22nd Chapter

34 23 0
                                    

Padabog kong sinara ang pinto ng kwarto, nilingon ko ang hapag ngunit wala na doon lahat ng tao, ibig sabihin taos na silang lahat kumain.

Nag-lakad ako ng dere-derecho sa sala at doon ko sila nakita.

"Bakit ka nag-wawala ate Beyang?" pabirong tanong ni Gabby na ikinatawa naman nung iba but instead to laugh back, I just did a blank stare to them, at saka ko nilibot ang paningin ko upang hanapin ang dalawang tao, but I'm right wala sila dito, so it means sila nga yung nakita ko kanina.

Di ko na sila pinansin at nag-dere derecho na lang ako maglakad palabas, papunta sa kinaroroonan nila.

Nung nasa harapan na nila ako ay para akong na-tuod, kasalukuyan silang magka-yakap ngayon kaya hindi nila napansin yung presensya ko, nag-simula ng tumulo ang ang mga butil ng luha sa aking mga mata hanggang sa mapa-hikbi na lang ako na syang nag-pahiwalay sa kanilang dalawa.

Nanlaki ang mga mata nilang naka-tingin sa akin, at halata sa itsura nila ang pagka-gulat.

"MAMA?" humihikbi kong saad.

Nangilid na rin ang luha ni Mama."N-nak, mag-papaliwanag——"

Di ko na hinintay matapos ang kung anumang sinasabi nya dahil kumaripas na agad ako ng takbo pabalik ng bahay habang naka-takip ang bibig upang pigilan ang mga hikbi ko na gusto ng kumawala.




********

Pag-karating ko sa sala ay tawanan nila, Ariel, Gabby, Nicole, Brix, Tito Luis, Kaye, Gabby, Tita Denise at Darren ang syang bumungad sakin, ngunit agad din naman silang napa-tigil ng makita ang itsura ko.

"Beyang? anong nangyare?" napatayo agad si Tita Denise at agad na lumapit sa akin ng makita akong umiiyak, napatayo na rin si Darren ngunit hindi na tinuloy ang pag-lapit sakin dahil nauna na si Tita.

"S-si Mama......Tita s-si Mama." humihikbi kong saad.

Hinawakan nya naman agad ang pisngi ko para mapa-angat ang tingin ko sa kanya."Tell me? what happened?"

"Tita, I s-saw Mama and Mr. Gomez, t-they had an affair." napaluha na ako ng sobra kaya napa-yakapa na ako kay tita habang humihikbi sa balikat nya."Nag-lihim si Mama s-sa a-atin, Tita."

Hinagod nya ang buhok ko at tinapik tapik ang likod ko."Shh..shhh, tahan na...tahan na...pag-pasensyahan mo na yung Mama mo kung nag-lihim sya sayo——" marahas akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

Napaatras ako."What? naglihim sa akin? sa akin lang?" napa-yuko si Tita at nag-simula na ring humikbi.

"So? you've already knew about this Tita?" di makapaniwala kong saad.

Nilingon ko isa-isa lahat ng taong kaharap ko ngayon."Gabby? Brix? Tito Luis? Nicole? may alam ba kayo dito?" napa-yuko rin sila lahat at nanatiling tahimik, nagsimula na ring umiyak si Ariel. pero wala akong paki-alam.

"Kaye? let's go..." agad hinila ni Gabby si Kaye upang iuwi na.

"B-bye po, bye Ate..." paalam ni Kaye habang hatak sya ni Gabby, pero di ko na sya nagawang lingunin.

Napa-upo na sa sofa si Tita habang naka-sapo ang palad sa noo at patuloy paring lumuluha, tahimik lang din na nakatayo si Darren sa gilid dahil hindi naman sya parte ng usaping ito.

Atleast of an AlmostWhere stories live. Discover now