The Jerk: Twenty Eight

353K 16.8K 1.4K
                                    

Twenty Eight,

Pinagmasdan ko ang hawak kong papel habang nakatayo sa labas ng gym at naghihintay ng paglabas ng basketball team. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Kanina ko pa gustong kausapin si Micko tungkol dito pero lagi niyang kasama ang mga kaibigan niya.

And that also means Ashton Montecillo.

Gusto kong itanong sa kanya kung may alam ba siya dito. Kung may idea ba siya na aalis si Ashton. I was waiting for the news to spread. Pero mukhang wala pang may alam ng pwedeng mangyari.

Pinagmasdan ko ang sapatos ko na nakatapak sa basang damuhan sa labas ng gym. Huminga ako ng malalim at pilit nilaro ang dulo ng sapatos ko sa damuhan. Kung pwede ko lang sanang makausap si Ashton tungkol dito.

But he'll freak out. Of course he will. Hindi niya ako maalala pero meron akong hawak na sulat na galing sa kanya. Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag kung sakali. Kaya mas mabuti na kausapin ko muna si Micko at umasa na hindi totoo ang nabasa ko. May chance pa na may magbago.

Humigpit ang hawak ko sa papel habang naririnig ang tunog ng bola na tumatama sa sahig at mga sigawan ng mga naglalaro sa loob ng gym. Ano mang oras mula ngayon ay matatapos na sila. I just needed to wait.

Habang naghihintay, hindi ko mapigilan na isipin kung bakit ko ba ito ginagawa in the first place. I wanted to move on from this mess. Sinabi ko sa sarili ko na mas mabuting kalimutan nalang ang lahat ng ito.

Pero ang hindi na muling makita si Ashton— that is too much for me. Ngayon ko lang narealize na kaya ko na hindi niya ako maalala. Pero ang chance na hindi na siya muling makita— hindi ko kaya.

Naramdaman ko ang paghina ng tunog ng bola mula sa gym. Hanggang sa nawala na ito at tanging narinig ko ay mga boses mula sa loob. Mukhang tapos na sila sa kanilang practice game.

Ilang minuto pa akong naghintay dahil dumerecho pa sila sa mga lockers nila para magbihis. Ngayon alam ko na kung bakit wala ng balak na bumalik sa paglalaro si Ashton. Dahil aalis na siya.

Isa isang naglabasan ang mga players mula sa gym. Yong iba basa pa ang buhok na para bang naligo. Yong iba binati ako nang makita ako. Sinabi nila na nasa loob pa si Micko. Tumango lamang ako at ngumiti. Alam kaya nila?

Narinig ko mula sa huling player na lumabas na chini-check pa ni Micko ang mga facilities kaya matatagalan pa siya. Napangiti ako at sinabi na dito nalang ako maghihintay sa labas.

Sumandal ako sa pader ng gym at absentmindedly na napatingin sa palubog na araw sa hindi kalayuan. Micko is the perfect captain. Kahit na sa random na usapan ng mga kaibigan niya, napapansin ko yon.

He is strict pero alam mong may reasons ang mga rules niya. Ina-alagaan niya ang mga members niya. And I don't still understand why he likes me but he proved to me that he's sincere about this and I believed him.

Naramdaman ko ang mga footsteps papalapit sa akin so I snapped back in attention. Tumayo ako ng maayos at napalingon sa direction ng pathway. Nakita ko si Reese na papunta sa direction kung nasaan ako.

Napakurap ako at iniwas ang tingin sa kanya nang tingnan niya ako. Wala siyang naging ano mang reaction kaya nakahinga ako ng maluwag. Patuloy lang siya sa paglalakad.

Napansin ko na para bang may malalim siyang ini-isip. Sa isang tao na kagaya ni Reese na naging usual expression na pag irap o ang pagtingin sayo mula ulo hangang paa, madali mong mapapansin na may mali kapag hindi niya ginawa yon.

Umiwas ako sa tapat ng pintuan ng gym dahil mukhang doon siya papunta. Nang makalapit siya ko napansin na bahagyang namamaga ang mga mata niya. Umiyak ba siya?

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon