FABH 4

15.4K 559 26
                                    

Chapter 4
Heart Broken

Second year college mas naging hectic yung schedules namin. Mas naging hectic rin yung oras ni Zeke.

Dahil gusto kong maging mabuti kaming dalawa inintindi ko ang mga ganong bagay. Hindi lamang oras naming dalawa ang importante.

Sa skwelahan may mga naging bago akong classmates at kaibigan. Mula noon naging mabuti ko nang kaibigan si Alona.
Yung maganda pa pareho pala kaming kurso at classmate ko siya ngayon.

Para narin malibang kung gusto kong malimot yung stress palagi kong dala ang aking gitara.

"After our exam for first grading we will have our program. Bawat kurso ay magkakaroon ng booth. Dahil kayo ang highest section dapat kayo ang mag handle ng iba. Divide and make a group. Magtulungan at magpagalingan. Kanya kanyang diskarte dahil ang pupunta dito ay galing sa iba't ibang matayog na Unibersidad. Mga may ari ng mga kompanya. They will tour around in our University. Ang mas maganda pa ang kikitain natin ay mapupunta sa Bantay Bata at Bahay Kalinga ng matatanda."

Lahat kami ay pumayag sa anunsyo ng aming guro. Sinasabi pa lamang ay may nabuo nang idea sa aking isipan.

So I raised my hand for my advice.

"Yes Clarissa?"

Lahat ng tingin ay napunta sa akin.

"I would like to recommend myself as a leader."

Nagbulong bulongan ang paligid at namangha.

"Right, As a leader what would be your plan?"

"Alam ko ang bawat isa ay may kanya kanyang tinataging talento. When I was a kid gustong gusto kong kumanta. Gusto kong pakinggan yung mga kanta mula sa telebisyon at maging ako mismo gayahin iyon. Alam ko meron sa atin dito na ganon rin. So may plan is...I will create a group which contain a good voices. Huwag mahiya, hindi dapat ikahiya ang talento. Kung sino man dito yung gusto sa plano ko just raise your hand."

Sa dagat ng mga ka klase ko walang kamay ang umangat. But I did'nt gave up. Nanatili akong nakatayo at naghintay pa hanggang si Alona pinasa ere ang kamay.

"I- I love singing.." She said. "Count me in."

Then I saw my nerd classmate raised her hand too. Mahiyain ito pero nagustuhan ko siya ngayon.

"A-Ako.."

I nodded and smiled.

"Puwede ako?" My bitchy classmate butt in and I gave her my nod.

Naka anim lang ako dahil ang rason ng iba hindi pagkanta ang kanilang gusto. Merong cooking , dancing at pagalingan sa utak. Kahit paano ay naging mabuti yung aming pag uusap dahil lahat ay nagbigay kooperasyon.

Nasa studio kami ng Business Management building. Bawat building ay inaangkupan ng mga kurso at bawat building ay may kanya kanyang janitors each floor. Which means,may limang janitor dito sa building dahil hanggang limang floor ito.

Bukod sa may sariling studio may sarili ring comfort room each floor. Hindi ka mahihirapan paakyat dahil may elevator. Ganyan ka yaman ang Harvard Montemayor University.

Hawak ang papel ay nililista ko ang names ng aking grupo.

Alona my friend, Indigo yung nerd na girl at mahiyain, Ruchelle the bitchy type girl, Sarah, Camille, and Mae.

Wala man akong karanasan maging leader ng isang grupo para sa kanta pero ginawa ko ang nasa utak ko.

"Bukod sa pagkanta anong instrument yung marunong kayo?" Tanong ko sa kanila.

Ruchelle raised her hand. "I can rap.."

"That's not an instrument."

"Oh! Sorry.." she giggled.

"I do the drum .." Si Mae na medyo boyish..

"Hm, Rap and Drum. Sino may alam sa bass?"

"Me" Si Alona.

So it's all set dahil ako na bahala sa gitara. Mabuti nalang kompleto ang kagamitan sa studio maraming upuan sa harap ng mini stage at maraming salamin.

Habang nag memeeting sila ay nag ring ang cellphone ko sa isang message.

From Ezekiel: I will fetch you.

Napangiti ako. He's home..siguro tapos na siya sa Hacienda nila.

Me: Okay, hintayin mo nalang ako sa Starbucks may practice kami para sa booth program.

Hindi na siya nagreply sa message ko dahil baka nagda-drive ito.

Lahat sila nakatingin sa akin konting minuto nalang mag uuwian na kaya nag bigay muna ako ng isang sample na kanta gamit ang gitarang bigay sa akin ni Zeke.


Twelve Fifty one by Krissy and Ericka.

I closed my eyes as I strumed my guitar.

"Scrolling through my cellphone, for the 20th time today.
Reading that text you sent me again, though I memorized it anyway.
It was an afternoon in December, When it reminded you of the day.
When we bumped into each other,
But you didn't say hi cause I looked away.

And maybe that was the biggest mistakes of my life.And maybe I havent move on since that night.

Cause it's 12:51 and I thought my feeling were gone,but I'm lying on my bed.
Thinking of you again,and the moon shine so bright. But I gotta dry these tears tonight. Cause your moving on and I'm not that strong to hold on....any longer...

Ohhh... Ohhh...Ohh..oh... "

I dropped the last strum. Hindi ko namalayan medyo naging basa ng gilid ng aking mata at masyado kong dinamdam ang kanta.

"W-Wow.." Ruchelle uttered amazingly.

"Naiiyak ako.." Si Alona naman na pinunasan ang mata.

"Maganda sana gawin yang raeggae tapos ako na bahala sa rap lines duet tayo." Si Mae.

Tumango ako sa kanila at pinunasan ang luha. "Lahat tayo ay kakanta. Ang pinakita ko kanina is just a sample. Put all your emotions and feel the song. Mas maganda na makita ng madla ang emosyon habang nagkakanta."

"You're a good leader." Si Camille while smiling. "Ganda ng boses mo. Parang anghel. Galing mo mag gitara. Bagay na bagay talaga kayo ni Ezekiel.."

Speaking.. Tinignan ko ang pang pulso na relo ko at nakitang mag aalas kuwatro na.

"Sige guys, Three to four practice natin every weekdays and one to three if week ends. Salamat sa kooperasyon."

Papadilim ang kalangitan ng lumabas kami. Nagpatiuna na ako kay Alona dahil baka naghihintay na sa akin si Ezekiel sa labas.

May mga bumabati sa akin paglabas ng school sa kabilang daan lamang ang Starbucks. Kaharap mismo ng school.

Sa labas palang tanaw na tanaw ko na ang likod ni Ezekiel habang may kinakausap itong kaibigan niya na alam kong graduated narin ng kelan.

I pushed the door. Narinig ko agad ang usapan ng mga ito.

"We did'nt say anything Zeke. Our bet will stay a secret and it wont leak." Ang isang lalaki na katabi nito.

"Just make sure..ayokong magka problema kami ni Lisa. I will handle everything."

The other guy laughed. "Of course, you heck! ikaw kaya ang nagsimula sa pustahan. Kung ako ang nanalo baka ako na ang boyfriend ni Lisa ngayon. And damn, I'd be so lucky.."

Natuod ako sa aking kinatatayuan. I can't process anything what I've heard. Ayaw tanggapin ng tainga ko. Lalong lalo na ng damdamin ko.

Shit... pinagpustahan ako?

My heart broke. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng puso ko.


Fixing A broken Heart Where stories live. Discover now