The Jerk: Twenty One

382K 17.2K 2.3K
                                    

Twenty One,

Sabado ng hapon noong naisipan ko na mag ayos ng mga gamit ko sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit pero ganito talaga ako kapag marami akong ini-isip. Instead na i-organize ang mga problema sa isip ko, sa iba ko tinutuon ang attention ko. It's kind of an escaping mechanism actually. Pero pagkatapos ng lahat, kapag kumalma na ako, hopefully doon ko hinaharap ang mga problemang kailangan kong ayusin.

Halos balutan ako ng alikabok nang subukan kong punasan ang ibabaw ng dresser ko. Tinakpan ko ang ilong ko at napaubo habang pilit na inaabot ang mga kahon na nakapatong sa itaas nito. Hindi ko na matandaan ang huling araw na nag general cleaning ako ng ganito sa kwarto ko. Pero alam kong isa yon sa mga araw na kailangan kong i-divert ang attention ko sa iba.

Sinubukan kong abutin ang isa sa mga kahon na nasa itaas. I stood on my tip toe at bahagyang tumalon para man lang masagi ito. Nang magawa ko itong magalaw ay halos manlaki ang mga mata ko. Oh ow.

Hinarang ko agad ang mga kamay ko sa ulo ko nang makita ang pagbagsak ng kahon at mga laman nito. Napasigaw ako ng bahagya nang maramdaman ang impact nito sa ulo ko. Halos bumalot sa akin ang ulap ng alikabok na dala nito at maging ang mga laman nito na tumapon sa akin. I groaned.

Lumayo ako at tiningnan ang kalat na nasa harap ko. Nagkalat sa sahig ang ilang papel, pictures, maliliit na bagay tulad ng keychain at ball pen, beads at kung ano ano pa. Bumuntong hininga ako at lumuhod para ayusin ang mga ito. Saan ba nangaling ang mga ito?

Kinuha ko ang ilang papel na mukhang test papers. Pinagmasdan ko ang mga nakasulat dito. Delia Salazar, First Year, Section A. Wow noong first year high school pa ako neto ah. Bakit nandito parin ang mga ito? Si Mama talaga.

Inisa isa ko ang mga laman ng papel. May mga quizzes, homework, essays, o kahit simpleng resibo lang na hindi ko na maalala kung saan ko nakuha. There are also movie receipts for two. Sa tingin ko ito ang unang movie na pinanood ko kasama si Mindy. It was a special day for me. Noong wala kasi siya madalas ako lang ang pumupunta at nanonood mag isa.

Napangiti ako nang mapansin na ang mga test papers na nakatago ay hindi yong mga perfect score kundi yong mga pinakamababa ako. There are even notes and doodles beside it. You are better than this, Delia. Delia what happened to you? Get yourself together.

Nagpatuloy ako sa pag aayos hangang sa mapansin ko ang ilan sa mga pictures. Natigilan ako sa tangkang pag abot ng isa sa mga ito. Bakit nandito ang mukha ni Ashton Montecillo?

Kinuha ko ang picture at tiningnan ng mabuti. Nakatayo kami at magkatabi. Pero hindi kami mukhang magkasama. Nakangiti ako sa camera at mukhang nagkataon na nasa tabi ko siya. Napangiti ako nang maalala kung saan ito kinunan, it was the Junior Prom last year. Kaya pala pareho kaming nakabihis ng formal.

Kita mo nga naman. Halos hindi kami magkakilala noon. We didn't even recognize the presence of each other. Naalala ko na siya at si Reese ang Best Dress noong gabing yon— parang King and Queen pero mas subtle lang. He looks really happy in this picture. Mukhang nakikipag usap siya sa mga kaibigan niya.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Lala noong isang gabi matapos kong bumisita sa kanila. Hindi ko maiwasan na humigpit ang hawak ko sa picture dahil sa naramdaman ko. Ashton.

Isang ingay ang halos gumulat sa akin. Mabilis kong tinago ang picture sa likod ko at tarantang humarap sa pinangalingan ng ingay.

"Ashton, for heaven's sake, bumati ka naman ng maayos." I almost exclaimed. Pumasok si Ashton matapos buksan ang sliding door sa terrace na para bang isang malakas na hangin.

Nag shrugged lamang siya na para bang natural lang ang ginagawa niya. Bumuntong hininga ako.

"Mabuti naman naabutan kita ngayon."

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon