17th Chapter

42 26 7
  • इन्हें समर्पित: Kayeki26
                                    

Leche! leche! leche!

Isa pa!!!

Leche! leche! leche!

"Andun na e! kinikilig na ko e! tapos.... tapos? Arghhhhhhhhhh!" sigaw ko habang mariing naghi-hilod nakakahiya naman kase sa kanya di ba? maka-sabi ng ang lansa ko na? ang kafal ah? ang KAFAL!

"Arghhhhhhh!!!!!" sigaw ko pa ulit,wala naman kase makakarinig kase ang ingay na naman ng video-oke...kumakanta si Baklang Tonet! todo birit pa sya ng "She's Gone" ha?

Pasado alas sais na pero andito parin ako sa banyo, pano ba naman kase? e ang lansa lansa ko nga! leche kaseng mga baklang yun e! kainis!!!! kanina pa ako todo sabon at hilod dito kase nga para wala nang masabi yung boyfrie—crap!!!! di ko sya jowa! nagha-harutan lang kami——

Knock! Knock!

"Beyang... 'nak." si Mama.

"Po?"

"Ito na yung, damit mo..."

Oo nga pala, wala nga pala akong dalang damit nung pumasok ako sa banyo, buti na lang talaga naalala ako ni Mama dalhan, baka kase maulit na naman yung pag-labas ko sa banyo ng twalya lang yung tapis tapos makikita ulit ni Darren——pwede naman siguro kung sya lang makaka-kita kaso maraming bisita e——huwat??? anong pwede Bea? okay? buang na talaga ako.

"Nak?"

"Ay." binuksan ko na ng maliit ang pinto para abutin yung damit, nakuha ko naman ito agad at isinara na ang pinto.

"Bilisan mo na dyan, ha? excited na kase yung mga kaibigan mo makakain ng cake." saad nya mula sa labas.

"Paunahin nyo na po sila, Ma."

"Hindi pwede, hihipan mo pa yung candle."

"Opo, Mama...sige na."

Ipinatong ko na lang sa tuyong surface yung damit na inabot sakin ni Mama, at tinapos ko na rin yung paliligo ko.

Ang damit na inabot sakin ni Mama ay above the knee maong skirt na naman at yung checkered off shoulder blouse na pale white yung color..haytsss bakit ba gustong-gusto ni Mama ipasuot sakin toh? pero sige na nga, para mapa-nganga si Darren mamaya..nyahahaha!!

Sinuot ko na yung damit then binalumbon ko muna yung tuwalya sa buhok ko saka ako madaling nag-lakad papasok sa kwarto.

Tinuyo ko na yung buhok ko gamit yung blower, then ginawan ko ng wave yung hair ko gamit yung plantsa sa buhok, para medyo curly yung dating, then nag-apply din ako ng foundation, rosy pink liptint, blush on, liquid eyeliner para sa eye lid, mixture of pink and dark red eye shadow and masscara for eyelashes, hindi na ako nag-kilay dahil sakto naman na yung kapal ng eyebrows ko.

Nag-lotion, nag-perfume at nag-suot ng mga accesories like, earings, ring, necklace, bracelet and wrist watch para presentable.

Nang matapos na ako sa pag-bibihis at pag-aayos sinuot ko na rin yung flat shoes ko na babagay sa outfit ko ngayon, then after that lumabas na ako ng kuwarto at.......boom!!!!

Wala kahit isang tao sa loob ng bahay, nasa labas kase lahat, leche akala ko pa naman may taong biglang bubungad sakin para purihin yung itsura ko ngayon, kaso wala pala.

Atleast of an Almostजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें