Chapter 21

3 2 0
                                    

Chapter 21

-Jinx's Point of View-

Nandito naman kami nina Talia sa bench at pinapanood naman ang laban sa basketball. Akala ko hindi kami makakanood dahil sa tumulong kami maglinis sa cafeteria. Si Talia naman ang pasimuno. Hindi ko alam kung bakit yung dalawa kong kaibigan ubod ng kasipagan.

Pero may isa pang dahilan kung bakit kami naglinis.

"Ah, akala ko talaga hindi ako makakanood. Mamaya humanda sa'kin sina Elias," nanggagalaiting sabi ni Yamara nang mapisat niya yung iniinom niyang tubig.

Tinakbuhan kasi nina Elias yung kalat nila at nahiya si Talia dahil din doon.

Tumawa ako nang may madulas sa court, "Ang cute n'ya diba?" Turo ni Yamara sa isang 4th year student na numero siete.

"Okay lang," sabi ko na ikinairap n'ya.

Nagtanong ng opinyon ko sabay biglang iirap. Hindi naman ganoong ka-cute yung tinuturo niya.

Si Talia naman kinalabit ako sa balikat saka tinuro naman ang nasa quadrangle. Mga nagbadminton naman ang 3rd at 4th year.

Ang tatalas naman ng mata nila ako nga hindi na matanaw mga 'yan sa bilis, "Mas cute 'yon," ipaalala ko ba na may Boyfriend s'ya at nakatingin na sa gawi namin.

Mukhang magkaka-LQ din mamaya. Isa pa 'tong si Yamara tingin nang tingin parang walang Prestley.

Mga naghahanap ng gwapo.

"Titingin lang ng gwapo, diba Talia?" Sumangayon naman rito si Talia saka humigop sa shake n'ya. Napabuntong hininga naman ako rito, "Walang tatalo naman sa bebe namin. Mas gwapo mga 'yon."

I rolled my eyes and sat comfortably in my seat at hinayaan silang maghanap ng gwapo.

Ang tahimik pa medyo kasi kakaunti lang nanonood sa court yung iba nandon sa music hall at ibang clubs at tumitingin.

Pumalakpak na lamang ako nang makapuntos yung mga 4th year. Gah, nakakapagod naman.

Hindi namin namalayan na nandito na sa harapan namin sina Xen. Hinalikan n'ya sa pisnge si Talia, "ano ginagawa n'yo?" Tanong nito sa'min.

Bahala na si Talia sumagot tutal sila lang may ginagawa at ako nandito nanonood.

"Siguro naghahanap kayo ng lalaki?" Tinuro pa kami ni Drich, "Hindi ako kasama diyan."

"Nilaglag mo naman kami." Bulong ni Yamara sa tabi ko at nagtawanan sila maliban kina Prestley at Xen na nakabusangot.

Si Prestley ganyan na talaga mukha niya. Si Xen dahilan na siguro ng sinabi ko. Teka...

"Si Adrien?" Hindi yata nila kasama.

Nagkibit balikat si Prestley saka tumingin kina Axel, "We last saw him two hours ago." Napatango ako saka tumingin muli sa court.

Mamaya-maya kasi magpeperform na sila. Naiba yung schedule kaya papanoorin namin mamaya sina Yzac.

"Hindi ka ba talaga sasama sa'kin mamaya, Jinx?" Umiling ako dito kay Talia. Hinihintay pa din niyang sumama kami sakan'ya.

"Next time na magpeperform ka sasama na kami." Bigla itong ngumiti ng malawak kasabay ng pag-kontrata niya kay Yamara.

Naagaw ng pansin ko ang isang pamilyar na pigura sa'kin na papalayo sa court. Si Adrien ba 'yon?

"Balik ako mamaya." nabilaukan pa si Yamara dahil sa pagpapaalam ko saka umalis. Ilang araw na kaming di nagkikita and I thought I would see him before his performance.

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now