Chapter 47 (SPECIAL CHAPTER)

4.8K 104 0
                                    

JUANITO'S POV

"You're the most insensitive selfish person I know," madiin kong wika.

Paano niya nasikmurang ipagkait sa akin na malaman ko ang katutuhanan? Na may anak pala ako all this time. Damn! Hindi mo ma imagine ang sarili ko na mainggit dahil akala ko yung Adeus ang tatay ng bata pero ako pala talaga. I have a son tapos walong taong gulang na pero wala man lang akong kaalam-alam.

Galit ako nasasaktan ako habang pinagmamasdan ang pinakamamahal kong babae na umiiyak sa mismong harapan ko. She is shaking this time at nakatingin lang sa kamao kong dumudugo dahil sa mga suntok na pinakawalan ko sa pader.

"I-I'm sorry, ayaw ko lang masaktan ang anak ko-"

"Anak natin Hillary. At bakit naman siya masasaktan ha? Narinig mo naman siguro nang klaro kanina ang sabi niya. He wants to know his father, gusto niya akong makilala pero pinagkait mo!"

Gusto ko na lang din suntukin ang sarili ko, dahil kahit gaano man ako kagalit sa babaeng kaharap dahil sa pagsisinungaling niya, mahal ko pa rin eh.

Ang sakit lang makitang umiiyak na naman siya sa harapan ko.

I took a deep breath and tried to calm myself down.

"I want to talk to him. Please naman Hillary, h-huwag mo naman sa akin ipagkait ang anak ko ngayon oh. Maawa ka naman sa aming dalawa," pagsusumamo kong wika at masuyo itong tinitigan sa mata.

"Okay."

Napalingon ako nang matamad dito dahil sa narinig.

"Pero kakausapin ko muna ang bata, baka mabigla kasi siya, Juanito."

"I don't want to waste any minute again, Hillary. Gusto ko siyang makausap ngayon mismo-"

"Putangina naman Juanito, makinig ka nga! Akala mo ba madali lang ito para sa akin ha? Sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan na itago si Gab sa 'yo dahil natatakot akong hindi mo siya matanggap?!" Umiiyak ito habang galit na sumisigaw.

Para kaming wala sa sarili na nag-iiyakan at nagsisigawan pero wala akong pakialam kung may makarinig man sa amin. I just want to finisb this and talk to our son.

"Bakit ko naman itatakwil ang sarili kong anak, ha? All this time, alam mong gusto kong magkaanak tayo, 'yan ang lagi kong sinasabi sa 'yo kahit noon pa man, Hillary. So I don't get your f'cking point!"

I am vocal to her about my plans after college. Na gusto kong magkatrabaho, makapag-ipon at makabuo ng pamilya sa kaniya. She knew that, at ang daming oras na magkasama kami pero ni minsan hindi niya sa akin nabanggit!

"I love you Hillary, bakit mo naman ginagawa sa akin 'to..."

Nanlulumo akong nakatingin sa kaniya kasabay ng hapdi ng kamay at dibdib ko. Damn, I never cried this much in my whole life.

"You broke my trust, Juanito. Kahit na ilang beses mong sinabi sa akin na mahal mo ako, hindi ko maiwasang pagdudahan lahat ng kinikilos mo simula nang malaman kong ginago mo lang ako dati dahil sa isang lintik na bet na iyon. And God knows how many times I tried to tell you about our son noong panahong habol nang habol ako sa iyo pero wala kang ibang ginawa kundi ang saktan ako, makipaghalikan at lumandi sa ibang babae. Ang hirap mo naman kasing mahalin eh... sobrang hirap mong mahalin," nanghihina nitong wika.

Ang daya talaga ng mundo eh.

Binalot kami ng ilang minutong katahimikan at wala ni isang nagbalak na putulin iyon.

We stayed there sobbing until I heard her crack voice again.

"Kakausapin ko muna si Gab. Kung hindi ka makapaghintay, bahala ka sa buhay mo."

THE BATTERED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon