20th Chapter

28 24 0
                                    

"Nak, hijo dun muna ako sa pastry section ha? kita na lang tayo sa counter." paalam ni Mama samin ni Darren at dumerecho na nga sya sa way nya.

Nasa Supermarket kami ngayon, upang mamili ng mga panghanda sa nalalapit na pasko, 3 days from now na yun kaya panic buying na talaga kami ngayon, dahil dagsaan narin yung mga nags-shopping rush.

"Tara..." saad ni Darren at hinawi nya narin yung cart sa kamay ko upang sya na ang mag-tulak.

"Saan? anong bibilhin mo dyan e, n-napkin stall yan." sensitibo kong saad lalong-lalo na nung binanggit ko yung napkin.

"Natural, bibili ng napkin." kaswal nyang pagkakasabi sabay kuha ng tatlong packs ng charmee pink sanitary napkin with wings, my brand.

"B-bakit? p-para kanino." I uttered.

"Sayo malamang, nakita ko kase wala ka ng stocks sa kwarto mo e." saad nya na parang walang ka-sensi-sensitive yung pinag-uusapan namin, hellow? napkin to teh, girl talks dapat yan e.

And yeah, simula nung pumayag na ako na manligaw sya e, talagang tinotoo nya yung araw-araw na pag-punta sa bahay, he even go inside my room, minsan nga pag-mulat pa lang ng mata ko sa umaga, mukha nya na agad ang nakikita ko, I wonder parang wala lang kay Mama yung pagiging feel at home ni Darren, sa katunayan nga nag-aaya pa si Mama na mag-overnight yan dito e, buti na lang at marunong naman syang mahiya.

"Ha? b-bat mo alam——"

"And besides, malapit narin yung dalaw mo di ba?" tumingin sya sakin ng naka-ngiti.

"How did you know?" how could he know? even my private life alam nya? how?

"I needed someone like you in my life...." saad nya ng may tono, na biglang nagpa-kunot ng noo ko dahil ginawa nyang biro yung tanong ko.

"Silly." I glared at him.

Lumapit sya sakin ng bahagya at pinitik yung noo ko."Hey, stop that thoughts."

"Aray ha!" reklamo ko sabay tampal ng kamay nya na ikinatawa nya lang ng mahina.

Itinulak nya na ulit yung cart kaya umusad na muli kami, papunta naman ngayon yung direksyon namin sa Drinks Section.

Napapansin kong may napapatingin kay Darren dito sa market na parang mga kasing-age ko lang din na mga babae kaya to make them stop, tumabi ako kay Darren at humawak na rin sa Cart para kunwari tulungan din syang mag-tulak.

Napansin kong napa-yuko yung mga tumitingin kaya napa-ngiti ako ng lihim, napa-sulyap ako kay Darren pero nakita kung naka-ngiti sya sakin."I can manage...." saad nya sakin sabay kindat, Arghhhhh!

Nang makarating na kami sa harap ng fridge, kumuha na agad ako ng C2 apple 500ml at isang bundle ng Chuckie chocolate drink, napansin ko namang Gatorade and Mogu-mogu yung kinuha ni Darren.

"Kristel, Marie,  si Sir Darren yun oh." rinig kong sambit ng isang babae sa dalawa nyang katabi na halatang kaibigan nya kaya napatingin ako sa gawi nila.

"Ayy, Oo nga...tara?" sagot naman nung isa na sa tingin ko ay yun yung Marie.

Mukhang mga College students din ito sa UP kaya kilala nila si Sir.

Nakalapit na agad sila sa gilid ni Darren."H-hello po Sir Darren." pagbati nung Kristel yata yun, kumaway naman yung dalawa pa, to greet "Hi" din.

"Hi...." naka-ngiting saad ni Darren kaya parang namilipit naman sa kilig yung tatlo."So, you ladies are from UP right?" tanong nya.

"Yes po." masiglang sambit nung isa kaya napa-irap na lang ako sa kawalan, FYI gurl? wag kang ngiting tagumpay dyan, akin lang yan.

"B-bakit po pala umalis kana sa school Sir?" halatang kabadong tanong nung isa.

"Ah......." alanganin syang tumingin sakin, saka bumaling ulit sa tatlo ng may pilit na ngiti."Sorry, but if you don't mind? I'll have to go."

Bigla akong hinila ni Darren papalapit sa kanya at inakbayan."May date pa kase kami ng Girlfriend ko e." naka-ngiti nyang saad na nakapag-patahimik sa tatlo.blehhh buti nga? pero wait? he presented me again as his girlfriend? di pa nga kita sinasagot e, pero kyahhhhh!! ayos lang yun, ride-on muna ako bibi!!!

"S-sige po Sir, b-bye po." dali-daling saad nila paalis at nag-iba na agad ng direksyon.

Humiwalay na ako sa kanya pagka-alis nung tatlo."Ikaw ha? girlfriend ka dyan! di pa nga kita sinasagot e."

"Eh? kinilig ka naman." pang-asar nya na sinundot pa yung tagiliran ko, wahhh!! feeling ko nag-init yung pisngi ko.

Nagpa-tuloy lang sya sa paghabol ng daliri nya sa tagiliran ko kaya layo naman ako layo dahil nakikiliti ako, para kaming mga teenager na naghaharutan dito pero wala na kaming pakialam——

"S-sorry po." napa-yuko ako sa lalaking nasanggi ko nung umatras ako.

"S-sorry po talaga, sorry——

"No, it's okay——

Nakita ko si Prof. Lavega na naging physics teacher ko nung 1st year college nung nag-angat ako ng tingin kaya napa-tigil kami pareho ng ma-recognize namin yung isa't-isa.

"Prof.!!!! ikaw pala." malawak na ngiti ko sa kanya  sabay mano, dahil nasa mid 50's narin ito.

"You really look good together huh?" saad nya na pinag-lipat lipat ang tingin saming dalawa ni Darren.

"Ah...uhmmm——"

"Don't be so worry hija everything is settled." putol nya sa sinasabi ko at lumingon kay Darren at tumango.






*******

"Uhmm, Darren..." bungad ko sa kanya ng ihatid ko sya palabas ng gate.

Naka-uwi na kami galing sa pamimili kanina, kaya pagkatapos nya kaming ihatid ni Mama e, nagpaalam narin syang uwuwi.

"What?" pag-lingon nya saken.

"A-ah, a-anong nagustuhan mo s-saken?" utal kong tanong.

Lumapit sya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay."Bakit mo naman natanong? wala ka bang balak sagutin ako?" nakanguso nyang tugon. ang cute!

"H-hindi naman sa ganun, just asking...."

"Basta sagutin mo ko ha? ayokong masali sa SMP." saad nya na nagpa-kunot noo saken.

"SMP?"

"Samahan ng malamig ang pasko." tugon nya at bahagyang tumawa.

"Ewww, ang jologs mo." saad ko, pero bakit ba ako na-inlove dito? di ko alam na may baduy sides pala toh.

"Baduy na kung baduy." he pout again.

"Pero ano nga muna nagustuhan mo saken?" medyo confident ko ng tanong.

Napa-isip sya."Uhmmmm......wala."

"Ha——"

Tumingin sya sa mga mata ko."None, because all I knew is that....I..love..you."

I love you too.

Malapit na maging tayo Darren, malapit na malapit na.

•••••••••••••
ur_mistress

Atleast of an AlmostUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum