The Jerk: Eight

398K 18.5K 3.5K
                                    

Eight,

“Sinubukan mo na bang magparamdam sa mga kamag anak mo o mga kaibigan?” tanong ko habang nagmamaneho. Lumingon siya sa akin sandali mula sa passenger seat bago binalik ang tingin sa daan.

“Done.” maikling sagot niya.

“Anong nangyari?” Nakaka panibago ang biglang pagtahimik niya. Kanina lang halos gusto ko na siyang sakalin sa sobrang inis ko sa kanya.

“Ano bang klaseng tanong yan? Malamang hindi nila ako nakita.”

 Hindi ako sumagot. Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho.

“Sandali, kanino ba talagang sasakyan ito? Totoo bang may girl friend kang iba maliban kay Reese?”

This time humarap siya sa akin na nakakunot ang noo. “Kilala mo si Reese?” Sasagot sana ako nang muli siyang magsalita. “Kanina ko pa napapansin, madami kang alam tungkol sa akin. Magkakilala ba tayo dati?”

I was expecting na hindi niya talaga ako kilala. After all he is Ashton Montecillo, the Mr. Popular. And I'm… well… I’m me. Delia Salazar. The nobody. Pero kahit paano masakit din pala malaman na hindi man lang ako familiar sa kanya.

“Magka-klase tayo.” I mumbled. “Mula grade school hangang ngayon.”

Tiningnan niya ako na para bang naghihintay na sabihin ko ang salitang ‘joke’. Pero wala na akong sinabi pang iba.

“Seryoso ka?” Halata ang pagtataka sa mukha niya. I can even see a hint of amused smile in his handsome face. Para talaga siyang artista. The way he smiled na halos nawawala ang mga singkit niyang mata. At yung buhok niya na clean cut sa gilid at may mga spike sa itaas.

“Pwede ba, hwag mong ini-iba ang usapan.” asik ko.

This topic is really awkward. Yes we are in the same room for the past few years but that doesn’t mean na kilala namin ang isa’t isa. Of course I remember the few times I talked to him. Naging kagroup ko siya sa isang science project at naging seatmate noong grade four. But I guess nakalimutan niya na ang tungkol sa mga instances na yun. Sa dami ba naman ng mga taong laging nakapaligid sa kanya. We are inches near yet worlds apart.

“Hindi lang ako makapaniwala.” He held his chin as if thinking deeply. “Tingin ko kasi ngayon lang kita nakita.”

I rolled my eyes. “Hwag mo ng problemahin ang tungkol doon.” Bumuntong hininga ako. “Ako si Delia Salazar, okay na?”

Napangiti siya nang sabihin ko ang pangalan ko. Can he stop doing that? Mas lalo akong na-intimidate sa presence niya. Kung alam niya lang kung gaano kahirap mag concentrate sa pagmamaneho habang nasa tabi siya. Tingin ko nga mas nailang pa ako sa pagiging si Ashton Montecillo niya kesa sa pagiging multo.

“Nice name. Vintage.” Hindi ko alam kung isa ba yung compliment o pang aasar.

“Wala akong girlfriend maliban kay Reese. Sinabi ko lang yun para hindi ka mukhang tuod sa harap ni Bed." Ang guard ba ang tinutukoy niya?

"Napanalunan ko itong kotse sa pustahan. Pero syempre kapag sinabi ko ang totoo, mapapatay ako ng ama ko.”

I frowned. “And what did you do to win this thing? I bet magka singhalaga sila ng pinusta mo.”

He raised his hands then fastened it on the back of his head. “Pinusta ko ang condo ko. Muntik na nga kaming matalo. Buti naipasok yung huling tira.”

His eyes gleamed in excitement dahil sa naalala. Basketball game. I don’t understand. Hindi naman napupulot ang pera para gamitin sa mga bagay tulad ng pustahan. Instead magsalita pinili ko nalang tumahimik.

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon