13th Chapter

46 30 14
                                    


"Ikaw parin ang buhay ko...."

Nanatili akong nakatingin sa kanya, ganun rin naman sya sa akin nang biglang may humawak sa kamay ko, pag-lingon ko nakita ko si Ariel.

"Ate Beyang, na-iihi ako."

"A-ahhh, t-tara." haytsss tenk yu! Ariel...yes makaka-takas na ko sa kanya.

Nakarating agad kami sa Cr dahil talagang binilisan ko yung pag-hila sa kanya, hindi pa rin kase tumitigil sa pag-kabog ng malakas yung puso ko...Leche ka Darren!!!

Lumabas na si Ariel sa Cr. "Mommy, pwede ako matulog?" tanong nya kaya Mama ng makita nya ito sa kusina, yup, nasanay na syang tawagin si Mama ng Mommy.

"Sure." tugon ni Mama sabay baling sakin."Dun muna lang sya pahigain sa kama mo, Beyang."

"Ahh opo."

Pina-higa ko na si Ariel sa kama ko at sinigurado ko munang tulog na sya bago ako umalis, bigla naman ng nagising si Gabby kaya bumangon na agad ito at sinenyasan kong wag maingay, nauna na syang lumabas sa kwarto saka ako sumunod.

Lumabas ulit ako ng bahay at nakita kong disco songs na yung naka-play sa video-oke machine, wala na rin si Darren, agad hinanap ng mata ko kung nasan sya, medyo kumalma narin yung puso ko kaya may mukha na naman akong maihaharap sa kanya.

At ayun! natanaw ko syang may kausap na tatlong babaeng kasing edaran ko lang, mukha silang kinikilig habang nakikipag-usap eto namang si Darren kung maka-ngiti wagas! leche! playboy yata 'tong taong toh e! lakas kumarengkeng ampt.

Naglakad ako papalapit sa kanya ngunit bigla syang tinawag ni Mang Jun na nirentahan namin ng video-oke kaya lumapit sya roon, habang yung tatlo namang babae e nanatili lang doon sa kinatatayuan nila kanina, nakilala ko yung isa sya si Bella anak sya ni Aling Flor pero ang alam ko sa Laguna sya nag-aaral kase dun sya nakatira sa Lola nya e, Ayy baka bumisita lang sa Mama nya.

Habang papalapit ako narinig ko yung pinag-uusapan nila.

"Kyahhhh!! sino ba yun? ampogi nya beh." saad nung isang babae na kasama ni Bella. kaibigan nya yata yang dalawang yan.

"Hindi ko alam eh, ngayon ko lang din nakita yan dito." tugon ni Bella sa kanya.

"Mga teh! type yata ako nun!" tili nung isa pa kaya binatukan sya bigla nung unang babaeng nagsalita.

"Asa ka naman!!" bara nya rito.

"Anong asa ka dyan? kinuha nya kaya yung number ko! di nyo ba narinig?" what???? si Darren kukunin number nya? this can't be happening——

"Gaga! natural kukunin nya number mo! pano ka nya lo-load-an kung di nya yun kukunin? aber!" ano? at ililibre pa talaga sya ng load huh? pero bakit naman kaya sya ililibre ni Darren? posible nga kayang type nya yun?

"Ahhh g-ganun ba yun?"

"Oo." sabay na saad sa kanya ni Bella at nung isa pang babae na binatukan ulit sya.

"Nu bayan! ansaket ha?" reklamo nya.

"Ang harot mo kase!!" singhal sa kanya ni Bella..Oo nga! ang harot-harot higitin ko bulbul mo dyan eh!

Palayo na sana ako sa kanila nang bigla naman akong mapansin ni Bella.

"Uyyy, Beyang!" sigaw nya sakin dahilan para mapansin kong napa-lingon sa gawi ko si Darren perodi ko na iyon pinansin.

Atleast of an AlmostWhere stories live. Discover now