23rd Chapter

33 21 0
                                    


May Amnesia ako.

Yan ang totoo, lahat ng ala-ala ng nakaraan ay nakalimutan ko.

Flash back

Namulat ako isang araw, na nasa loob ako ng isang puting silid, maraming mga aparatus ang naka-kabit sa pulso ko, sa braso, may kung anong bagay ding naka-kabit sa bibig ko agad ko itong tinanggal, napa-upo ako at saka ko lang nalaman na naka-higa pala ako sa isang kama, may kung anong tela din na nakabalot sa buong ulo ko, naramdaman ko rin na bahagyang lumabo ang paningin ko at kala-una'y humapdi din ng bahagya ang ulo ko, nang dahil sa kirot nito ay wala akong nagawa kundi mapa-sigaw.

"Ahhhhhhh!!!" sigaw ko, mariin akong napa-pikit habang hawak-hawak ang ulo ko.

"A-anak? kamusta pakiramdam——DOK!!!!! DOK!!! GISING NA YUNG ANAK KO!!!" narinig kong sigaw ng boses ng isang babae.

"Ahhhhhh!!" patuloy na sigaw ko.

"A-anak? a-anong nangyayare?" unti-unti nang luminaw ang aking paningin at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng isang babae na sa tingin ko ay may edad narin, hinawakan nya ang pisngi ko.

"S-sino ka?" takot kong saad at bahagyang napapaatras sa babaeng pilit lumalapit sa akin, at ano daw? Anak? Nanay ko sya? bakit wala akong matandaan?

"Ako toh, ang Mama mo." naka-ngiti nyang sambit ngunit napansin kung may tumutulo ring luha sa mata nya.

Maya maya pa'y may pumasok na, na mga tao sa silid at agad na lumapit naman sakin ang medyo matanda ng lalaki at isang dalaga, naka-puti sila pareho, at may kung ano-ano silang tinanong sakin na hindi ko naman masagot, bawat anggulo ko rin ay sinusuri.

"S-sino ba kayo? nasaan ako? anong ginagawa ko dito?" sunod-sunod kong tanong.

Atleast of an AlmostOnde histórias criam vida. Descubra agora