24th Chapter

23 15 0
                                    


Bata pa lang Papa's girl na ako, tuwing napapagalitan ako ni Mama, naka-siksik na agad ako sa likod ni Papa, tuwing inaaway ni Mama si Papa lagi akong umiiyak kaya wala silang choice kundi mag-bati na lang.

Sa Nueva Ecija ako lumaki, sa probinsya nila Papa, Up and down ang bahay namin doon sa madaling salita kahit papaano ay matatawag kaming may-kaya sa buhay, Teacher si Papa sa Highschool habang Flight Attendant naman si Mama, yun nga lang nung 10 yrs old na ako naging sakitin noon si Gabby na 5 yrs old pa lang noon kaya napilitan si Mama na mag-resign na lang sa trabaho, kaya si Papa na lang yung kumayod para samin, ngunit kahit ganoon hindi parin naman kami kinukulang sa pangangailangan.


May sarili kaming Piano sa bahay, dati kaseng kasali sa banda si papa at sya yung naka-base sa keyboard instruments, so mga 8 yrs old pa lang ako e tinuturuan na ako ni Papa mag-piano, ang una kong natutunan doon ay yung "Can't help falling in love by Elvis Presley" kaya suddenly simula noon yun na yun naging favorite song ko.

I was 13 yrs old back then, 1st year highschool ako nun, nung nahuli ni Mama na nang-babae si Papa pero kalaunan din naman nagka-ayos din sila kaso makalipas lang ang tatlong buwan napag-alaman naman naming buntis si Mama at ang Ama ay iyong ex nya noon na si Mr. Gomez, galit na galit ako sa kanya noon, ngunit si Papa na mismo ang nag-paliwanag na dapat ko iyong intindihin dahil sya naman daw ang unang nangaliwa at noon ko lang din nalaman na arrange-marriage lang pala sila sa madaling salita, mas mahal parin nila ang mga kasintahan nila noon, kaya ayun technically nag-hiwalay na sila Papa at Mama, minsan na lang kung umuwi nun sa Bahay si Mama dahil nga mag-kasama na sila ni Mr. Gomez sa bahay nito sa Maynila plus the fact na ilang buwan na ring buntis si Mama, si Papa naman nanatili lang na kasama namin ni Gabby, sa katunayan ayos parin naman yung buhay kahit wala si Mama sa tabi namin tyaka habang tumatagal nasasanay narin ako at natanggap ko na rin ang lahat lalo na nung ipinanganak na si Ariel.

Kahit may pagkukulang si Mama sa amin, mahal na mahal parin namin sya, dahil kahit papaano naging mabuting Ina sya sa amin at maging si Papa naman ay nakipag-balikan narin sa ex nya, kahit ganun ayos parin naman ang pamilya, hindi naman nag-kulang sa halip nadagdagan pa hehe.

So ayun, nung 2nd year highschool na ako syempre as a teenager nag-karoon ako ng crush noon, 4th year highschool na sya and actually Adviser nya si Papa, kaya madalas ko syang nakikita tuwing hinihintay ko si Papa pauwi.

At first hindi ko pa nun alam yung buo nyang pangalan e, ang alam ko lang Dick yung tawag sa kanya ng lahat at 16 yrs old na bale 2 yrs gap namin, tyaka ang alam ko lang din is mayamanin sya dahil Canadian ang Daddy nya habang pure pinay naman ang Mommy nya, sa bahay lang sya ng Tita nya nakatira dito sa Nueva Ecija dahil yung mga magulang nya at dalawang older sisters nya is naka-migrate na sa Canada tanging sya lang nag-paiwan dito sa Pinas, Academic achiever sya, String Instruments lover, at Basketball player din ng school at kapag sinusuwerte ka nga naman, ayun at si Papa pa yung coach ng team nila. hanep di ba? destiny!

Madalas kaming may eye to eye contact, minsan naman mahuhuli ko syang naka-tingin sakin, ang creepy lang pero kyahhhh! kinikilig ako beh!

Hanggang sa isang araw habang kumakain ako ng halo-halo sa tindahan sa labas ng school e nakita ko sya, lumapit sya sakin ng may ngiti sa labi, tulala lang ako nun hanggang sa tuluyan na syang maka-lapit. "Hi, I'm Darren Benedict Saavedra....just call me Dick." ngiti nya sabay lahad ng palad sa kamay ko.



Nilahad ko rin ang akin."H-hi, Dick...My name——"

"Bea Marie Dueñas, right?" pag-putol nya sa sinasabi ko, napa-tango na lamang ako. magtataka pa ba ako kung bakit nya ako nakilala e Teacher nya nga pala yung Papa ko.

Atleast of an AlmostWhere stories live. Discover now