Chapter 33

7.4K 152 1
                                    

HILLARY'S POV

Naalimpungatan ako nang tumunog ang selpon ko sa gilid. Shete nakatulog pala ako kagabi kaka scroll sa social media. 

Tinignan ko kung sino ang tumatawag nang makita sa screen ang pangalan ni Mommy. Nabigla at nanibago ako nang tumawag ito nang ganitong oras. Madaling araw pa lang rito at ni minsan hindi naman ito tumatawag nang walang dahilan kaya kinabahan na ako.

"Hello, Mom? Napatawag po kayo?" Umupo ako nang maayos sa kama at tinignan ang bintana ng kwarto. Nang makitang nakabukas ito ay agad na tumayo ako at dahan-dahang sinara ang kurtina.

Napakunot ang noo ko nang makitang bukas ang bintana ng katabing condo. Sa pagkakaalam ko kasi, matagal ng walang nakatira doon dahil patay na ang may-ari at hindi pa nabebenta.

Nagkibit-balikat na lang ako nang biglang marinig ang natataranta at iyak ng Nanay ko sa kabilang linya ng tawag.

"Mom, what is going on? Why are you crying?" Nag-uumpisa na akong mag-isip ng mga posibleng problema.

["Your d-dad..."]

"Mom, please calm down. Tell me what happened to dad?" Pinipilit kong maging kalmado kahit na naglalaro na sa utak ko ang iba't-ibang sitwasyon.

["I-Inatake siya sa puso anak. I d-don't know what to do. I'm still shaking by this moment. Ayaw kong pati Daddy mo ay kunin sa atin, anak. Ayaw kong matulad siya sa ate mo..." Utal-utal nitong sabi. Nabuhay ang diwa ko dahil sa narinig.]

"Mom please calm down. Baka ikaw naman ang atakehin niyan, ey. I will set a flight, uuwi kami r'yan. And don't worry, hindi mawawala si Daddy," lakas loob kong sabi kahit na lutang ang utak ko dahil sa narinig na balita. 

Damn, my parents need me. Kailangan kong umuwi.

["No no, ija. No need to do that, just stay there. Napatawag lang ako kasi gusto kitang balitaan. Sorry kung nag panic ka because of what I've said. Kaya na naman ito ng Papa mo-"] before she could even finish her sentence, I already made a decision.

There is no way that I will let my parents alone there in the middle of the situation. At saka sa tingin ko ay oras na rin siguro para tapusin ang pagkukulong dito sa France.

"No Mom. Uuwi kami r'yan ng apo ninyo," paninindigan ko.

["Are you sure 'bout that, honey?"]

"Yes mom, I'm sure about it."

Kilala ako ni Mommy. Kung desidido ako sa isang bagay, gagawin ko talaga. Kaya naman hindi na ito nanglaban pa at hinayaan na ako sa gustong mangyari. Pinatay ko na ang tawag nang makapag imapke at makapaghanda na kami ng anak ko at saka kinontak si Dave dahil alam kong matutulungan niya akong makabook ng flight mamayang hapon.

["Yes, Lary?"]

"Dave I need your help," Pagbungad ko ritong sabi. Narinig ko pang humikab ito dahil madaling araw pa nga lang at mukhang nagising lang dahil sa pagtawag ko.

"Why? what happened? Tungkol ba ito sa ina-anak ko? Shit, anong nagyari?!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa naging reaksiyon nito. 

"No. It's not about Gab. Na hospital si Daddy so basically both of my parents need me. Uuwi ako ng bansa kasama si Gab. Can you help me book a ticket para mamayang hapon o kahit anong oras na lang," walang paligoy-ligoy at desperada kong ani rito.

["Okay okay. Consider it done, babe..."]

"Shacks, thank you Dave. Sana pagpalain ka ng isang malusog na relationship."

THE BATTERED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon