FABH11

16.1K 610 37
                                    

Chapter 11
Anton

Parang toniladang bigat ang nakawala sa dibdib ko. Kaginhawaang ngayon ko lang naramdaman. Iyong wala na akong pake sa sakit na naidulot sa akin ng nakaraan. Bigla nalang naglaho ng parang bula dahil sa pag amin ng sarili kong nararamdaman.

Nakayakap parin ako sa kanya. Hindi na mabilang kung ilang minuto na ba ng yakapan naming dalawa.

"Let's go inside." He whispered and tousled my hair.

Napasimangot ako. "Let's go home. Let's talk about our wedding..." Paglalambing ko. Tila malakas na ang tama ko.

Humalakhak lamang ito at hinawakan ang aking baba para matingnan ako.

"Are you sure?" Paninigurado nito.

Inirapan ko siya at nilubog ko ulit ang aking ulo sa kanyang dibdib.

"Ayoko nang pigilan ang sarili kong mahalin ka Anton. Ayoko ng magkamali ulit. Ayoko na.."

We decided to went back inside. Nakita ko ko ang literal na paglaglag ng panga nang mga kaibigan ko. Napatingin sa amin ang mga kaibigan ni Anton na may mga kasamang babae.

Sa kabila ng ingay na tugtog ay naghiyawan sila. Nag fist bump ang mga ito.

"My fiance , Clarissa.."

Ngumiti ako sa kanila.

Biglang tumayo yung Aubrey na katabi kanina ni Anton. Ito yung babae sa office niya.

Nakalimutan ko ang isang to.

Ngumiti ito sa akin at yumakap.

Ngumisi ito at kinagat ang labi. Marahan ako nitong hinila at niyakap.

"Naging gago ako noon dahil ayaw mo sa akin. Mabuti napilit ko magulang mo na ipagkasundo ka sa akin.."

Napamulagat at sinapak ko siya sa braso. Ang tigas!

"Ginawa mo yon'?"

He nodded.. " Ganon ako kabaliw saiyo, Lisa."

Kumirot na naman ang puso ko. Mali ba na minahal ko si Ezekiel noon? Kung hindi naging kami ni Ezekiel noon, masasaktan ba ako at mapapansin ko si Anton?

Bawat araw ay magkasama kaming dalawa. He always bring me in his office. Pinakilala niya ako sa mga nagtatrabaho doon. Sa secretary niyang may asawa na. Sa mga kasosyo sa negosyo niya at sa iba pa.

Nasa sofa ako at nililibang ang sarili sa pag titingin sa mga magazine. Nakuha ang atensyon ko nang isang model.

Hindi lang dahil sa suot niyang type ko. Hindi rin dahil sa bag niyang hawak na gusto kong bilhin noon pa man kundi dahil sa ganda niya.

Her name is Amara Montenegro.

"Wow.." Binasa ko ang backround life nito at namangha dahil kambal pala ang anak niya. Grabe! Ang katawan niya parang hindi nanganak ng kambal!

Dahil interesting ang babaeng ito.Nilubos lubos ko ang pag stalk. Ang asawa pala nito ay pinsan nila Ezekiel! What a small world!

Meron rin akong nabasa na mag-tito raw sila ni Savier and the rest history na! Nalibang ako kakabasa.

Wow! As in napapawow nalang ako sa love story nilang dalawa.

Ngumuso ako at tiningnan si Anton. I smile when I saw him looking at me. Kausap niya ang isang kliyente niya sa kabilang banda pero nasa akin ng tingin niya. Bigla siyang umiwas at nagseryoso naman agad.

Ang suplado!

Pagkatapos ang isang oras nila na pag-uusap nag paalam narin ang kliyente niya.

Agad niya akong nilapitan sa sofa.
"Nabagot ka ba?"

Fixing A broken Heart Where stories live. Discover now