Chapter 18

6.5K 138 11
                                    

HILLARY'S POV

Bumungad sa pagdilat ng mga mata ko ang puting kisame. Dumako naman 
ang paningin ko sa suot na hospital gown kaya. 

Nasigurado ko na na sa hospital nga ako dahil doon. Habang inoobserbahan ang paligid, biglang pumasok sa utak ko ang mga nangyari kanina. 

"Anak..." 

Dumako ang atensiyon ko sa nanay kong kakapasok lang sa pintuan kasunod si Yaya at ang magaling kong asawa. Agad ko ring inalis ang tingin sa lalaking mariing nakatitig sa'kin. Mom made her way papunta sa kung saan ako kasalukuyang naka higa bago ako niyakap ng mahigpit.

"Oh my ghad. My princess. Ano ba ang nangyari ha?"

Sinundan ng tingin ko ang paglakad ng lalaking seryoso ang mukha patungo sa counter table ng hospital room.

"The doctor told us about your situation. Stress ka raw kaya ka nahimatay. Anak naman, alagaan mo naman ang sarili mo anak, ayaw kong pati ikaw kunin sa akin." naiiyak na wika nito.

I hugs her back at tumango lang ako bago ngumiti.

Tinanong ko pa kung saan si daddy pero umalis daw ito nang maaga dahil may emergency sa kompanya. Mom also asked me na kainin ang lugaw na bitbit niya. The three of them stayed inside the hospital room nang magpaalam si Mommy at Yaya na aasikasuhin ang result ng lab ko.

"Eat it."

Hindi ko pinansin ang lalaking naiwan at walang ganang sumubo ng lugaw. In fairness masarap ang pagkakaluto.

"Is it good?"

Hindi ko ulit siya pinansin at lumamon ulit. Pamilyar sakin ang lasa nito pero hindi ko lang ma point out kung saan at kailan ko natikman. Hindi ko rin alam kung gutom lang talaga ako kaya feeling ko sobrang sarap.

"I cooked that..."

That made me stop from eating more. I faced him tyaka tinulak palayo ang lugaw. Hindi naman ako ma pride na tao, gusto ko lang talaga maging maldita sa ngayon. 

I still hate him because of what he just did.

"Hindi masarap."

I heard him laugh a bit. The heck? Totoo ba 'yong nakita ko o guni-guni ko lang? Si Juanito Fernandez tumawa sa harapan ko? Nananaginip siguro ako mga mare.

"I know you like it. Paborito mo na 'yan simula pa noon, remember?" He smirked before he bit his lower lip na para bang pinipigilang magsalitang muli ang sarili. 

So ayon pala 'yon. Dati kasi kapag inaatake ako ng asthma at nilalagnat palagi siyang nagluluto ng lugaw. Ewan ko ba pero epektibo sa akin ang mga niluluto niya lalo na itong ganitong lugaw kasi everytime na nakakain ako ng lugaw niya, I feel good.

"Gutom lang ako." I said yet he just boyishly smirked.

"Magpalakas ka, naghihintay sa 'yo ang mga alikabong sa bahay."

Sinamaan ko ito ng tingin na kinakibit balikat niya lang bago ngumisi. Nalakad ito palapit at inagaw sa akin ang lugaw at kutsara. He seriously stir it habang pumupwesto sa gilid ng kama. 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginagawa nito. Is this another acting?

Nagulat pa ako nang itututok niya ang kutsarang puno ng lugaw sa bibig ko. 

"Say ah..." Tinitigan ko lang ito at agad na inagaw ang kutsara sa kaniya.

"In the first place hindi ako bata para ganiyanin mo. Kaya kong kumain ng mag-isa." maldita kong sabi dito.

Tingin niya ba makakalimutan ko yung panglalait niya sa mga magulang ko ng ganun-ganun lang? Kahit nga sorry hindi niya magawa eh. He even faced mom and dad as if wala itong pinagsasabing masama kung nakatalikod sila. 

THE BATTERED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon