least 10 minutes!"

Nagbihis agad ako at nag-ayos ng sarili saka nagmamadaling nagpahatid kay manong. Kumatok ako pagkarating ko na agad naman siyang nagbukas ng pintuan. Pagkakita niya sa'kin ay ngumiti siya saka ako hinalikan sa noo.

"Ganito ba?" tanong ko habang ginagaya ang tinuturo niyang chords.

"Yup pero mali ang position nito," aniya saka niya itinama ang posisyon ng isang daliri ko.

Nagsimula akong mag-strum at sa wakas ay nabuo ko nang tugtugin ang isang kanta. Pansin ko ang hindi naalis na pagtitig ni Thyro sa'kin habang nag-e-strum.

Kinuha niya ang gitara sa'kin saka siya ngumiti. "Nice. You're a fast learner. Konting-konti na lang kaya mo nang tumugtog ng kahit anong kanta."

Nagpatuloy ang pagtuturo niya sakin hanggang sa naging magaling na rin ako sa pagtugtog ng gitara. Nagustuhan ko na iyon dahil nagkakasama kami tuwing tinuturuan niya ako at natututo pa akong tumugtog.

"MALAPIT na ang intramurals, class. Thyro and Chantrea," nilingon kami ng adviser namin sa banda namin. "As an elected muse and adonis, mag-uusap kayo sa sports attire na isusuot niyo next week dahil kayo ang maghahawak ng banner."

Tumango lang kami bilang tugon. Binalik ng adviser namin ang atensyon niya sa buong klase.

"May color coding ng shirt after ng parade, class. Katuwaan lang ito, class. Red ang in a relationship at white ang single. Everyone must join. Next week will be our intramurals and i know that y'all are excited about this event."

His Brightest Moon (His Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon