The Jerk: Twenty Seven

367K 16.4K 4K
                                    

Twenty Seven,

Isang lingo matapos magising ni Ashton Montecillo ay nakalabas na siya ng Hospital. Nandoon si Micko, Reese, at iba pang mga kaibigan niya noong araw na yon. Isang lingo pa at maaari na siyang bumalik sa school.

Wala ako noong araw na bumalik siya. Kinailangan ko kasing samahan si Mama na bisitahin ang kamag anak namin sa probinsya. Pero mabuti na din yon. Nag decide na kasi ako na as much as possible ay kailangan ko siyang iwasan.

Hindi ko na gustong maulit ang nangyari sa Hospital. Yon ang naging una at huli naming pagkikita matapos niyang magising. Hindi na ako muling dumalaw pa kahit pa panay ang anyaya sa akin ni Micko. Hindi ko gustong paulit ulit na saktan ang sarili ko sa tuwing hindi niya ako naaalala.

Pero alam kong hindi magtatagal at kailangan ko siyang harapin. I would soon see him inside the classroom, or in the hallways or cafeteria. Pero at least kahit paano, hindi na ako matatakot o aasa na maalala niya pa ako tulad ng una kong ginawa. Alam ko na ang limitasyon ko at tangap ko na yon.

Pumasok ako Monday ng umaga. Ang sabi ni Mindy noong pumasok si Ashton Montecillo ay kulang nalang magpa welcome back party sila. Pero sa totoo lang para lamang siyang nagbakasyon ng mahabang panahon at pagdating niya ganoon parin ang dadatnan niya— the attention, the stares, his friends laughter echoing in the halls and cafeteria.

Dati, kapag papasok si Ashton matapos gumawa ng isang malaking kalokohan, automatically siya agad ang nagiging centro ng usapan at attention sa paaralan. Sa tingin ko halos wala itong pinagbago sa sitwasyon ngayon matapos ng aksidente.

Para bang isang malaking kalokohan lamang ang ginawa niya at pagbalik niya, everything is as it is, everyone's reaction is what he expected. The wonder, the awe, and the thrill that everyone envies him for. The only difference is that— unfortunately naging parte ako ng bagay na yon.

Pagpasok ko sa school at sinalubong ni Mindy sa gate. Sabay kaming pumasok sa classroom tulad ng dati. Habang naghihintay ng teacher, nagkwento siya tungkol sa naging weekend niya. Nagkwento din ako sa pagbisita ko sa kapatid ni Mama. I laughed at some part of her story, sumisimangot siya kapag ginagawa ko yon. According to her the story is not intended to be funny.

Ganito ang naging simula ng araw ko nitong mga nakalipas na araw— it was pretty normal routine, almost comforting. Pakiramdam ko para bang hindi nangyari ang nakaraang dalawang buwan na nakasama ko si Ashton.

Mabilis na natapos ang dalawa sa morning subjects namin. Habang naghihintay ng susunod na klase, humarap si Mindy sa akin.

"Sa tingin ko talaga may hidden na galit si Ms. Montez sa akin." naka frown na sabi niya. "Ako nalang lagi ang nakikita niya."

Hindi ko maiwasan na mapangiti sa naging reaction niya. Siya kasi ang madalas tawagin ng teacher namin lalo na kapag nahahalata nito na hindi na kami nakikinig sa klase.

"Ohh, nandito na siya." bulong ni Mindy sa harap ko.

Napalingon ako sa direction ng pintuan kung saan nakatingin si Mindy. Unti unting nawala ang ngiti ko dahil doon.

Isang familiar na lalake ang pumasok sa classroom. Hawak ang halos walang lamang bagpack na nakasabit sa kanyang balikat, at ang isang kamay na nakasiksik sa bulsa ng pantalon niya, pumasok siya sa loob na halos walang pakialam sa attention na nakukuha niya.

Umupo siya sa dati niyang upuan, malapit sa harap, kung saan siya nilagay ng homeroom teacher namin noon para madali siyang mamonitor ng mga teachers. Nilapag niya ang kanyang pulang bag pack sa mesa at marahas na sumandal sa kanyang upuan.

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon