1st Chapter

171 53 56
                                    

ALAS-SAIS na ako nakarating sa School at pagpasok ko sa classroom tumambad agad sakin si Tonet, Coleen at Amy na kanina pa daw pala ako hinihintay.

"Beyang, nagawa mo na ba activity natin sa Biology?" kinakabahan at nangungusap na tanong ni Coleen.


"Syempre meron, ako pa ba?" taas noo kong saad sabay bukas ng bag para kunin yung assignment na ginawa ko.

"Baka naman gurl, pahiram kami deadline na yan ngayon e please." saad ni Tonet.

"Nawala kase sa isip namin na friday na ngayon e." saad pa ni Amy, napabuntong hininga na lang ako.

Mga kaibigan ko itong tatlong toh since 1st year college and now 3rd year na kami but still going strong pa din. And si Mark Anthony a.k.a Tonet is Juding.

"Oh, ayan. Bilisan nyo na baka mag-time na." saad ko sabay abot ng red short folder na naglalaman ng mga reaction at reflection papers.

"Kayo na bahala dyan, kumuha na lang kayo dyan ng idea baka kase malagot pa tayo pag pare-pareho tayo ng sagot." paliwanag ko sa kanila sabay talikod at naglakad na ko papunta sa upuan ko at naupo na dun para ipagpatuloy yung pagbabasa ko ng pocketbook na hiniram ko sa library staff nung isang araw.

Maya-maya pa ay tumunog na ang bell hudyat na magsi-simula na ang first class at yun nga ay physics, dali-dali nang sinuli sakin nila Tonet ang red folder ko dahil malapit nang pumasok si Prof.

"Good morning class! nagkaroon ng urgent meeting ang Science department, kaya magkakaroon pa kayo ng chance tapusin yung activity na in-assigned ko lately!"

"Yessssss!" sigawan ng mga kaklase ko.

"Yown!!!!!!"

"Thank you Ma'am!!!!!"

"But still, you would be able to pass it today. Whether you like it or not, I would be given you the entire time of my class to finish it. UNDERSTOOD?" saad ni Ma'am ng pataray.

"Yesss Ma'am"

"Yes po"

"We will Ma'am"

"Thank you Ma'am!"

"Good!" saad nya sabay lakad palabas ng pintuan.

Nabalot ng saglit na katahimikan habang naglalakad papalayo si Prof. kaya't nung masiguro na naming wala na sya nagsimula na kaming gumawa ng ingay haha.

"Whew! na haggard pa ko kakamadali kanina tapos. Hayssss." panimula ni Tonet.

"Baliw ka ba? Ayaw mo nun? Tapos na tayo." natatawang sabi ni Coleen.

"Well sabagay, Hayahay na tayo ngayon. Nga pala tuloy yung pustahan ahh!" saad pa ni Tonet.

May bali-balita kase na lilipat na yung Prof namin abroad at mukhang ang papalit daw rito ay lalaki din. Kaya't agad namang nagtayo nang pustahan si Tonet na dinamay pa nito ang artistahin naming naging Prof last semester.

Pinaliwanag ni Tonet na magpustahan daw kami kung sino daw ang mas pogi kung yung Prof ba namin dati o yung Prof na papalit.

Agad silang nagkampihan ni Coleen at pinili nila ay iyong dati habang kami naman ni Amy ay no choice at pinili iyong bago kahit hindi pa namin ito nakikita. Jusko 'wag lang sana mukhang ewan yun.

Ang dare namin is kung sino ang matalo ay manlilibre ng chowking sa mananalo.

***

After nang time ng Bio-chemistry next na pinasukan namin ay Algebra and then now Speech and drama time na, haysss kabado bente na naman kami papasok na kase yung lecturer naming ubod ng sungit pero atleast igop haha. Pero hindi ko siya naging crush, 'di ko bet vibes niya.

Atleast of an AlmostOnde as histórias ganham vida. Descobre agora