19th Chapter

30 24 0
                                    

"Hu Watttt????????" sigaw ni Tonet.

"Mag-hunos dili ka ngang bakla ka." suway sa kanya ni Coleen.

"Pero totoo b-ba?" tanong ko.

"Oo, bale si Sir naman daw mismo yung nag-resign e kase nga Architect pala yung lolo nyo." chika ni Amy.

Simula't sapul si Amy na talaga yung source ng mga chismis at balita sa circle of friends namin, ang galing sumagap nyan grabe pero atleast lahat naman ng chika nya ay hindi barbero lang kundi totoo talaga, kaso sa lahat ng chismis na nakalap nya ito yung pinaka——hayss ewan.

So ayun na nga, ang pinag-uusapan namin ngayon ay yung biglaang pag-resign ni Darren dito sa UP, ang sabi-sabi naman dito sa school e na-sesante daw si Sir pero hindi naman daw nila alam kung bakit, yung sabi-sabi naman nung iba e choice daw talaga ni Darren na mag-resign kase Architect pala talaga yung trabaho nya, so tama pala hinala ko na part time job nya lang tong pagtuturo...but come to think of it, why do he need to have a part-time job like this, kung pagiging Architect nya pa lang e sapat na di ba? I mean malaki na yung sahod sa pagiging Architect e unlike sa pagiging teacher di ba? so kahit yun lang yung trabaho nya e makakabuhay naman na yata sya ng isang baranggay. choss

"Haysssss, ano kayang nangyare?" dissapointed na usal ni Coleen.

"Tanungin ko na lang sya mamaya——"

"Weyt a minute!!! kyahhhhhh!!!" biglang tili ni Tonet na ikina-bigla namin at ikina-putol ng sinasabi ko.

"Ano na naman ba yun bakla?" iritableng sambit ni Amy habang naka-takip ng tenga.

Tiningnan ako ng nakaka-loko ni Tonet sabay baling dun sa dalawa kaya pati yung dalawa napatingin na rin sakin ng nakakaloko.

"A-ano ba? bat ganyan kayo makatingin?" kabado kong tanong.

"Kumusta na?" tanong ni Coleen na tumataas-taas pa ang dalawang kilay.

"H-ha?"

"Maang-maangan school of acting! psh!." irap ni Amy.

"Ano nga kase yun?" tanong ko pa kahit parang na-v-vibrate ko na kung anong ibigsabihin nila.

"Kumusta na yung status ninyo ni Sir? kayo na ba? nag-kiss na ba kayo——" tanong ni Tonet na naputol dahil sumingit narin si Amy.

"Anong klaseng kiss? Smack? Passionate? French kiss——"

"Nag-rak kayo? naka-ilang round——"

"WHAT?!?!?!??" gulantang na tanong ko, anong pinag-sasabi nyo ha?

Natahimik sila bigla, maging ako dahil na-realize kong nasa Canteen pala kami.

"Alam mo gurl, medyo okay-okay pa yung mga tanungan namin ni Amy e, kesa yung sayo? ang dugyot na nun e." kunwaring suway ni bakla kay Coleen.

"Aysussss! dun din naman papunta yung mga tanong nyo e, nagma-malinis pa." kunwaring irap sa kanya ni Coleen.

Napa-irap na lang ako sa kawalan."Hayss! tigilan nyo na yan pwede?" suway ko sa kanila.

Katahimikan.


"As if namang may maganda kayong na-itanong saken?" pag-sa salita kong muli. "E sa tanong ko palang ni baklita, ekis na agad eh."

"Ha? panong ekis?" si Amy.

"Wala pa rin kaming label, Okay?...so we didn't do kiss or what." malumanay kong tugon.

"Weh? e di ba nga sinabihan ka na nya na gusto ka rin nya?" saad ni Coleen.

Atleast of an AlmostWhere stories live. Discover now