kabanata 28

51 2 0
                                    

Kabanata 28
Graduation

NILATAG ko ang mga ni-order ko sa Jolibee. May chicken, spaghetti, coke float, burger, fries at softdrinks. Mayro'n din akong biniling cake. Nasa rooftop ako ngayon ng bahay at gabi na. Mag-isa lang ako sa bahay at tanging buwan, mga bituin at ang tahimik na paligid lang ang karamay ko ngayong gabi. Tulog na rin ang mga kasambahay.

Nang makita kong maayos na ang lahat ay umupo na ako at naghandang kumanta.

"Happy birthday to me! Happy birthday to me! Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Chantrea!"

Sinubukan kong ngumiti pero hindi ako nagtagumpay. Nag-init ang paligid ng mga mata ko at nagbadya ang mga luhang patulo na.

No one ever heard me sang. Pag kumakanta ako, sinisigurado kong ako lang ang makakarinig. Because i don't wanna be like him. I don't wanna be a musician. Also, no one had seen me crying because of my own pain except my mom. Because i don't want them to see me having breakdown.

Pumikit ako at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

I won't do wishes but thank God for another year that i survived even if i always feel that i am alone and no one was there for me.

Dumilat ako at hinipan ang kandila. Pumalakpak ako at pinilit na ngumiti ng malawak pero sa pangalawang pagkakataon, nabigo ako. Bumuhos ang luha ko na mabilis kong pinunasan. Nilabas ko ang phone ko at nag-play ng video. Tinapat ko 'yon sa'kin at pinilit pa ring ngumiti kahit tipid lang.

"Guys, it's February 10. Birthday ko!" pinilit kong magtunog masaya at grateful ang boses ko. "Marami akong handa pero wala akong kasamang nag-celebrate. Pero ito, thankful pa rin kasi nandito pa ako. Pero ang sakit sakit lang talaga," bumuhos muli ang mga luha ko. Lumunok ako ng ilang beses dahil ramdam kong may nagbabara sa lalamunan ko. "Ang sakit na walang nandito ngayon para batiin man lang ako. Walang tao sa bahay. Nakalimutan yata nilang lahat 'yong birthday ko. Thankful naman ako pero bakit ang sakit sakit? Bakit kailangan kong maramdaman 'to? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong maging malungkot ng ganito."

Huminga muna ako ng malalim dahil sobrang sikip na ng dibdib ko. Bumuga ako ng hininga at nagpunas ng luha. Humikbi ako habang nagpupunas ng luha at nakatapat pa rin sa camera.

"I was in my darkest times right now. Akala ko kaya ko pa, e, pero paunti-unti... nauubos ako. Wala ng natira para sa sarili ko. Lahat... binigay ko na sakanila pero wala silang ginawa kundi saktan at ubusin ako."

Humagulgol ako. Sumisikip ang dibdib ko at tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko.

"I don't wanna die but i don't wanna live like this! Everyone was treating me like a shit! Everyone was making me feel that i was a fucking useless to them!" sigaw ko. Humagulgol ako habang patuloy na may kirot sa puso ko. "I don't want this. I don't want this," mahinang bulong ko.

Umiyak pa ako ng umiyak bago ako nagdesisyon na pumasok na ng kwarto ko. Patulog na sana ako ng may tumawag sa phone ko. Mabilis kong sinagot 'yon nang makitang si Nia ang tumatawag.

"Hello?" i answered in a husky voice.

"Hi, Treya? Are you crying?"

"No, no. I'm not. Nagising ako sa ring ng phone ko."

"Oh, I'm sorry. I just wanna greet you a happy birthday. Nakalimutan ko dahil medyo busy. I'm sorry."

"No, it's fine,"

"So, what's your birthday wish?" nahimigan ko ang excitement sa boses niya.

"Just wishing that i am dead, that's all," Natahimik siya sa kabilang linya kaya nagsalita muli ako. "Good night, Nia. Don't worry, i am not depressed again. Just tired of living."

His Brightest Moon (His Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon