FABH 8

14.9K 586 51
                                    


Chapter 8
I cried


Hilong hilo na ang ulo ko nang lumabas ako ng kotse. Isang bisig agad ang sumalo sa akin. Syempre, hinatid ako ni Anton.

"Tigas ng ulo." He muttered na dinig na dinig ko naman.

Ilang baso ng cocktails ang nainom ko. Sobrang sakit ng ulo ko at nakakahilo.

I clung my hand on his nap.

"Tulad k-ka parin ng dati.." nauutal na sabi ko. I can't open my eyes. Ang bibigat ng aking talukap.

Gusto kong matulog pero naeengganyo ako sa init na hatid ni Anton.

I burried my face in his chest. I can hear his ragged breathing.

"Bakit ano ako dati?" He asked. Bahagya king nasamyo ang bango ng kanyang hininga.

Bubble gum at alak. Nakakaliyo.

"Hatid sundo ako. Para kang tuta noon."

Humalakhak naman siya.

"So ngayon ano na ako?"

I smirked. "Aso.. Aso kana ngayon. Noon tuta ka ngayon Aso na." I laughed so hard.

Bigla niyang hinigpitan ang hawak sa aking hita at sinipa ang isang pinto kaya napatigil ako.

Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng aking kuwarto.

"Sleep now.." Nilagay niya ako sa kama. Lumubog ito.

Hindi ko inalis ang aking pagkakakawit sa kanyang balikat.

"Stay here,please.."

Pag umalis siya. Ako na naman mag-isa. Mararamdaman ko na naman ang pakiramdam na iniwan.

Sumasakit ang dibdib ko tila sinasaksak ng punyal.

"Please..a-ayokong masaktan..please ." Hindi ko namalayan ang luhang tumakas sa aking mata.

Dinilat ko ang aking mata at nakita ang kakaibang emosyon sa mata nito.

Sakit at pighati.

"Anong gusto mong gawin ko? Hmm?" he caressed my hair.

Nakakagaan iyon ng loob kahit paano.

"Puwede bang samahan mo ako? Please.."

Parang ayaw ko pang tanggalin ang aking kamay sa kanyang batok pero ng makitang tumango siya ay kinalas ko.

Tumayo siya at kahit sa dilim nakita ko ang pag kalas niya ng kanyang relo. Parang nanuyo rin ang lalamunan ko ng hubarin niya ang t shirt niya galing likod.

Tumambad sa akin ang walong abs nito. Pagod na kumakapit ang pantalon sa kanyang baywang at halos kita ko na ang nakaukit na V doon.

He untied my sandals and threw it somewhere.

"Gusto mong mag bihis?" Taning nito.

Tinignan ko rin ang sarili at nakitang maikli ang hibla ng aking dress.

Tinignan ko siya at tumango.

"T- shirt lang please.."

He nodded. Hinalungkat niya ang gamit ko na tila gamay na gamay niya ito.

"Stand up.." Utos nito.

Hinagod ko siya ng tingin. Gusto kong kiligin dahil kasama ko ang lalaking napaka guwapo. Suwerte na ang babaeng mapapangasawa nito kung sakali. Pero diba ako iyon?

Really? Iniisip ko na ito ngayon?

Imbes na tumalima ay hinila ko ang kamay niya. Akala ko tulad ng napapanood ko ay babagsak siya sa akin at hahalikan ako pero hindi!

Fixing A broken Heart Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora