Chapter 44 (SPECIAL CHAPTER)

4.4K 100 1
                                    

HILLARY'S POV

"M-Mommy?"

Nanlaki ang mga mata ko nang salubungin ako ng anak habang umiiyak. Niyakap nito ang tuhod ko kaya agad akong lumuhod para magpagtay ang taas namin. 

"Baby what's wrong?" Niyakap ko rin siya pabalik at hinimas ang buhok.

"I-I though you left me again tulad noong nangyari last time..." Hagulgol nitong iyak na nagpalambot ng puso ko.

It is been a month since the day na dinala ako ni Juanito sa Zambales. Pagkatapos din ng iyakan namin ng gabing 'yun, agad niya akong hinatid paauwi sa Manila kaumagahan at hindi nga ako nagkamali nang salubungin ako nila Mommy kasama ang mga imbestigador na kinuha nila. Hindi daw kasi nila ako ma trace dahil may promoprotekda daw and I'm sure it was Juanito's men.

Isang buwan na ring ganito si Gab. Natatakot na mawalay sa tabi ko kaya lagi siyang nakabuntot sa akin kahit saan ako pumunta. He was even asking me if pupwede siyang sumama sa work ko which I refused. Kasalukuyan kasi akong tumutulong sa company nila Mommy and I just don't want my son to be surrounded by many people. Tyaka na siguro kapag okay na ang lahat. 

Ginagamit ko ang kursong natapos ko sa college which is Business Administration major in Finance Management. Sobrang laki ng adjustments na ginagawa ko at ngayon naman kailangan kong umalis mag-isa para e file ang comeback contract ko sa isang modeling company na offer sa akin.

Sa sobrang daming offer, hindi ko na enexpect na ganun sila nagtitiwala sa kakayahan ko kahit na matagal na akong nagpahinga.

Kasi kung papipiliin lang ako kung pag momodelo ba o sa companya as finance manager, mas gusto ko magpatuloy sa pagmomodelo. Doon ako nakilala at doon din ako mas masaya kaya naman noong nakapili na ako ng magandang agency and management, hindi na ako nagdalawanh isip na iyon na ang piliin.

"I'm sorry baby... Mommy did not able to tell you that I need to go somewhere because of my work kasi you are still sleeping kanina so I did now able to say goodbye to you. However, I won't do it again, okay? Tahan na..." Pagaan ko ng loob niya at dahan-dahang nilayo siya sa akin.

I kissed his forehead at kiniliti ito sa tagiliran.

"Mommy s-sto-p."

Natawa na lang ako nang napalitan ng tawa ang emotional na anak ko bago pinahiran ang mga luha. Iyakin talaga, mana sa tatay niya!

"Big na talaga baby ko oh, do not cry na okay? Birthday mo pa naman bukas." Hinawakan ko siya sa kamay at sabay kaming nagtungo sa kusina.

"Yep, I am finally eight year old po! So basically, I am a man now. Hindi na po ako iiyak."

Matapang nitong sabi at kinurot pa ang ilong kaya namula. Bakit ba ang gwapo ng anak ko ha?

"You're still my baby. Always and forever." Natatawa kong sabi nang makitang sumimangot ito.

Ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat ng bagay eh. Iyon ang unti-unting paglaki ng anak. Kahit na okay lang minsan, hindi ko maiwasang maisip na sobrang bilis ng panahon. Nakakamiss ang panahong sanggol pa lang ito at bitbit ko pa sa mga bisig.

Napabuntong hininga na lang ako na napngiti sa harapan ng anak.

"Okay for now, fix yourself first. Pupuntahan natin ang pastry shop na o-orderan natin ng birthday cake mo. Do you like that?" 

I ask him and he immediately nodded at excited na nagpaalam para makapagbihis na.

Natawa pa ako dahil sa pagmamadali nito. Sa sobrang bilis ng kilos ay parang hindi pa lumilipas ang isang minuto at nakapasok na ito sa banyo at narinig ko nang tuluyan ang tunog ng rumaragasang tubig mula sa shower.

THE BATTERED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon