The Jerk: Ten

397K 21.3K 5.9K
                                    

Ten,

After that awkward silence matapos niyang mag sorry, sinabi ko agad kay Ashton ang nalaman ko last night, na hindi lang ako ang nakakakita sa kanya. Nararamdaman din siya ng kapitbahay naming si Lala.

"Ngayon?" Nakaupo siya sa shivel chair sa tapat ng computer table ko at nakarest ang chin sa sandalan nun at pinagmamasdan ako.

"Sinabi niyang may dahilan kaya hindi ka makabalik. Kailangan mong alalahanin kung ano yun." I answered.

Kumunot ang noo niya. "Bingi ka ba?" sabi niya. "Wala nga akong natatandaan sa nangyari."

I grimaced at him. "Kahit konti?"

Bahagya siyang napatingin sa ceiling habang nag i-isip. How can someone be hot and cute at the same time?

"Ang alam ko pinatawag ako ni Tanda." Napakamot siya ng ulo. "Yun ang huling kong natatandaan."

"Tanda?" tanong ko.

Tiningnan niya ako na para ba akong isang bata na hindi marunong mag alphabet. "Ang ama ko."

I opened my mouth in slight shock. "Ang mayor ng bayan na ito ang ama mo, Ashton. You can't just call him like that."

He scoffed. "Mayor nga siya. Ama ng lahat maliban sa sarili niyang anak," he muttered.

Hindi ako nakapag salita. Pilit kong iniba ang usapan. "Do you remember what day is it?"

I know Ashton's issue with his Dad. I've known him since grade school kaya familiar sa akin ang bagay na ito. He is the illegitimate son of the Mayor. Namatay ang Mama ni Ashton dahil sa sakit sa puso. Ang legal wife naman ni Mr. Montecillo ay hiniwalayan na siya. Hindi sila nagka anak. Kaya naman si Ashton nalang ang naiwan kay Mr. Montecillo.

Ashton shrugged. "Basta ang alam ko may pasok. Nalate nga ako kay Samonte e, langya."

Napatingin sa akin si Ashton saka kumunot ang noo niya. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Mr. Samonte is our THIRD subject, Ashton. Late ka parin kahit saang angulo mo tingnan." I said in a matter of fact tone.

"Kahit paano umaabot ako sa subject bago lunch." tila proud pa na sabi niya.

"You rarely not. Madalas pumapasok ka sa mismong lunch hour na." I reasoned out.

Napangiti siya sa sinabi ko. "Stalker talaga kita."

Natigilan ako. Did he just trick me? Tiningnan ko siya ng masama. Natatawa siyang nakatingin sa akin.

"Huli!" he announced amusingly.

THIS IS NOT EVEN AMUSING. I started to think of a quick come back. "It's just so happened that you are popular." I replied. "Hindi ko kasalanan na madalas kang pag usapan."

That moment biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Unti unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng pilit na tawa. Nag sink in sa akin ang sinabi ko at halos pagalitan ko ang sarili ko. Great, Delia.

"Pati ba oras ko ng pagpasok pinag uusapan nila?" natatawang sabi niya. Pero hindi na ito gaya ng kanina.

"Mukhang mas madami pa silang alam tungkol sa akin kesa sa sarili ko." I began to bit my lips nervously. This conversation is going downhill.

"I'm a form of fucking entertainment in the school."

He sighed and run his fingers through his hair. Hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin." I said lamely. "Hindi sa ganun—"

"Hindi mo kailangan magpaliwanag, Delia." nakangiting sabi niya. "Alam ko ang lahat."

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon