Chapter 10

7.2K 148 15
                                    

HILLARY'S POV

Pagod na hinanda ko ang sinigang na niluto ko. Sinigang na bangus ito at nilagyan ko ng preskong sampalok para mas umasim. Iyon kasi ang turo ni Manang Rita sa akin.

"Mukhang matamlay ka ho ngayon, Senyorita ha?"

Tinawanan ko lang si Manang Rita na tumulong din sa pag-aayos ng mesa. Hindi yata nila alam ang nangyari kanina lang. Weekend kasi ngayon kaya umalis siguro sila for their personal day-off..

"Hindi naman po..."

"Aysus! Sabihin niyo nga sa akin. Anong nangyari kagabi? Kasi noong umalis ka ho kahapon sakto namang kakauwi ni Sir Juanito. Tapos tinanong niya kami kung na saan ka eh hindi ka naman nagsabi na pupuntahan mo ang mga magulang mo. Ayon tuloy, Ser Juanito was beri angry at nagsitakbo sa garahe't pinaharurot ang kaniyang sasakya paalis." naiiling na turan nito.

Nalaman ko rin kagabi na hindi pala nasabi ni Ate Jelay na umalis ako at kung saan pupunta. Kaya noong sinabi ko kay Uan na nagpaalam naman ako sa katulong, sinabi niyang hindi raw nila alam.

Hay, busy kasi masiyado si Ate Jelay that time pero ayos lang kasi at least nalaman ko na nag-alala sa akin si Uan.

"Alalang-alala si Sir, Ma'am. Hay thes es frustrating!"

Natawa ako sa mga ingles ni Manang, ang cute niya lang pakinggan. Pareho sila ni Yaya sa bahay.

"Sorry Manang, hayaan niyo po at sa susunod magpapaalam na ako pati na sa 'yo." I said at nakarinig nag mahinang tikhim sa likuran.

Agad akong lumingon at nakita si Uan na papasok ng dining area.

"Good morning ho Sir!" masiglang bati ng matandang babae ngunit hindi man lang siya nito binigyan ng pansin sa una bago ako nilagpasan ng tingin.

"Ano pong ulam, Manang?"

Naka-uwi na pala sila.

Tinignan ko kung may tao ba sa likuran nito baka kasi nandito pa ang Nanay niya. I don't think I can face her lalo na't hindi ko talaga alam kung ano ang nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina.

Tanghali na kasi ngayon at kailangan naming kumilos para sa tanghalian kahit na nanghihina pa ang buo kong katawan pati na ang namamanhid na pisnge dahil sa malakas na sampal mula sa Nanay ng sarili kong asawa.

God, ano ba 'tong pinasok ko.

Did he mean what he said last night? Ano bang ibig niyang sabihin sa mga salitang iyon? Eh yung halik, ano 'yon?

"Sinigang na bangus po, Sir! Masarap po iyan kasi si senyorita ho ang nagluto---"

"Ayaw ko ng isda, manang." baritonong wika nito.

Hindi ako umimik at nanatili lang na nakatingin sa lalaki.

"Pero Ser, si senyorita ho ang naghanda niyan. Actually nga po-"

"Ayoko nga Manang, magluto kayo ng iba. Tawagin niyo na lang ako kung ready na." He said at walang lingon-lingong tumalikod at umalis.

"Hay naku. Hindi ko na talaga mabasa ang takbo ng utak ng alaga kong iyan. Hindi naman iyan ganiyan dati..." Wika ng matanda bago umupo sa malapit na counter chair ng kusina. Habang ako naman ay nanatiling nakatambay sa kinatatayuan.

Hindi ko pa nababawi ang mga mata sa nilabasan ni Juanito. I hate how my mood changed real quick. Ang hirap talaga maging masaya, may lungkot agad na kasunod.

"Wait lang po Manang ha..."

Hindi ko na hinintay pa ang pagsang-ayon nito at agad na sinundan ang tinahak ng binata. Nakita ko siyang papasok sa master's bedroom kung saan ang kwarto niya kaya mabilis kong hinila ang braso nito at pinaharap.

THE BATTERED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon