4th Chapter

77 46 23
                                    

Lumipas na ang tatlong araw at ganun parin ang schedule ko after nang class pumupunta na ako ng kusa sa theater hall, si Amy na lang ang laging nakaka-sabay ni Gabby pauwi.

Habang naglalakad ako sa hallway hindi ko maiwasang maging excited kase finally maso-solo ko na naman si Sir-este basta parang ganun na nga haha!

Naging busy kase yung sched nya, tyaka madali naman daw akong natuto, kaya kaylangan ko na lang daw i-rehearse yung boses ko kasabay ng pag-tipa ko nang piano, para naman daw masanay na ko sa blending.

Kaya ayun king-ina nun ni Sir charr! di ako sini-sipot sa practice ko kainis!! pero ayos lang din naman sa part ko, naiilang kase ako kapag may nanonood saken.

Kaya heto ako ngayon nag-sipag sa pag-aaral, alam mo yung tipong excited ako laging pumasok sa school pero mas excited parin ako kapag uwian na haha! well alam nyo na kung why!

So ayun naka-receive ako ng message kay Sir kanina and he told me na may time daw sya ngayon.

Bigla kong naalala yung first practice ko, yung biglaang pag-iyak ni Sir sa harap ko, di ko alam kung anong gagawain ko nun, pero parang pati si Sir e nagulat sa ini-asta nya kaya't dali-dali nyang pinunasan ang luha nya at napa-iwas ng tingin sakin.

Tatanungin ko sana sya kung bakit sya umiyak pero bago ko pa ibuka yung bibig ko nag-salita na sya.

"S-sorry may. . .may naalala lang ako."

Hindi naman ako nakasagot kase di ko rin naman alam kung anong sasabihin ko.

Maya-maya pa binalik nya na ang paningin sa akin at nakita ko namang mukhang okay na sya, hindi na sya mukhang umiyak.

"Ahmm. . .Hahaha ang panget ko ba umiyak." saad nya sakin na may halong pagtawa kahit halating pilit.

"A-ahh. . .okay lang yun Sir,may na-mi-miss lang po ata kayo e, naalala nyo po girlfriend nyo noh?" mapang-asar kong sambit pero sa loob-loob ko hinihiling kong sana wala syang gf, please Lord. Please.

"Parang ganun na nga." may halong ngiti na saad nya habang nasa keyboard ng piano ang paningin.

Binaling ko na lang din ang tingin ko sa piano at hindi na nag-salita dahil sa pagka-kasagot nya pa lang nalaman ko na, na may gf na nga sya, siguro LDR sila ngayon, baka naiwan sa Canada yung gf nya since sa Canada daw galing si Sir before bago pumunta dito sa Pilipinas at mag-trabaho.

Haytssss, wala na ata akong pag-asa-pero pwede rin naman akong maging kabit-charrs.

Nai-balik ko kay Sir ang paningin ng mag-salita syang muli and this time naka-baling narin ang tingin nya sa akin.

Atleast of an AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon