The Jerk: Twenty Five

363K 18.3K 6.7K
                                    

Twenty Five,

Iniisip ko parin ang tungkol sa narinig ko noong pumasok ako sa kwarto ni Ashton Montecillo. Pero noong tuluyan kong mabuksan ang pinto at makita ang kabuuan ng kwarto niya, doon ako natigilan.

Maaliwalas sa loob ng kwarto. Ang una kong napansin ay ang bahagyang nakabukas na bintana kung saan hina-hangin ang puti at manipis na kurtina. Maluwang sa loob at malayang pumapasok ang liwanag mula sa labas.

Halos dahan dahan ang pagtapak ko sa sahig na para bang natatakot na gambalain ang lugar. Pakiramdam ko hindi ito isang kwarto ng teenager na gaya ni Ashton Montecillo. Masyadong tahimik. Maaliwalas. Maayos ang mga gamit.

Pinagmasdan ko ang malaking kama na nasa kaliwang dulo ng kwarto. The blue hue of the bed was so pale it was almost gray. Marahan kong ibinaba ang dala ko sa ibabaw ng kama. Linibot ko ang tingin sa paligid.

Ashton's room is filled with books.

Nakapalibot sa pader ang mga bookshelves sa itaas nito. Punong puno ito ng mga lumang libro. T.S Eliot, Robert Frost, Walt Whitman. Halos lahat ay related sa English Literature at poetry.

Yon lamang ang mukhang madalas magalaw sa loob ng kwarto. May libro na hindi maayos na nailagay. Meron namang nakasiksik lang sa ibabaw ng iba pang mga libro. Mukhang binabasa niya ang mga ito. Hindi ko alam na mahilig siyang magbasa.

Napakatahimik sa loob ng kwarto. Walang trace ng ano mang bagay ng Ashton na kilala ng lahat. No trophies from basketball games, no action figures, no pictures of friends or team mates.

Sa halip puno ito ng mga lumang libro at—

Natigilan ako nang marealized kung ano ang mga itim at parisukat na bagay na nakadikit sa pader. Akala ko desenyo lamang ang mga ito kaya hindi ko kaagad napansin. Lumapit ako dito.

Pictures.

Black and white pictures pasted on the white wall by duct tape or thumb tax. Isa isa kong pinagmasdan ang mga ito. I run my fingers delicately on the surface of every picture.

A dark high way, an empty basketball court, a dead tree, graffiti on an abandoned building— all in black and white. Binasa ko ang nakasulat na isa sa mga graffiti sa picture— NO ONE CAN SAVE YOU.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Iniwas ko agad ang tingin sa mga pictures at pinahid ang mga luha ko. Kahapon— ginawa ko ang lahat para hindi umiyak. Pero ngayon pakiramdam ko mas lalong nag sink in sa akin ang totoong nangyayari kay Ashton.

"You're crying again."

Natigilan ako noong marinig ang isang familiar na boses sa loob ng kwarto. Mabilis akong napalingon sa kabilang sulok. Halos mapaatras ako nang makita si Ashton Montecillo— nakasandal sa pader at pinagmamasdan ako.

Sa pagkabigla ko na makita siya, halos hindi ako nakapag salita. Umalis siya sa pagkaka lean sa pader at naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung anong ini-isip niya. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya at itanong pero hindi ko magawa. Kung alam niya lang na halos hindi ako makagalaw dahil gustong gusto ko na talaga siyang makita.

Huminto siya sa harap ko. "What are you doing here?"

Hindi ko alam kung bakit, pero instead sumagot bigla ko siyang niyakap— isang pagkakamali na ginawa ko. Pinagmasdan ko ang mga kamay kong tumagos sa katawan niya. Nasa harap ko siya at pinagmamasdan ako pero hindi ko siya magawang hawakan.

Napa-atras ako. "Ashton."

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Halos isa nalang siyang malabong litrato sa paningin ko ngayon. Ni hindi ko alam kung totoo nga bang nasa harap ko siya o talagang masyado ko lang siyang ini-isip kaya ko siya nakikita.

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon