7th Chapter

64 37 71
                                    

Tumigil na sa harap ng gate namin yung kotse ni Sir, hayssss thank God nandito narin ako, ang awkward kase kanina kase buong byahe antahimik namin, wala man lang nag-sasalita tsk.

Tyaka sa totoo lang hindi ko pa nga sya natatanong kung bakit sya biglaang sumulpot sa labas ng mall kanina e, at mas lalong di ko parin alam kung bakit sya nag-presentang ihatid ako.tsk ang gulo e, baka type nga yata ako ni Sir..ano? ano sa tingin nyo?.

"Ahh, Sir pasok po muna kayo sa loob." magalang kong tugon habang tinatanggal ko yung seatbelt.

"Uhm, i'ts okay, next time na lang."

"Ayy! hindi po pwede Sir, papagalitan ako ni mama!" ka-text ko kase si mama habang nasa byahe kami e, alam nyang si Sir yung maghahatid sakin kaya ang bilin nya wag ko raw paa-alisin hangga't hindi pa sya nakaka-pagpasalamat sa personal.

"Ha? bakit naman sya magagalit?"

"Eh kase Sir, adik yun si mama sa thank you!" saad ko na mukhang di naman na-gets ni Sir."Ah, ano po kasi.....die hard fan sya ng word na thank you, alam nyo po yun? yung tipong kapag may naitulong ka po sa kanya o kahit kanino man samin sa bahay e, hindi po sya makakapayag na hindi sya makagawa ng kapalit kahit thank you man lang...hehe"

"Ayy, hindi parin pala sya nagba-bago"

Ha? Ano daw? "A-ano po yun Sir?"

"Ah, wala, sabi ko tara na, baka mapagalitan ka pa."

Pag-pasok pa lang namin ng pinto naamoy ko na agad yung niluluto ni mama na Adobo!! may favorite!! hihi!!

Napansin ko ring wala yung mag-kapatid baka nasa kwarto nila, pero alas-7 na eh, pag mga ganung oras sa sala na kami naka-tambay e habang inaantay yung dinner, pero nakakapanibago naman ata ngayon...psh! si Gabby panigurado nasa kwarto yun....what ever!

"Ahm, upo ka po muna Sir." inaya ko sya maupo sa sofa namin sa sala tyaka ako nagpaalam na magbi-bihis muna.

Bago ako pumasok sa kwarto namin ni Gabby e nilapitan ko muna si mama, mukhang busy-ng busy sa pagluluto ni hindi nga naramdaman na dumating na ko e.

"Ahmm...Ma"

"Hayy! jusmeyu! santisima!" sabi ko na nga ba e.

"Ikaw talaga Teyang! aatakihin ako sayo sa puso e"

"Ma, wag kang OA dyan, seryoso mode ka kase masyado e HAHAHA"

"Eh bakit ba? teka andyan na ba si Dick-este Darren-ah sir Darren pala, hehe" naguluhan ako sa tanong nya, tyaka kilala nya na si Sir?? at inaasahan nya rin palang kasama ko si Sir- ayy tanga oo nga pala tinext ko si mama na sya maghahatid sakin.

"Ma?"

"Hmm?" hindi sya nakatingin sakin, nagsasandok na sya ng ulam.

"Ah wala, di mo po ba muna pupuntahan si Sir?"

"Hindi mamaya na, tyaka sinabihan ko naman na sya na dito mag dinner."

"Ha?" nagulat ako."Niyaya mo na po si Sir Ma? e 'di mo pa naman sya nakakausap ah."

"Uhmm, ano bayan!" mukha syang na-stress.

"Bakit nga po-ayy wait galing na po ba dito si Sir kanina?" bigla kong tanong dahil sa pagka-katanda ko nag-text pala ako kay mama na mukhang male-late ako ng uwi kanina habang nag-uusap usap pa kami nila Tonet sa may fishpond, e kase naman dumadagsa na yung haba ng pila sa jeep nun.

Hindi sumagot si Mama nag-iwas lang sya ng tingin sakin at tinuloy ang pag-sasandok.

"Ma?"

"Oh sige na nga, Beyang nanggaling na sya dito kanina." usal nya habang hinuhubad yung apron.

Atleast of an AlmostWhere stories live. Discover now