9th Chapter

53 36 16
                                    


Ang bigat ng mga talukap ng mata ko kaya halos hindi ko maibuka ng maayos ang mata ko, nag-simula sa malabo hanggang unti-unti nang lumilinaw ang paligid ko, nilibot ko ang paningin ko at kulay puting silid lang ang nakikita ko, may maliit na mesa katabi ng kamang hinihigaan ko kung saan may mga naka-patong na basket na may prutas, alcohol, tissue at naka-foodkeeper na ulam at kanin yata yun, napatingin ako sa kama na hinihigaan ko at nakita kong may kung anong aparatus na nakakabit sa daliri ko at may naka-lagay ding oxygen-giver sa ilong ko kaya tinanggal ko na ang pagkaka-kabit nito at bahagya na akong umupo sa kama at dun ko na nakita ng buo ang sarili ko, naka-suot ako ng hospital gown kaya gets ko na kung nasaan ako ngayon, napagawi rin yung paningin ko sa mahabang sofa sa loob ng kwarto at nakita kong bahagyang nakaliyad si Mama habang natutulog, Ano bang nangyare? sa pagka-ka-alala ko lang naman ay nasa bahay ako kanina tapos nahuli ko si Mama na may hawak na white roses tapos dumating si Sir then—— shetttt totoo ba talagang tinawag nya ko na Baby? anong next na nangyare? nahimatay na ba ako nun?




Inalog-alog ko yung utak ko para mag-function ng maayos pero wala na talaga akong maalala pagka-tapos nun. psh! nevermind.




Madalas na ko atakihin ng sakit ng ulo nitong nakaraan well actually nag-simula toh nung last last month pa, kaya simula nun hindi na ko madalas mag-basa ng mga pocket books para di masyadong dumagdag sa stress ko and aside from that nabasa ko naman na lahat ng yun million times na kaya oks lang..



Napabalikwas ng bangon si Mama ng makita nyang gising na ko. Nilapitan nya ko kaagad sabay hawak sa dalawang pisngi ko para ma-iharap nya ko sa kanya."Kumusta na pakiramdam mo? nak?" alala nyang tanong.

"A-ayos na po ako.." saad ko."Ano po palang nangyare?" tanong ko.

"W-wait lang ha? nak? tawagin ko lang muna si Dok." saad nya at dali-dali lumabas para mag-tawag raw ng Doktor.

Wala pang isang minuto, bumukas na agad ang pinto at iniluwa nito si Doc. Melendez yung panot na doktor na syang laging present kapag ina-atake ako ng brain breakdown dulot ng amnesia ko.

Kasunod nya rin ang mga nag-uunahan pumasok sa pintuan na sila Mama, Tita Denise, Tonet, Amy, Coleen, Gabby, si Sir Darren at si Elvin? bat naman sya napadpad dito? haba talaga ng hair ng lola nyo mwahaha!

"Kumusta na ang pakiramdam mo hija?" bungad ni panot—este Dok.

"O-okay naman na po, para lang naman po akong natulog e, hehe." biro ko.

"How about your memory? sino toh?" turo nya kay Mama.

"Ang pinakamaganda ko pong Ina hehe." bibo kong sagot.

"Sya?" turo nya naman kay Tita Denise, halos lahat sila tinuro nya saken na syempre nasagot ko naman lahat kung anong mga pangalan, aba natural! ano ako engot? tskk.

"Eh sya? sino sya?" napatigil ako saglit nung tinuro na ni Dok si Sir Darren, napansin ko ding halos lahat sila naka-nganga na dahil inaabangan nila yung isasagot ko.

"Si Sir Darren Benedict Saavedra!" taas-noo kong sagot, pagkatapos nun nag-pakawala lahat sila ng malalim na buntong-hininga.






Iniwan na kami ni Dok, sabi nya pwede narin daw akong i-discharge dahil wala naman daw abnormality changes na nangyare. as if naman e matagal naman na akong abnormal e..hahaha!




Atleast of an AlmostWhere stories live. Discover now