Chapter 22

7K 287 30
                                    

Hindi ko matanggap ang nangyari. I really cannot accept the fact that I lost my babies. Contextual twin. Magkadikit ang katawan ng babies ko. Ang sakit sakit na makita ang kanilang maliit na nakahulmang katawan na natatabunan ng dugo. Halos hindi ko bitawan ang jar na naglalaman ng mga anak ko.

We decided to bury them immediately. I could barely eat in the days gone by.  Halos hindi ko rin nakakausap si Anton. Nalulungkot ako at natatakot. Si Anton ay halos ilugmok narin ang sarili sa trabaho.

Parang bumalik iyong dati na nag iisa nalang ako. Gusto kong makausap si Anton ngunit hindi ko magawa. Ayos na sa isang araw na binabati niya ako ng "good morning" at hahalikan sa noo. Alam ko at nararamdaman ko na malamig ang pakikitungo niya sakin.

Bawat gabi ay nakikita ko siyang naglalasing sa sala. Naririnig ko na sinisisi niya ang kanyang sarili.

Sila mommy at daddy ay bihira na rin pumunta sa bahay namin.

Hinilig ko ang aking ulo sa malamig na dingding ng banyo. Tuloy tuloy ang buhos ng tubig patungo sa aking katawan.

Suffering from depression is not a joke. Ang daming masasamang solusyon na pumapasok sa aking isipan na gusto kong gawin ngunit sa huli ay pumipikit nalang ako na masakit ang ulo.

Hindi man sinasabi nila mommy at daddy sakin, ni Anton , batid ko ang kanilang pagdadalamhati. Lahat kami apektado. Matagal nang' inaasam nila mommy at daddy ang magkaapo samin ni Anton.

Lumabas ako ng banyo at nakabalot na sakin ang tuwalya. Naging normal na sakin na hindi makita si Anton dito sa kwarto.

Nag ayos ako ng sarili at handa na sa aking pag aaral ng tumunog ang cellphone ko.

"Mom?"

"Uhm. Hija, may gusto kaming sabihin ng daddy mo. Puwede ba tayong kumain sa labas? Lunch?"

Kumunot ang aking noo.

"Okay mom. May klase lang ako ngayong umaga."

"Huwag masyadong magpagod at baka mabinat ka."

"Yes mom."

Patuloy ang pag home study ko. Plano kong' pumasok na sa mismong Unibersidad sa susunod na taon.

“Good morning!" pumasok sa study room ang isang matipunong lalaki at naka eye glasses. He smiled to me.

"I am your temporary teacher for now miss Dela Vega. Nagkasakit si Mrs. Hernal. I am Bryan Santillan."

"Oh, okay. Good morning!"

Nag umpisa na ang klase at magaling siyang magturo. Ilang oras ang ginugol ko sa pag aaral at hindi siya nagbigay ng kahit anong quiz.

"Uhm..hindi ka ba magbibigay ng quiz sir?" tanong ko at hinilot ang aking leeg. Nakakasakit ng ulo, sobra.

"No." umiling siya. "You need to rest. Your mom update us your health kaya hindi ka puwedeng mag take ng kahit aanong exams, for now. And..we're done for today."

"Alright, thank you sir!"

I was about to get my things when someone opened the door. Si Anton!

"A-Anton."

Ang titig niya ay nanatili kay sir Santillan!

"Uhm." I cleard my throat. "Si sir Santillan ang kapalit muna ni Mrs. Hernal."

"Good day,  Mr. Dela Vega." ngumiti sa kanya si Mr.Santillan.


Anton just nod and look at me. Umalis si Sir Santillan habang nasa kwarto na kami ni Anton.

My heart racing so bad! Hinubas niya ang kanyang polo at hinilamos ang kanyang mukha gamit ang kamay.

"What was that Lisa?" malamig niyang tanong sakin. Nangunot ang aking noo.

"What? Ang alin?"

"Your teacher is a boy? Pumayag ba ako?"

"Oh my God Anton. I am studying! Anong tingin mo ang gagawin ko?"

Ang temperatura naming dalawa ay tila  ba nagpapaligsahan. He's jealous? Goodness!

Tinikom niya ang bibig ng mariin. Huminga ako ng malalim at pumikit.

"Mabuti pa nga si Sir Santillan nag  aalala sakin pero ikaw hindi! Nandito ka pero ang layo layo mo sakin simula ng mamatay ang mga anak-"

"Shut up Lisa!" mariin niyang gitil sakin at humakbang palapit. Bakit ganito? Bakit..ang layo layo niya ngayon?

"Don't remind me about it." aniya. Tinalikuran ko siya habang tuloy tuloy ang aking luha.

"W-Where are you going?" tanong niya ng buksan ko ang cabinet. I turned to him while I am crying. His feature softened.

"May lunch kami ni mommy at daddy."malamig kong sagot.

"S-Sorry..Shit! I will drive you-"

"Huwag na! Tutal parang wala ka namang pakealam sakin ituloy tuloy mo na iyan. Kung gusto mo..hiwalayan mo nalang rin ako! Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito Anton! Lalong tumatagal nagiging malabo na tayo!" sigaw ko at tumigil ng maramdaman ang sakit ng aking ulo na para bang' sasabog sa sakit.

"Lisa..No-" his voice begging.

"Huwag kang lumapit." malamig kong sabi at hinila ang damit na susuotin ko. Hindi na ako nakasuklay at nakamake up ng lumabas ako ng mansyon.

Nakaalalay sakin si Anton sa bawat galaw ko. He kept on saying sorry pero mali. Mali ang nararamdaman ko. May kulang sa aming dalawa. Hindi na katulad ng dati.

Hindi ko siya pinansin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang mga katulong na tila takot sa bawat pagdabog ko. Nakikita nila ang panunuyo ni Anton sakin.

Our driver brought me to the restaurant, ang address na binigay ni mommy. Medyo malayo layo iyon at hindi pamilyar sa akin.

Pumasok ako doon at nakita ko agad sila mommy at daddy. Hindi sila nag iisa dahil may kasama silang babae.

My heart beat fast. Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito.

"H-Hija.."  mommy held my hand immediately. Her eyes almost swollen. I turned to dad..his expression was cold and serious. What's happening?

"M-Mom, D-Dad."

"Maupo ka hija. May importante tayong pag uusapan."

Naupo ako at inangat ang tingin sa babaeng nasa harapan ko. She..She looks like...

Tinitigan ko ang hawak hawak niyang tingin ko ay tatlong taong gulang na anak.

"Lisa hija. Matagal ko nang gustong sabihin ito sayo." panimula ni daddy habang ako ay hindi makahinga sa kaba.

Mom sobbed.

"Your half sister.... Leilah."

Nanlaki ang aking mga mata.

She looks like dad!

"And your niece...Lani."

"D-Dad..y-you're kidding right?" I held mom's hand. She's crying. How mommy can manage this kind of pain?!

"Dad..All this time-"

"Hija..patawarin mo ako sa aking pagkakamali noon. Pero mahal ko ang mommy mo. Mahal na mahal."

Walang salita ang namayani. Tinitigan ko ang babae sa aking harapan.

She's pretty. She's my age. And...have a baby.

"Leilah and Lani will live with us from now on Lisa."

Fuck it. Ayos lang ba iyon kay mommy?

Fixing A broken Heart Where stories live. Discover now