FABH 5

14.9K 544 26
                                    

Chapter 5
Engage


Naalala ko lahat lahat ng nangyari sa amin. The way he kissed me and touched me parang hindi iyon pustahan. O baka masyado ko siyang mahal kaya hindi ko iyon pansin?

Oh god.. All this time?

I swear parang matutumba ako sa oras na ito. I pretended na nahulog yung libro ko sa sahig. Yumukod ako para kunin iyon halos mangatog ang kalamnan ko ng tumigil sila sa pag-uusap.

Naramdaman ko agad ang paglapit ni Zeke sa akin at pinulot ang mga libro.

"Sige dude,una na kami. " Paalam ng mga kaibigan nito.

Zeke nodded seriously. "Kanina kapa?" He whispered while staring on my face intently.

"Kakarating ko lang." Umiwas ako para umupo.

Pinagmasdan ko siyang umorder ng pagkain. Pinupunit ang puso ko.

Buong buo yung pagpigil ko na huwag maiyak. Pinatatag ang sarili. Mahal na mahal ko ang lalaking ito pero bakit? Bakit ganito? Kailangan ko ba talagang masaktan ng ganito?

Napalunok ako at yumuko. Alam kong nangingnig ang aking labi at panga sa pagpigil ng hikbi.

Tatanggapin ko Zeke. Wala na akong pakealam kung dahil sa pustahan naging tayo. I just can't let you go. Not ever...

Naninikip na ang dibdib ko habang pinapark nito ang sasakyan sa labas ng aming gate.

"Susunduin kita ulit bukas. ." Malumanay na aniya sa akin at hinaplos ang aking pisngi.

Tinignan ko siya sa mata. Gusto kong itanong kung bakit? Bakit masakit ang umibig?

"Y-You will stay here?"

He nodded. "Dito muna ako saiyo.." He leaned his forehead on my ear. Nagpatak siya ng halik sa aking balikat.

"Zeke..."

"Hmmmm?"

"Mahal .." tinignan ko siya sa mata. Gusto ko nang maiyak.

"Na mahal kita.."

Umigting ang panga nito at napalunok. Halos masaktan ako ng sobra.

"Huwag mo akong iwan..P-Pakiusap.." I pulled his shirt para ibaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. My shoulder were shaking. Halos naging bata ako sa aking iyak.

"Huwag mo akong iiwan.. Binigay ko lahat d-diba? Binigay ko e.." My voice croaked.

Shit.

Humigpit ang yakap nito sa akin. Ding na dinig ko ang tibok ng puso ko. Sobrang tahimik ng paligid.

Inalis ko ang mukha sa pagkasubsob sa kaniyang dibdib at hinawakan ang mukha niya.

I dont care if he will see me like this. I'm this mess.

Umiigting ang panga nitong tinitignan ako. "Mahal mo ako diba? Diba?"

I almost begged at malukot na ang damit niya. Napasinghap ako nang sinibasib ako nito ng halik.

Dinig na dinig ko ang bawat lapat ng aming labi. He angled his head to kiss me more. Halos hindi na ako makahinga sa kanyang halik na mapusok.

Hingal na hingal kami ng maghiwalay ang aming labi pero magkalapat ang noo.

"Hindi kita iiwan.." Anas nito at kinagat ang aking ibabang labi.

Hindi ako nakontento. Mas hinalikan ko pa siya dahil sa takot ko. Sa takot ko na baka anumang oras iwanan niya ako.

Lumipas ang isang linggo na halos araw araw ako nagdarasal sa panginoon. Na ayoko pa, ayoko pa siyang mawala.

Nag concentrate ako sa aming program. One week ang aming booth kaya sa loob ng one week may performance kami araw araw.

Sa nakalipas na isang linggo puro ensayo ang aming inatupag.

Hindi naman nawala sa aking tabi si Zeke isang beses siya umuwi sa probinsya nila at bumalik naman agad dito kinabukasan.

Ngiting ngiti ako habang papasok sa aming bahay. Hindi ako nasundo nito dahil may emergency raw.

Hawak hawak ko ang aking cellphone papasok sa bahay. Nakarinig ako nang ingay sa aming hapag kainan kaya doon ako unang pumunta.

Nilagay ko sa sofa ang aking bag at pumunta doon.

Nagulat ako sa aking nakita.

Why Antonio Dela Vega is here?!

"Anak, saktong sakto nandito si Antonio. Maupo ka." Masayang sabi ni mama at nilahad ang upuan katabi ni Anton.

Pinukol ko ng masamang tingin si Anton.

"Lisa!" Saway ni mama kaya napaiwas ako.

He's wearing a suit! Ibig sabihin ito na ang namamahal sa kanilang kompanya?

He looks so intimidating but nah! Hindi uubra ito sakin.

"Anong ganap?" Malamig na tanong ko at umupo. Sumimsim lamang sa alak si Anton hindi ako tinignan.

Nalulugod naman ang mukha ng aking mga magulang sa harap ng lalaking ito.

"Siya si Antonio Dela Vega. The heirs of Dela Vega Airlines and Dela Vega Company."

"I know him." Diin ko na sabi. At siya ay malandi! Gusto kong ipagsigawan pero syempre sa isip ko nalang iyon.

"That's great.. wala kasi yung magulang niya nasa America.".

Nangunot ang noo ko. Ni hindi ko makain ang masarap na pagkain sa aking harap.

Papa cleared his throat at nagkatinginan sila ni mama.

Papa held my hand.

Shit! I know what the fuck is this.

"Anton is the best man for you.." He almost whispered.

Sa gulat ko halos matapon ko ang kamay ni papa. Mama gasped.

"No!" I shooked my head. I swear halos patayin ko na si Anton sa tingin.

Seryoso lamang ito at hindi nagsalita. Kampante pa itong uminom ng tubig.

"Lisa! para saiyo ito." Nanginhinig sa galit si mama. Kung wala lang dito si Anton alam ko naman na makakatikim ako ulit ng sampal.

My tears pooled. Naiisip ko kami ni Zeke. Oh no.

"Hindi! Iniisip niyo lang yung kompanya hindi ako! Bakit ako pa gagamitin niyo ha?!"

"Lisa!" Saway ni papa.

Hindi ko na pinansin ang mga ito. Lalo na ng marinig ang boses ni Anton at alam kong sinusundan ako nito.

"Huwag mo akong sundan!" I shouted on him habang masa pasilyo na kami dito sa ikalawang palapag.

He didnt answer but he grabbed my hand at tinulak ako sa pader.

Kita niyo na?! Kaya ayoko sa kanya!

"A-Ano ba! Sabing ayoko sayo diba?!'

Mas idiniin pa ako nito sa pader at umigting ang panga nito. His eyes were tarnished of darkness.

"Mula pa ng bata tayo ayaw mo na sakin diba?" He fired back.

"T-Talagang ayoko sayo!" halos maduling ako sa sobrang lapit nito sa akin.

"A-Ano?! hahalikan moko? Subukan mo lang!" God! Why Am I stammering?!

Ngumisi ang gago at kinagat ang labi.
"Handa ako maghintay sa halik Clarissa. Pero sa oras na makasal tayo...."

Pumikit ako ng mariin dahil ayokong marinig ang kahit anuman ng sasabihin niya.

"Gabi gabi at araw araw ka sakin..." He whispered on my ear na ikinatindig ng balahibo ko.

Nag iinit ako sa sobrang galit. Tumalikod ito at halos gusto ko itong itulak sa hagdan.



Fixing A broken Heart Where stories live. Discover now