Sixteen,
"If we're falling apart, I will fight for your heart. I can be your shield. I will fight on the field. Baby when our life gets colder I’ll be your soldier."
Hindi ako nakapagsalita. Pinagmasdan ko lang si Ashton Montecillo habang nakatayo siya sa harap ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Madami ang pumasok sa isip ko pero lahat ng yon ay hindi ko kayang sabihin.
“Why?” halos naluluha na tanong ko. “Why are you like this?” It all comes down to this moment. Ang wala na akong magawa kundi magalit sa kanya.
“Delia, I wouldn’t want to go back anyway. Wala na akong babalikan.”
Gusto kong matawa sa sinabi niya. “Ashton, hindi mo ba nakikita?” Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. “Madami ang naghihintay sayo para makabalik. Ang mga kaibigan mo, si Micko, si Reese, ang Dad mo, ang nag alaga sayo. Hindi ka ba naaawa sa kanila? You are being selfish.”
“Delia—“
“Lagi kang ganyan, mula noong mga bata pa tayo. When things gets complicated you escape. You avoid serious situations specially when there is emotions attached to it. Hindi mo gustong umaasa. Kaya hindi pa nagsisimula, sinasabi mo na sumuko na. Kahit pa sa totoo lang ikaw mismo umaasa.”
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
“Ikaw dapat ang Team Captain ng Basketball Team, hindi ba? But you avoid the responsibility. Dahil pakiramdam mo kapag ikaw ang naghandle, wala kayong mapapala. You are afraid to be a failure. Hindi mo gustong may umaasang ibang tao sayo dahil ayaw mo silang ma-disappoint. So you messed things up thinking na kapag lagi kang nagkakamali sa mata ng iba, hindi na nila makikita ang totoong takot mo.”
“It’s not that.”
Napatayo ako. Pakiramdam ko ayoko muna siyang makausap sa ngayon. Siguro bukas kapag okay na siya. Kapag hindi na ganyan ang mga sasabihin niya. Hindi siya ang kilala kong Ashton. Ang kilala ko, hindi man niya sineseryo ang mga bagay bagay, alam kong hindi siya basta susuko dahil lang sa hindi niya gustong umasa sa wala.
“Delia, my Dad is deciding to cut my life support.”
Tumigil ako sa tangkang paglabas sa kwarto. Muli akong humarap kay Ashton. Para bang pagod na pagod na siya. “Alam ko, Ashton.” I can’t help but noticed how my voice cracked. “Kaya nga mas kailangan mong ipakita na kaya mo pa. Don’t let them decide for you, please.”
Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Funny, of all people, I’m crying in front of Ashton Montecillo. Para akong bata. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. “Naisip mo ba kung anong mararamdaman ko kapag sumuko ka? Ayokong ako ang maging huling taong makakakita sayo. I want you to go back to your life so I can go back to my own. Kapag natapos ang lahat ng ito, doon lang ako makakabalik sa dati. I don’t want to fail on this. I don’t want to fail on you.”
Napangiti nang tuluyan si Ashton. It was a strange smile, it was gently, but sad at the same time. Lumapit siya sa akin and niyakap niya ako. Mahigpit ang yakap niya, ramdam ko yon sa mga braso niyang nakabalot sa akin. I feel so small next to him. But what broke me is— I don’t hear any heartbeat. There is nothing in his chest that reminds me of a normal hug, the normal beating of the heart.
“Why are you like this?” tila natatawang tanong niya habang nakayakap parin sa akin. “Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo. Why do you exert effort for people like me, Delia?”
Hindi ako sumagot.
“You’re too naïve, too kind for your own good.” he almost whisper on top of my head. “Para kang laging may purpose sa buhay. Laging may kailangang tulungan. You are also a cry baby, a scare cat. Sa dinami dami ng tao, bakit ikaw pa?”
BINABASA MO ANG
The Jerk is a Ghost
ParanormalSikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A GHOST. Genre: Fantasy Teen Fiction Romance Adventure Written by: april_avery