Chapter 11

6.7K 144 18
                                    

HILLARY'S POV

"Amber? What the? Anong ginagawa mo dito?" 

Nakatayo lang ako doon sa gilid habang nasasaksihan ang pagyayakapan nilang dalawa.

Both of them we're smiling ear to ear na para bang hindi nila alam na hindi lang sila ang nandito sa lugar na 'to.

Para silang na sa isang teleserye na miss na miss ang isa't-isa habang ako naman 'yong chismosang maritis na nakikinood sa kaninang mumunting landian.

Me and ate Jelay are just standing there. Watching them. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kung paano mag re-react. Seeing your husband in some lady's arms really hits hard. 

Kung kanina ay nanghihina ako sa mga pinagsasabi ni Juanito, ngayon mukhang hindi na talaga kakayanin ng katawan at utak ko ang mga nangyayari.

Tumingin sa akin ang nagdadalawang isip na si ate Jelay. She's giving me an unsure and shy look. Hindi dapat siya mahiya kasi ito ngang dalawang kaharap ko ay wala man lang bahid ng hiya sa ginagawa nila.

"Gosh. Ganiyan ba dapat ang salubong mo sa akin, ha? I traveled kaya from Milan, Italy to Philippines para lang makita ka ulit..." She broke the hug before she slaps Juanito's cheek playfully.

Bakit parang kasalanan pa naming malandi siya at gumastos pa talaga?

Tangina, teleserye nga.

"Almost 14 hours ang travel time kaya it's so nakakapagod talaga." maarteng wika ng higad. 

Kung hindi lang ako makapagpigil baka dikitan ko ng tape 'tong bunganga niya. Nakakabwesit ang pananalita. 

"Sino ba kasi nagsabing pumunta ka rito? And also, did your parents knew that you are here? Baka magulat na lang akong napapalibutan na ng mga pulis ang pamamahay ko kapag nalaman ni tito na nandito ang brat niyang bunso." natatawang dagdag ng magaling kong asawa.

I crossed my both arms in front of my chest but still remained silent. Tignan natin kung hanggang kailan nila ma re-realize na hindi lang sila ang tao sa puwestong ito.

"You're so epal. And to tell you, nagpaalam ako kina Daddy.  They even told me to bring some traditional foods for you. Baka raw kasi na miss mo..."

Breath Hillary, breath.

"Oh really? Thanks."

"And in addition pala. Nakakaloka ang mga katulong mo ha. It's so mainit kaya outside your house then they won't allow me to make pasok here." parang bata nitong sumbong nang tuluyan na silang matauhan at lumayo sa isa't-isa matapos ang mahigpit at mainit na p'tanginang yakapan.

"What brings you here, Amber?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Bakit parang hindi ka masaya na nandito ako? My ghad it's been months since you left Italy. I also thought na mabilis ka lang here." 

Nakakabwesit na talaga sa tainga pakinggan itong higad na 'to eh. Masiyadong maarte sa pananalita daig pa ang mga conyong kambing namin sa Baguio. 

"I miss you, Love..." She attempted to embrace again my husband when Juanito moved back and simply took a glimpse on where I am standing. 

Nagtagpo ang mga tingin namin kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Playing a mataray role sa teleserye nilang 'Ang Higad at ang Unggoy'.

Ang akala ko'y lalapitan ako nito para ipakilala sa kaharap niya bilang asawa niya pero biglang naglaho ang akala kong iyon nang magsalita itong muli.

"Hillary maghanda ka nga ng maiinom para sa bisita ko. Make it fast, sa sala lang kami maghihintay." 

"Ah eh ako na lang  po ang gagawa ng maiinom ninyo Sir—" 

THE BATTERED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon