The Jerk: Four

399K 20.4K 3.8K
                                    

Four,

Hindi ako makatulog. Ilang oras na akong nakatitig sa ceiling ng kwarto ko hinihintay na dalawin man lang ako ng antok. But it was no use. Bumangon ako sa kama at sinindi ang ilaw sa kwarto. Tiningnan ko ang orasan. Alas dose ng gabi.

Napatingin ako sa labas kung saan tahimik na nakasindi ang mga street lights. Pilit pumapasok sa isip ko na kagabi lang, sa eksaktong oras na ito, nagbabadya ang isang aksidente. I sighed at umupo sa kama.

Kalat na ngayon sa buong village ang nangyari. I heard some of the parents are more than angry. Sumugod ang ilan sa police station. Ang iba doon nadatnan ang mga anak nang marealize na hindi pa sila umuuwi.

Nagkalat ang usapan kung sino ang mga damay at kung anong parusa nila. May nawalan ng sasakyan, nawalan ng phone and internet privileges, na cut ang mga bank accounts, curfew at kung ano ano pa.

Sa tingin ko hindi yun sapat. Those are just material things. Maibabalik nila ang mga yun makalipas ng ilang lingo o buwan and the incident would be forgotten. But how about the lesson? May natutunan ba sila?

The day ended with Mindy being record free with the police. Naayos ito ni Dad stating that Mindy is only a witness of the accident. Hindi siya kabilang sa nag ayos o bumuo ng event whatsoever.

Ganun din ang nangyari sa iba pang damay sa insidente. Nagkaroon lang ng counseling ang mga ito kasama ng mga magulang. Kaya naman maghapon kong hindi nakita si Mindy mula nang lumabas siya sa kwarto ko kaninang tanghali.

"Si Ashton Montecillo."

Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi niya. I tried to shake the thought away. Everything feels surreal up to now. Hindi parin ako makapaniwala na ang taong kahapon lang ay nakita ko pa sa school kasama ng mga barkada niya at masayang nagtatawan, ngayon ay patay na at kahit kailan hindi ko na makikita.

Kahit hindi ka close sa isang tao mararamdaman mo yun. That in denial state. Yung inisip mo na pagpasok mo sa Lunes ay makikita mo parin siya. I'm really bad at handling this kind of emotions.

Eksaktong ala una ng madaling araw nang mag decide akong humiga nalang ulit. Halo halong bagay ang pumapasok sa isip ko. Gigising ako. Makakatulog. Tapos kapag akala kong mahimbing na ang tulog ko, magigising ako ulit. The process goes on for a while bago ako tuluyang nakatulog.

"Ah, shit. Ang ulo ko."

Bigla akong naalimpungatan. As in bigla akong napaupo sa kama nang marinig ko ang isang boses. Hindi ako nakagalaw habang slow motion na linilibot ang tingin sa madilim na kwarto. S-Sino ang nagsalita?

"Pota, nasaan ba ako?"

Bigla akong kinilabutan. Hinablot ko agad ang phone sa bedside table kasama ang mail opener na regalo ni Dad. Tinapat ko ang liwanag na nagmumula sa phone sa madilim na sulok ng kwarto habang mahigpit ang hawak sa maliit na patalim. Magnanakaw. May magnanakaw sa kwarto ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

Hindi agad nag sink in sa akin na hindi tao ang narinig ko. Sa pagsasalita at tono ng boses, napaka normal nito, normal na iritable at nagre-reklamo. Halos marinig ko din ang yapak niya sa sahig. Kaya naman nang isindi ko ang ilaw sa buong kwarto halos mahimatay ako sa gulat.

I was face to face with Ashton Montecillo.

Nawalan ako ng hininga. Nakatingin siya sa akin na nagtataka. Hindi ko alam kung masusuka ako na ewan. I stood there, frozen in shock. My eyes are wide as I stared at him. Yung katawan ko pakiramdam ko hindi akin.

"Oh my god." Para akong isda na wala sa tubig. Nagtaas baba ang dibdib ko sa sobrang kawalan ng hangin. Gusto kong sumigaw pero para bang nawalan ako ng boses. I was caught in a strange trance.

Kumunot ang noo niya. "Sino ka naman?"

Then it happened. Namalayan ko nalang na may sumisigaw. "AAAAHHHHHH!" Ako ang sumisigaw. Isang sigaw na halos gumising sa buong bahay. "AAAAAHHHHH!"

BLAG! Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Dad. He looks fear stricken. "Anong nangyayari dito?" halos sigaw niya.

Tinuro ko ang bahagi ng kwarto kung nasaan ang pinto ng terrace. Walang ano man na lumabas sa bibig ko.

"Bakit anak? Anong meron sa—" Realization fell on my father's horrified face. "May magnanakaw? Nasaan ang magnanakaw!"

Kung ordinaryong pagkakataon lang ito baka natawa pa ako. Ang laging formal at striktong mukha ni Dad, ngayon ay may pinag halong expression ng gulat, pag aalala, at sapilitang tapang.

Pero wala siyang nakita. Wala ng tao sa kwarto ko maliban sa aming dalawa. I stared at the closed terrace door and windows. Pero paanong nangyari yun? Saan siya dumaan?

Kumalma si Dad at pinagmasdan ako. "Anak, wala namang tao sa tinuturo mo. Nasaan ang magnanakaw?"

I shook my head, still unable to speak. "Okay ka lang ba anak?" nagsimula nanaman siyang magalala.

Huminga ako ng malalim at sinubukang magsalita. "Kanina, nandito si—"

Natigilan ako. Anong sasabihin ko? Nandito ang schoolmate kong si Ashton Montecillo, yung namatay sa aksidente? The thought send a fresh wave of shiver down my back. Oh my god.

"Anak, binabangungot ka ba?" came my Dad's over patient voice. Ginagamit niya lamang ang tono na ito kapag nakikipag usap sa kapatid kong si Daniel.

I tried to nod. "S-Siguro nga." wala sa sariling sagot ko. Tama. Binabangungot lang ako. Wala akong nakita. Imposibleng mangyari yun. Bakit naman ako mumultuhin ng isang taong hindi naman ako kilala in the first place.

Huminga ng malalim si Dad. "Anak." ayan nanaman siya sa tono ng boses niya na para bang nakikipag usap siya sa isang five years old. "Matulog ka na. Alam kong hindi naging maganda ang araw na ito para sa ating lahat. Mabuti pa matulog ka na."

I nodded mutely. Hinalikan niya ako sa ulo at pumunta sa pintuan. Akmang papatayin na sana niya ang ilaw nang pigilan ko. "Hwag!" medyo nabigla siya sa reaction ko. "I mean ganyan muna. Ako na ang papatay mamaya."

He smiled that smile only fathers can give. "Sigurado ka bang okay ka na? Gusto mo bang samahan ka namin—"

"No. I'm fine. Really. Binangungot lang ako." sagot ko.

But honestly gusto kong sumama kay Dad at sa kwarto nalang nila matulog. O sabihin na dito nalang sila matulog ni Mama. Yes, I'm not the bravest person on this planet. Pero hindi niyo ako masisisi. There is a freaking ghost inside my room.

Nagpaalam si Dad at sinara ang pinto. Nanginginig parin ang mga paa ko nang umupo ako sa kama. Suddenly, my favorite place is the world is not that safe anymore. Tiningnan ko kung saan ko nakita si Ashton kanina. I swear nandyan siya kanina. Malapit sa pintuan ng terrace.

Hindi kaya bumaba siya? I mentally whacked my head. He is dead. Effin' dead. Nangaling na mismo kay Mindy na nakakita sa pangyayari. Siya ang nasa sasakyan na tumilapon sa barrier. Humiga ako sa kama at napatingin sa ceiling. Then why? Bakit siya nandito? Of all people in Jefferson High bakit sa akin pa niya napiling magpakita?

Muli kong linibot ang tingin sa kwarto habang nakahiga. Tahimik na ulit. Wala ng kahit anong ingay. Pinikit ko ang mga mata ko. I don't even care how old I am right now. Whatever happens, I will sleep with the lights on tonight.

***

Author's Note:

Hi! If you are a reader of my other stories that also happen to check this one, thank you. At sa mga bagong nagbabasa sobrang naappreciate ko po. I hope to see your comments below because I read all of them. Hope to see you on the next update!

@april_avery

Official twitter hashtag: #TJIAG

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon