Chapter 26

6.7K 132 9
                                    

HILLARY'S POV

Hingal na hingal na ako dahil sa pagtakbo pero hindi ko naman pinigilan ang taong humila sa akin kahit na hindi ko kilala kung sino 'tong taong ito.

"H-Hey..."

Nang sa wakas ay nakapagsalita rin ako, humito ito sa pagtakbo at hingal akong binitawan.

Hindi ko maaninag ang kabuohan ng pag mu-mukha nito pero alam kong lalaki siya. Masyado kasing malaki ang kamay niya para masabing babae ito.

"Who are you?" I asked him sa gitna ng pagka-hingal.

Kinalma ko ang sarili ko at huminga nang malalim. May luha pa rin sa mukha ko kaya unti-unti ko itong pinunasan gamit ang kamay.

"Let me..."

Kinilabutan ako nang magsalita ito gamit ang sobrang lalim na boses. Hindi ko ma explain basta ang alam ko lang ay nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa hindi ko inaasahang boses niya.

Too deep.

"I said who the hell are you?!" galit na sigaw ko sa kaharap kahit hindi ko maaninag ang kabuohan.

Damn.

"Let me wipe your tears first ha—"

"Wala akong panahon para makipagchikahan sa kahit na sino Sir o sino ka mang lalaki ka." pagalit kong putol sa sasabihin niya.

Masiyado na akong durog ngayon gabi at wala na akong plano makipagbaragduhan sa kahit na sino. Ni hindi ko nga alam kung anong gagawin ko sa mga oras na 'to. Ayaw ko rin munang umuwi sa bahay.

"Ang tigas pa rin talaga ng ulo mo Hillary Biatrice."

Pagkatapos nitong banggitin, nagsitayuan ang balahibo ko sa batok nang naramdaman ko na lang ang malambot na tela sa pisnge ko hanggang sa narealize na pinupusana niya ang mga luha ko using a handkerchief.

"Silly as always." He said while still wiping my tears off my cheeks.

While he is busy doing it, I was too stunned to even move. Hanggang sa biglang may dumaan na sasakyan sa harapan namin at tumama ang ilaw galing harap ng kotse ang pagmumukha binata.

"Jeff?"

Nanlalaki ang matang tinitigan ko ito hanggang sa nakadaan na ang kotse at dumilin ulit ang buong pakigid. Na sa gilid kasi kami ng kalsada kung saan tago sa mga tao maging sa mga reporters na ngayon ay busy sa loob ng venue.

Sana lang talaga hindi nila kami mapansin na nawawala ni Juanito. Pero kung ganoon nga ang mangyayari, bahala na sila. Wala ba akong pake sa kung ano man ang iisipin nila.

"Nakakapagtampo ka naman. Ni hindi mo man lang ako nabosesan."

Dahil sa sinabi niyang iyon, doon ko lang napagtanto na siya nga si Jeff.

"Tangina mo!"

Mabilis pa sa alas kwatrong niyakap ko ito nang mahigpit. He hugs me back at doon na ako napahagulgol ng iyak.

He did not speak any word and let me cry between his arms.

"I hate him. I hate him Jeff. Ang gago lang."

"I told you..."

Mas lalo lang akong naiyak nang maalala ko kung paano ako payuhan ng mga kaibigan ko na huwag na makipaglapit kay Juanito. They warn me about the possible outcomes of it but I did listen to them. Hindi ko sila pinakinggan.

"Ang tanga ko, ang tanga tanga ko."

Bakit ba ang hirap ng buhay ano? Bakit ganoon kahirap magpatawad?

THE BATTERED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon