Kabanata 6

55 2 0
                                    

Kabanata 6
Calm and Comfortable

"SAAN niyo ba gusto? Mag-decide na kayo, nalilito na si manong." ani ko habang palinga-linga sa paligid para maghanap ng pwedeng kainan namin.
"May italian restaurant dito na malapit lang! Do'n na lang tayo. Masarap daw pagkain, e." suggestion ni Yara habang nags-scroll sa cellphone. Malamang ay nag-search na naman ang isang 'to.

Tinuro ni Yara ang daan kay manong. Napansin ko ang titig ni Evie sa necklace na suot ko. Ngumisi siya nang mapansin kong nahuli ko siyang nakatingin sa necklace ko.

"Ang ganda talaga niyang necklace mo. Where did you bought it?"

Hinawakan ko ang necklace at tinitigan iyon. Katamtaman lang ang nipis ng chain nito. Ang pendant ay diamond na hugis bilog. Napapalibutan ng iba't ibang mamahaling bato. Sinusuot ko lang 'yon pag may importanteng occasion akong pupuntahan pero trip ko lang talagang isuot ito ngayon kahit walang special occasion.

"Binigay lang siya sa'kin ng mommy ko na galing sa lola ko. No'ng ten years old ako. Dapat kay mommy pa nga ito pero no'ng ten years old ako, binigay niya na sa'kin." pagkwekwento ko.

Napansin kong nakatingin at nakikinig rin si Yara sa kwento ko. "I haven't seen that before na sinuot mo. Ang ganda nga. You look like a goddess on that."

Ngumisi ako. "Thank you,"

Tumigil ang sasakyan sa isang Italian Restaurant. Excited na bumaba ang tatlo. Nakapasok na sila pero pababa pa lang ako dahil nag-perfume muna ako. My handy bag was in my arms, hanging. I was wearing a simple but elegant dress and a stilleto. Backless ang blue dress ko at tama lang ang haba.

Pagkapasok ko, nakuha ko ang mga atensyon ng mga tao. May mga iilang italian roon at kumakain na napatingin rin sa'kin. Habang naglalakad ako papunta sa table ng mga kaibigan ko ay isa-isang yumuko ang mga empleyado ng restaurant at ang mga ibang italian na kumakain rin.

Nabigla ako sa ginawa nila pero nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nakuha ng mga taong nakayuko ang atensyon ng mga kaibigan ko kaya sinalubong ako ng mga nagtatanong nilang mga mata. Ipinagsawalang-bahala ko na lang yon. May lumapit sa'min na waiter at nanginginig ang kamay na iniabot ang menu sa'kin.

"Qual è il tuo ordine, signora principessa? (W-What is y-your order, m-ma'am princess?)" nanginginig ang boses ng waiter habang nagsasalita. Nakayuko lang rin siya at nakatuon ang mga mata sa papel at ballpen na hawak niya.

I chuckled. "Oh chiamami signora (Oh, just call me ma'am),"

Nagtaas ng tingin ang waiter at isa-isang kinuha ang orders namin. Nag-bow pa siya sa'ming apat bago umalis. Binalingan ko ang mga kaibigan ko pero nagtatanong na mga mata lang ang sumalubong sa'kin. Nakakunot rin ang mga noo dahil sa inasta ng mga tao.

Tumawa ako. "Oh, don't mind that. By the way, Yara," nilingon ko si Yara na katabi si Evie. "Did you called Gio to join us?"

She nodded. "He's on his way. May pinuntahan lang daw siyang raket niya or what. I don't know. But he's coming, don't worry."

"You know how to speak Italian?" singit ni Evie sa usapan. Hindi makapaniwala ang ekspresyon niya.

"Yep. I lived at Italy for two years. That was the time na nag-stop muna ako sa pagkuha ng projects."

"Principessa (Princess)," isang boses ang pumukaw na naman ng atensyon ko. Nakaluhod ang isang lalaki sa harap ko habamg nakayuko. Nagtaas siya ng tingin saka pinakatitigan ako. "Perché lasci che le persone normali ti stiano intorno, principessa? (Why are you letting normal people to be around you, princess?)"

"Essi sono i miei amici. Odio quelle persone che mi dicevano cosa fare. So cosa sto facendo, signore. (They are my friends. I hate those people who was telling me what to do. I know what i am doing, mister.)"

His Brightest Moon (His Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon