18th Chapter

34 25 0
                                    

Nasa Sala ako ngayon, habang inaayos yung tono ng bago kong gitara.

Actually kanina ko pa sana gustong pasalamatan si Darren kung sa kanya nga talaga galing toh.

Kaso ewan ko ba, lalapitan ko na sana sya kanina e kaso napag-alaman kong nakikipag-inuman pala sya sa grupo nila Tito Luis, tapos nung nag-tama yung paningin namin bigla nya ba naman akong inirapan at nag-iwas ng tingin? problema nun?...kaya sa inis ko hindi na ulit ako lumabas, nag-stay na lang ako dito sa sala para di ko sya makita.

Kanina pa naka-uwi sila Amy kasama Kuya nya, mamayang madaling araw narin pala yung flight nun papuntang London, si Coleen naman as usual sinundo ng boyfie at asahan nyo na naki-sabay na  naman sa kanila si Tonet.

A few hours later (Spongebob Lol)

"Nicole tulungan mo nga ko." saad ko kay Nicole ng makita kong gising pa sya at nagce-cellphone sa may kusina.

"Saan ate?" tugon nya na nilapag naman agad sa dining table yung phone nya.

"Aakayin natin sila Mama...Mga lasenggera kase e."


Pasado Alas Dose na ng hating gabi, nag-si uwian na lahat ng bisita, si Gabby naman, andun na sa kwarto at naka-tulog na agad sa kama nya, well buti na lang nakaya nya pang umakyat sa upper deck kahit naka-inom na sya.

Habang ito namang si Mama e naka-yukyok na sa mesa sa sobrang kalasingan, pati si Tita Denise basta na lang tumihaya sa inu-upuan, pano na lang kung lasengga din ako? edi walang mag-aasikaso sa kanila nyan? Haysss..

Buti na lang talaga at kahit lunod sa kalasingan tong mga toh ay di parin sumusuka, sanay na kase talaga sila.

Naihatid na namin ni Nicole si Mama at Tita Denise sa kani-kanilang kwarto, pati narin si Tito Luis na lasing na lasing narin ay ini-akay na rin namin papuntang kwarto namin ni Gabby, dun ko na lang sya ini-higa sa kama ko dahil unavailable yung sofa namin ngayon dahil dun ko ipi-pwesto si Darren...Yes si Darren nga! leche lasing na lasing rin e.

Tapos ako san ako hihiga? haysss bahala na.

Naka-patong ang ulo nya sa lamesa ng ininuman nila kanina, baka tulog narin toh.

Pinagmasdan ko muna si DARREN sa pwesto nya habang naka-tayo lang ako rito at nakasandal sa pintuan.

"Yawnnnnnnn!" hikab ni Nicole dito sa gilid ko.

"Mauna ka na, matulog ka na." saad ko.

"Ha? e kaya mo ba akayin mag-isa si Sir?"

"Ah oo, sige na matulog kana, ala-una na oh." saad ko pa na sinulyapan ang suot kong relo.

"Okay, sige....Goodnight Ate." tugon nya atsaka na naglakad papuntang kwarto nila ng natutulog ng si Brix.

Umiiling-iling kong nilapitan si Darren.

"Huyyy." yugyog ko sa kanya ng maka-lapit ako.

Hindi sya sumagot kaya niyugyog ko ulit, wala parin syang tugon kaya napag-pasyahan kong akayin na sya papuntang sala.


"Haysssssss!" napa-upo ako agad sa sahig at isinandal yung ulo ko sa sofa na kasalukuyan na nga yong inukupa ni Darren, grabe ambigat nya.

Atleast of an AlmostWo Geschichten leben. Entdecke jetzt