Chapter 42 (SPECIAL CHAPTER)

6.1K 87 0
                                    

HILLARY'S POV

*FLASHBACK*

Naglalakad ako sa hallway ng school habang nakayuko. I really don't like people staring at me lalo na at wala naman akong alam kung bakit sila tingin nang tingin.

I am an achiever and kilala sa iba't-ibang larangan ng paaralang itp but it is not normal. Kasi ngayon lahat ng mga nadadaanan kong pasilyo ay may mga estudyanting nakasimangot na tumitingin sa akin, nakangiti at iba ay parang naiinis.

What the?

"Bagay naman sila eh."

"Oo nga kaso mahirap lang naman si Juanito."

"Well they are both popular so I think mag c-click sila..."

Juanito? Click? Ano bang pinagsasabi ng mga taong ito.

I was about to approach the group of students na nagsalita nun para alamin lang sana kung ano ba ang mga pinagsasabi nila nang biglang nagkagulo sa dulong bahagin ng hallway. Nagsitakbuhan ang mga tao kaya hindi ko na masyadong alam ang mga nangyayari. May nagsusuntukan yata kaya napailing na lang ako.

Goodluck sa guidance mga friends.

Aalis na lang sana sa kinatatayuan nang biglang may mainit at malapad na kamay ang humawak sa pulsuhan ko. Hindi ko makilala kung sino iyon dahil kasalukuyan itong nakatalikod sa akin. 

Agad naman ako nitong hinila sa kung saan at hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinayaan lang siyang gawin ang gusto niya. Nagpatinaod lang ako habang hila-hila niya ang kamay ko hanggang sa pumasok kami sa isang room na sa tingin ko ay lumang faculty room. 

Narinig ko ang tunog ng paglock ng pinto kaya bigla akong kinabahan.

Hindi pa ako nakakabawi sa huwisto nang marahan ako nitong tinulak at sinandal sa pader while holding my wrists on the both sides of my body. 

"Ouch..."

Hindi ko na naiwasang mapadaing nang maramdaman ang sakit nang pagkakabangga ng likod ko sa pader ng room dahil sa malakas at pwersa nitong tulak sa akin.

"Shit."

Rinig kong bulaslas ng kaharap kasabay ang magluwang ng hawak niya sa mga pulsuhan ko but we are still in the posistion. 

I don't want to assume things. Imposible naman sigurong 'siya' itong kaharap ko. 

Yes oo opo, imposible nga dahil ang alam ko ay busy si Juanito sa basketball game nila ngayong araw kaya hindi naman siguro siya itong kaharap ko.

Pero yung boses kasi. Puta. 

"Who are you?" I asked bravely while my heart continues to beat faster than normal.  

Masyado kasing madilim ang buong silid para maaninag ko ang lalaking kaharap. He smells like a velvet perfume.

Dang! Mas mabango pa nga yata itong lalaking ito kaysa sa akin eh. Bigla tuloy akong na nabahala sa sarili kong amoy at baka masimhot nito ang pawis ko mula sa training ng volleyball dahil sa physical education.

But the question is, bakit ba ako namomoblema? Ano naman ngayon kung maamoy ng lalaking ito ang pawis ko? Ano ba ang pake ko?

Aurghhh!

"Sino ka nga sabi?" I asked for the second time pero tulad ng kanina ay nanatili lang itong tahimik. 

Madilim man ay alam kong sobrang lapit ng mukha nito sa akin dahil parang tumatama na sa noo ko ang mainit niyang hininga. 

May narinig akong kaluskos mula sa labas ng room pero hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na bawiin ang kamay ko mula sa hawak ng lalaki. Hindi ko na kinakaya ang mainit nitong balat na tunatama sa akin.

THE BATTERED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon