FABH 15

7.3K 270 16
                                    

I edit some parts of previous chapter. Hindi pinsan ni Anton si Aubrey for some purposes. Please support this story.


------

HINDI ko inaasahan ang araw na iyon. Hindi ako mangmang para hindi malaman na may pagtingin siya para kay Antonio.

Ako ang asawa ni Anton kaya gagamitin ko ang aking karapatan na iyon. Hindi rin ako magtataka kung may maghahabol pang iba kay Anton lalo na sa mga nakita ko noon na naging ka flings niya. Lahat nang babaeng iyon ay halos mabaliw sa kanya.

Hindi ko sasayangin ang mga napagdaanan namin at susuko nalang basta basta.

---

KINABUKASAN ay ganon parin ang aking ginagawa. Naging daily routine ko na ang maggising ng umaga at paglutuan si Anton. Ang iba niyang kinakailangan ay naaasikaso na ng mga katulong.

Unti unti akong nasasanay at unti unti kong nagugustuhan ang aking bagong buhay.

Hindi ko rin sinabi ang nangyari kahapon sa amin ni Aubrey na komprontasyon. Maagang nauwi kahapon si Anton at pagod na pagod pero sa oras na nahawakan niya ako kahapon ay hindi na niya ako pinakawalan.

We spent the whole night inside our room at nagpapahatid nalang ng mga kailangan namin.

I was scribbling my cellphone when Ruchelle called.

“Hi!" bati niya.

"Hello! Kamusta?''

"It’s my birthday today! Busy ‘raw ang ibang kasama natin sa banda. They are out of town! Namiss ko na rin talaga kayo."

Nasapo ko ang noo. "Oh my.. Nalimutan ko. By the way, saan gaganapin ba?"

"Iba na talaga kapag may asawa ano? Pinapagod kaba lagi ni fafa Anton?"

Ngumisi ako at tinungo na ang kwarto. Batid kong namumula ako ng husto.

"Jesus! Your mouth Ruchelle! By the way where's Indigo ba?"

"Out of town rin. Mabuti pa sila. At wala namang celebration. Mamayang gabi meron lang kaming family dinner. Ayoko ng party, nakakaumay."

I chuckled and rolled my eyes. 
"Alright, just text me the details at pupunta ako. Happy birthday Rutch."




We will meet in the afternoon because in the evening she have an intimite dinner with her families.

I miss the bonding of our friends too. Kahit na nagsimulang hindi talaga ako mahilig makipag kaibigan pero ng makilala ko sila ay may nabuo sa aming friendship.

Nakailang tawag ako kay Anton ng araw na iyon upang magpaalam ngunit hindi niya nasasagot ang aking mga tawag.

Napag desisyonan ko na lang na puntahan siya sa kanyang opisina. All his staffs know me kaya wala namang magiging problema doon.

Habang nag aayos ay sinubukan kong magtext sa kanya pero wala parin. I am worried. Hindi ganito si Anton. Kasi kahit gaano siya kabusy nagrereply sa akin iyon.


--

MAINIT sa labas. Kaya hindi ako nagsuot ng kahit anong blazer o pants. I just wore a simple yellow dress.

Nang makapark ang kotse ay bumaba ako at tiningala ang matayog na building ng kompanya ni Anton , it gave me shivered realizing that the owner of these tower is my husband. Damn.


Inayos ko ang aking Ray-Ban ng makapasok at agad na binati ako ng guards at iilang empleyado.

"Good day Ms. Dela Vega." may lumapit kaagad sa akin at sinamahan ako.

Fixing A broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon