The Jerk: Twelve

355K 17.9K 4.4K
                                    



Twelve,

Pinagmasdan ko ang seryosong mukha ni Ashton. How can I be so sure? Tinatanong niya ba talaga yun? Of course I'm sure.

"Come on, Ashton." Nagsisimula na akong mainis sa usapan na ito. "He is Micko De Lara, one of your friends, one of the most popular people in this place. Why would he want me?"

"Why wouldn't he?" balik tanong niya sa akin.

I opened my mouth to say something pero natigil ito nang magsink in sa akin ang sinabi niya.

"You're smart, you're pretty, you're funny, and you never care what other people think. You're a total package. Himala ba na may magka gusto sayo?"

Tuluyan na akong hindi nakapag salita. Nakatayo nalang ako sa harap ni Ashton na hindi makapaniwala sa mga narinig.

Bigla siyang napamura ng mahina. "Ang ibig kong sabihin. Hindi impossible na magkagusto si Micko sayo."

I stared at him suspiciously. Something in his action is bothering me. "May alam ka ba tungkol dito?"

Biglang naging blangko ang mukha ni Ashton. Para bang hindi niya inaasahan ang tanong ko.

"Ashton." I demanded.

Bumuntong hininga siya. "Delia, masekreto si Micko sa mga bagay na tulad nito. Pero alam ko kung kailan siya seryoso."

Bigla akong nanghina sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ito ang gusto kong marining.

"Halika, may ipapakita ako sayo."

Hinila ni Ashton ang kamay ko. I nearly flinched with his touch. His hands felt strange with mine. Like touching solid ice using fire.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hangang sa marating namin ang classroom ng kabilang section. Hindi ko alam kung anong gagawin namin doon. Hindi binitawan ni Ashton ang wrist ko kahit ano pang hila ang gawin ko.

"Ashton, ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko nang makapasok kami sa loob. Anytime soon magbabalikan na ang mga students sa section na ito galing sa cafeteria. Ano bang gusto niyang ipakita?

Pumunta siya sa isang upuan habang hawak parin ako. Napipikon na talaga ako sa kanya. Binitawan niya lamang ang wrist ko nang kunin niya ang isang pulang bag pack mula sa silya. I stood there frozen in place nang marealize kung kanino yun.

"What are you doing? Nanakawan ba natin siya?" nagpapanic na bulong ko.

Napatingin ako sa pinto ng classroom habang binubuksan ni Ashton ang bag. I hope walang makakita sa amin. Jesus. Pagharap ko kay Ashton bigla niyang pinitik ang noo ko.

"Ibang klase ka din mag isip, ano?" tila natatawang sabi niya. Pero hindi ko makita ang sayang yun sa mga mata niya.

Ashton suddenly held the bag upside down. Mula sa nakabukas na zipper, isa isang nahulog ang mga laman nun sa mesa. Pictures. A lot of pictures. All stolen shots. OF ME.

"Bumisita ako kina Micko kaninang umaga bago siya pumasok. Nakita kong inaayos niya ang mga ito."

Halos hindi ko na narinig ang sinabi ni Ashton. The only thing existing for me now is this. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang mga litrato sa mesa. Inisa isa ko yun sa pagbabakasaling nagkataon lang ang lahat.

Pero hindi eh. Ako ito. Mukha ko ang mga ito!

Kinuha ko ang isang picture kung saan nakaupo ako sa sidewalk at naghihintay ng sundo sa harap ng school. Meron ding isa na nagbabasa ako habang nakaupo sa cafeteria, may picture din ako sa hallway habang naglalakad kasama si Mindy, picture noong nakaraang intramurals at nanonood ako sa bleachers. Pinagmasdan ko ang isang picture, at ang isa, at ang isa pa.

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon