FABH10

15.7K 630 49
                                    

Chapter 10
Nagpakatotoo

Nagtatago sa gilid ng pinto at nakikinig sa usapan ng aking magulang.

"Umatras na talaga yung anak nila. Anong gagawin natin? Malaking hatak sila sa company kung sakali."

Nakasilip man sa pinto nakita ko parin kung paano ka problemado sila mommy.

Daddy hug her. "Baka may iba pa naman tayong paraan Clarisse. Hayaan na natin.."

Huminga ako ng malalim at humilig sa pinto. Naninikip ang dibdib ko na malamang umatras na si Anton.

Ayaw na niya ba sa akin?

Inaamin ko na may kasalanan rin ako. Kasalanan ko dahil nakita niya kaming magkayakap ni Ezekiel. Kasalanan ko dahil mula noon hanggang ngayon ayoko sa kanya.

Mapaglaro talaga ang tadhana. Kung sino pa iyong hindi nagtatagal siya pa binigyan ko ng sarili ko. Habang itong lalaking handang mahalin ako ang siya pang sinaktan ko.

Maling mali ako.

Dahil sabado nasa bahay lang sila mommy at daddy. Hindi sila umalis at mangibang bansa.

Buo na yung desisyon ko. Gusto kong makausap si Anton.

Hinatak ko yung formal dress ko sa aking walk in closet. Pinuyod ko yung mahabang buhok ko at nagsuot ng sandals na may heels. Pormal na pormal ako ngayon. Nagmukha akong sekretarya ng kung sinuman.

Palabas na ako ng bahay ng makita ako ni mommy.

"Saan ka pupunta hija?" Tanong nito.

Napayuko at huminga ako ng malalim.
"K-Kay Anton po. Pupuntahan ko siya sa opisina niya."

Lumaki ang mata nito at hinagilap ang aking kamay.

"Pumapayag ka na?" Halata ang saya sa boses nito.

"Gusto ko muna siyang makausap mommy.".

Huminga ito ng malalim. "Sige, Sana pag isipan mo ng mabuti."


Taas noo ako na pumasok sa magarang Company nila. Agad kong tinungo ang elevator papuntang floor nito. Dahil desidido ako inalam ko ang Company address nila at ang floor ng office nito.

No one dare to move, no one dare to ask. Nakatingin lamang sila sa akin. Tila natatakot rin magtanong kung bakit hindi ako huminto sa information desk.

Ginamit ko pa mismo yung VIP elevator kung saan CEO at magagarang tao lang ang puwedeng sumakay.

The hell I care.

Sobra yung kaba ko. Actually, hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Basta basta nalang akong sumugod dito.

Nanginginig yung kamay ko na inangat para katukin ang pinto nito. Bago iyon bigla na itong bumukas.

Nabitin sa ere ang aking kamay habang nakatulala sa babaeng nasa harap ko. Natigil rin ito at nangunot ang noo.

"Who's that Aubrey?"

Pumintig ng malakas ang puso ko ng marinig ang boses ni Anton.

Palagi nalang bang ganito? Pinnganak ba ako para saktan?

Tila nagulat rin si Anton nang makita ako. Agad nangilid ang aking luha.

"Sino ka?" Tanong ng babae at napatingin pa kay Anton na sa akin lang nakatingin ng seryoso.

"What are you doing here?" Malamig na tanong nito. Napalunok ako.

Oo nga naman. Noon ko pa alam kung gaano siya ka ganid sa babae. Bakit pa ako magtataka?

Fixing A broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon