Kabanata 23

48 2 0
                                    

Kabanata 23
First man

NAPANGITI ako nang ihain niya ang niluto niya. Umupo siya sa tapat ko at ngumiti rin sa'kin.

"Mukhang masarap, a," komento ko.

Mas lalong lumapad ang ngiti niya. "Syempre. Ikaw ba? Hindi mo naranasang magluto? O alam magluto?"

Umiling ako habang naglalagay ng sabaw ng sinigang na niluto niya sa kanin ko. "Nope. Although marunong magluto both ang parents ko. Gusto ko ring matuto kaso sina lola masyadong sensitive. Baka raw mapaso ako o kung ano pa. Si Maris ang marunong."

Nagsimula na kaming kumain.

"Sorry," bigla niyang sabi kaya napa-angat ako ng tingin. Kumunot ang noo ko. "Sorry because i can't take you to the regular restaurant for a date. Hanggang dito lang tayo sa condo nakakapag-date."

"That's not a problem. I'm happy and contented with this setup. Pagkakaguluhan rin tayo pag sa regular restaurant."

Ngumiti kami sa isa't isa.

I'm contented with that setup. Akala ko kami na hanggang dulo pero mali pala ako. Akala ko... he'll stay faithful for his whole life but i was wrong. I was wrong when i trusted him.

"SIR, that's unfair! Pinaghirapan ko ang project na ‘yon. Hindi pwedeng wala akong grades dahil lang sa nawawala ang project ko."

Napailing ang teacher namin. "I'm sorry, miss Hescavio but tomorrow is the deadline of that project. Kaya mo bang ihabol?"

Napapikit ako sa sobrang inis. Nakakuyom na rin ang kamao ko't nagpipigil. Damn! Hindi ko magagawa ‘yon dahil kailangan ko ring magreview para sa isang long quiz!

"Yes, sir. Kaya niya. I'll help her."

Agad akong napalingon sa taong nasa likod ko.

"Okay. Tomorrow, miss Hescavio. Pass it directly to me para hindi na mawala."

Umalis na ang teacher nang lumapit ako kay Thyro. "Kailangan mo pang mag-review para sa long quiz natin. Baka bumagsak ka pag sinamahan mo pa ako!" singhal ko sa kanya.

Tinapat niya ang hintuturo niya sa bibig ko dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita. "Shh. Trust me, kaya nating tapusin ‘yon. Tutulungan kita, alright? Tara para mawala ‘yang stress mo."

Magtatanong pa lang ako kung saan ay agad na niya akong hinila. Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa hila niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kotse niya. Ngumiti ako sa kanya bago tuluyang sumakay. Umikot siya papunta sa driver's seat pagkatapos.

"Teka, saan tayo pupunta? May isa pa tayong klase!" sigaw ko.

"Values lang ‘yon, Treya. ‘Tsaka wala tayong teacher sa subject na ‘yon ngayon. Come on, we're going to eat our favorite," pinaandar na niya ang sasakyan. Hinarang kami ng guard pagkarating namin sa main gate ng university. "Manong, may shoot po ‘tsaka wala po kaming teacher sa values!"

Napailing na lang ako't natawa.

"ALING Mona, 200 pesos po sa siomai at softdrinks po,"

Pagkatapos niyang um-order ay umupo na siya sa tapat kong upuan. Dito ang naging favorite spot namin sa mga nakaraang linggo. Minsan, pagkatapos ng klase ay didiretso kami rito at kakain. Nang i-serve na ang siomai at softdrinks sa table namin ay agad kong nilantakan ‘yon.

"Dahan-dahan baka mabulunan ka. Sasagutin mo pa ako," biro niya nang sunod-sunod akong sumubo ng siomai.

Natawa ako. "Baliw! Nagutom ako sa math natin! Ang hirap kaya."

Napangiwi siya. "Ang hirap? E, perfect mo nga ang quiz."

"Hello po, pwede pong papicture?" singit ng isang babae. Tumango at ngumiti ako sa kanya hudyat para itapat niya ang camera ng cellphone niya sa'min. Nasa pinakaharap siya habang kami ay nasa likod niya at nakangiti.

His Brightest Moon (His Series #1) Where stories live. Discover now