The Jerk: Epilogue

466K 22.9K 16.9K
                                    

E P I L O G U E

Six years later

"And then Peter Pan said: Come with me, Wendy. Come with me to a place where you'll never have to worry about grown-up things."

Naririnig ko ang sarili kong boses na nage-echo sa buong classroom. Ganoon din ang ingay ng mga estudyanteng nasa harap ko. Some of them are sitting on the colorful matted floor, some sitting on miniature chairs.

Pumapasok mula sa nakabukas na mga bintana ang hangin at liwanag mula sa labas. Nasa gitna ako ng classroom. Pinaliligiran ng mga bata from ages four to five. Their wide eyes stared in interest, their small finger holding something from crayons to Lego blocks and colored papers.

"And then Wendy said: I don't know how to fly. Can you teach me?"

Nakita ko ang excitement sa mata ng mga estudyante ko. Isa sa kanila ang nagtaas ng kamay. "Oh! Oh! Teacher I know!"

Napangiti ako. "Yes, Delton?"

Napalingon ang mga classmates niya sa kanya. "Just think happy thoughts!" masiglang sagot nito.

Muli akong napangiti. "Very good." Humarap ako sa buong klase. "Just think happy thoughts, and they lift you into the air!"

Anim na taon. Anim na taon na din ang lumipas. Madami na ang nagbago. Nakapagtapos na kami ng college at ang iba sa amin ay may kanya kanyang trabaho na. May umalis. May dumating. May mga hindi na muling bumalik.

"Class, magkikita tayo ulit tayo sa Monday, okay ba?" nakangiting paalam ko sa mga estudyante matapos ang klase.

"Yes teacher!" masiglang sagot nila.

Nagsimula akong magligpit ng gamit. Nagpaalam ang mga estudyante ko bago masayang nagtakbuhan palabas ng classroom. Sinalubong sila ng mga magulang na nakaupo sa benches sa labas ng classroom at naghihintay.

Pinatong ko ang librong hawak ko sa mesa. Napatingin ako sa maliit na calendar na nandoon. January 22, 2015. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko. Happy 24th Birthday Ashton Montecillo.

Six long years had passed. Isa na akong pre-school teacher ngayon. Nag tuturo ako sa elementary school kung saan ako dati ng aaral. Kung saan ko siya unang nakilala. Kung saan kami huling nagkita.

Lumabas ako sa classroom at ni-locked ang pinto. Narinig ko ang masasayang pag uusap ng mga estudyante ang magulang habang pauwi na ang mga ito. Nang makalabas na ako ng building— bumungad sa akin ang preskong hangin sa labas.Maaliwalas noong hapon na yon. Payapa ang buong paligid.

Kamusta ka na, Ashton?

Nagsimula akong maglakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Nasalubong ko ang ilan sa mga estudyante ko na muling nagpa alam. Ang iba sa kanila nanatili para makipaglaro sa mga kaibigan bago umuwi. May ilang masayang nakikipag habulan. Habang nagbabantay naman sa gilid ang kanilang mga magulang.

Ilang mga bata ang napansin ko na tila ba may pinagkakaguluhan. Napa-paused ako sa paglalakad at napatingin sa playground. Bahagyang kumunot ang noo ko. Isang lalakeng naka navy blue polo shirt at dark jeans ang nakatalikod mula sa akin at nakikipaglaro sa mga bata.

Tila ba manghang mangha ang mga bata sa ginagawa niyang trick sa bola. Pinaikot niya ang bola sa daliri niya— a common basketball trick. The kids are staring with wide eyes and slightly agape mouth. Isa sa mga estudyante ko ang nakakita sa akin. "Teacher Delia!" excited na sabi nito.

The Jerk is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon