FABH 20

7.7K 301 22
                                    

It's a different feeling when you see your child's small shape in 3D. I can't seem to believe it. Anton was quiet but I knew he was happy. The happiness was obvious in his face.

"There beautiful, here's the 3D copies. Your baby is healthy."

Mayroon pa siyang sinabi sa mga hormones ng buntis at pagiging moody. Anton nodded intently habang ako ay hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari.  I feel really happy.

Nakaawang rin ang labi ni Anton ng makita ang 3D picture ng baby namin. Maluha luha kong hinaplos iyon habang binaon ni Anton ang kanyang mukha sa aking leeg.

"I love you... I love you so much."

Dahil nga sa buntis ako ay dinalaw ako nila Indigo at iba pang kaibigan sa mansyon. Iniwasan nila na mapag usapan namin si Rutchelle. Ayaw nilang mastress ako at ganon rin naman ako.

Mas napadalas ang pag dalaw nila sakin. Nga lang, kapag may klase sila ay  nagiging busy na.

I am planning to continue my studies even if I am pregnant. Inasikaso lahat iyon ni Anton. Suportado siya sa lahat ng gusto ko.

Masyado ring mahirap ang pagbubuntis. Tulad ngayon..

"Mommy..." Tinawag ko si mommy na dumalaw rito sa bahay para lutuan ako ng sinigang na baboy para mainitan raw ang katawan ko dahil walang humpay ang aking pagsusuka.

"What else do you want hija?" Nilapag ni mommy ang sinigang na baboy sa bed side table ko. Nalanghap ko kaagad ang amoy nun. Mahilig ako sa maiinit na sabaw dahil napapawi ang pagsusuka ko kahit paano.

"Call Anton mommy... I want him to get me a guava."

"A...what?"

"A guava mommy please."

Napakurap kurap si mommy. "But hija..nasa trabaho si Anton tsaka...Okay. Puwedeng ako nalang?"

Umiling iling ako tsaka binaon ang ulo sa unan. Ayoko talagang gumalaw sa umaga. Gusto ko talagang si Anton ang mag alaga sa akin dito.

"Mommy... I want Anton to get it for me. Please." sabi ko sa kalagitnaan ng kaantukan. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog ng umaga na iyon dahil pagkagising ko ay may katabi na akong mabigat ang katawan.

Nakahiga sa tabi ko si Anton at nakahubad ang pang itaas. Nang iangat ko ng mabuti ang katawan ay nakita ko ang maraming guava sa mesa. I smiled.

Kahit na tulog siya ang guwapo niya parin. Ang guwapo guwapo ni Anton.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya at hinimas ang aking buhok.

"Maayos naman."

Bumangon siya para kunin ang sinigang na sa tingin ko ay ininit muli. Dinala niya iyon sa kama ko kasama ang tray. Nasa tray ang guava at ang sinigang. May konting kanin at may juice sa gilid. Agad na naglaway ang bibig ko.

Hinalikan ni Anton ang buhok ko habang kinukuha ko ang kutsara para mahigop ng sabaw.

"Nakakain kana?" tanong ko sa kanya.

"I ate in the office."

Natahimik ako ng mabosesan na pagod siya. Namumungay rin ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Are you tired?" punong puno ng pagsisisi ang boses ko. Am i making things hard for him? Sa huli naisip ko na dinadagdagan ko nga ang mga trabaho at mga iisipin niya.

Uminit ang gilid ng aking mga mata habang kinakain ang guava. Damn, it's delicious.

"Hey. Are you okay?" pag aalala ni Anton. Ngumiti ako.

"Yeah. Pasensya na pala kasi mukhang nahihirapan kana sakin." pumikit ako ng mariin nagsisi sa mga desisyon ko na hindi nag iisip.

Kailangan si Anton sa kompanya nila. Lunch time palang ngayon at nandito na siya.

"Hindi ako nahihirapan sayo Lisa. Who told you that?"

Inabot ko ang kamay niya na maugat. Kinagat ko ang labi.

"Kasi gusto kong ikaw ang bumili ng mga gusto kong kainin kahit puwede naman ako magpautos. Sorry. May trabaho ka, dapat ganitong oras nandoon ka parin-"

"Shhhhh..." hinalikan niya ako sa labi. Ang kanyang palad ay nanatili sa aking panga at humahaplos doon.

"You are my priority Lisa. Nothing else. I marry you because I love you so much. I am doing anything for our baby. Kaya kahit bumagyo man ay gagawin ko mahanapan kalang ng gusto mo. Hm?"

Gusto kong umapila doon. Siguro oras na para naman maging responsable akong asawa. I cannot be like this...like forever?

Hindi na pumasok sa trabaho si Anton noong araw na iyon. Nang maghapon ay napag isipan namin ang lumabas. Hindi ako masyadong nasusuka kapag hapon kaya naisipan kong mamasyal.

Dahil nga masyado akong excited sa aking panganganak ay kinulit ko si Anton na magtingin tingin ng mga gamit na puwedeng pambabae o panglalaki. Wala lang. Gusto ko lang talaga tumingin.

Kung magkano ba ang mga iyon. Kung gaano kaliit. At hindi ako nagkamali dahil ng makapunta kami sa mall ay halos napamamangha ako sa tuwing mahawakan ang mga damit na maliliit ay namamangha ako.

"Anton... look! Ang cute!" I said. Kinuha ko rin ang isang kulay mint green at pinakita kay Anton ngunit nakita ko na nasa cellphone niya siya nakikipag usap sa kung sino.

Natikom ko ang bibig at binalikan ng tingin ang damit ng bata at binitawa. Nagtingin tingin pa ako sa ibang mga kagamitang bata ng hindi niya na ako sinulyapan.


"Lisa?"

Tinaas ko ang titig sa tumawag sakin at nakitang si Ezekiel iyon. Goodness! It's been a while!

"Zeke!" I hugged him,ganon rin siya sakin! Nakita kong' may kasama niya ang magandang asawa niya. Nakausap ko na sila noon pa ngunit napakatagal pa noon!


"Hi Catalena!"

"Hello Lisa, sinong kasama mo?" Catalena asked me. Nilingon ko si Anton na patungo na pala sa amin. Tila kakahanap niya lang sa akin.

"Uh, si Anton."

"Oh my... You're pregnant?!" gulat si Catalena. "Me too! Masusundan na naman ang kambal."

"Wow! What a coincidence!"

Tinanguan naman ni Zeke si Anton. Ramdam ko na malamig ang pakikitungo ni Anton kay Zeke. Habang si Zeke naman ay pinapantayan naman ang pakikitungo ni Anton sa kanya.


Nakita ko noon na matalik silang magkaibigan. Nakita ko kung gaano sila kasaya noon. Ngayon, parang may gap na sa kanilang dalawa.


Para sakin ay wala na iyong nakaraan pa. Pero ramdam ko para kay Anton ay hindi niya tanggap ang ginawa sakin ni Ezekiel.



"Congratulations." nilahad ni Zeke ang kamay para kay Anton. Kinagat naman ni Catalena ang labi ngunit tinanggap naman ni Anton ang kamay ni Zeke. Zeke hug Anton in a manly way.



May kung anong bumusilak sa dibdib ko na makitang nagyakapan ang magkaibigan. Atleast, they are okay now.



Ngumisi naman sakin si Catalena at ganon rin ako sa kanya.

Fixing A broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon