Chapter 37

2 1 0
                                    

Chapter 37

-Jinx's Point of View-

No, I am not imagining things. Someone out there is really staring at me!

"Parang sobra naman yata panlalamig mo ngayon, Jinx?"

"Talagang nilalamig ako." Sagot ko kay Drich saka ininom ng isang tunggaan ang kape ko.

Lately, ang pag-inom ko ng kape ang dahilan kung bakit nagiging okay ako kahit panandalian. Other than na side effect niya ay heightened senses, minsan ay gising na gising ako.

"Masama din yung sobra yung pag-inom ng kape. Tinapay oh," pag-abot sa'kin ni Axel na siyang tinanggap ko, "Don't worry, Jinx. Nandito lang ako."

Although, nasa tabi ko palagi si Yzac hindi na naibsan ang nararamdaman kong kaba.

"Siguro may naiwan kang utang Jinx. Kung kanino ka man nangutang at di mo pa binabalik, sana maalala mo na."

Kung ingudngod ko kaya sa mukha niya yung kinakain niyang footlong?

"May utang ka?"

"Kung alam ko lang na nangangailangan ka edi sana binigyan kita ng pera."

"Is that why you wouldn't refuse free food?"

Sabay-sabay na tanong nina Xen, Drich at Prestley. Hindi ko alam pero sa oras na 'to gusto ko silang hampasin ng mug.

"This is the first time I heard this." At dumagdag pa talaga si Yzac.

"Hindi kaya may stalker ka na Jinx?" Biglang sabi ni Talia habang kumakain ng spaghetti.

The word stalker alone is enough to make me shiver. Bakit naman ako magkakaroon niyan?

"Hindi kaya dahil ka-close mo yung dalawang banda sa school at naisipan na nilang..." Agad kong binato si Yamara ng hawak kong kutsara, "Aray! Totoo naman kasi?!"

"Kung ganon, Kasama ka dapat diba?"

"But I'm only involved in one person. Eh ikaw?"

Bakit... Bakit ang ominous naman ng pagkakasabi niya?

Prestley smirked and said, "I think you shouldn't be bothered about it. Yung taong akala mong sumusunod sayo, wala siyang balak na masama."

??

Si Prestley ba 'yan?

"Kaya mo pala mag-tagalog?" Agad naman binatukan ni Prestley si Drich, "ano akala mo sa'kin?"

"Foreigner na nakiki-school lang samin." Sabay na sagot nina Yzac at tumango-tango pa.

"Tangina n'yo pala e."

"Wow, ang lutong din ng mura niya," sabi ni Axel sabay tawa, "ang hot..." bulong ni Yamara na kinadiri naming tatlo nina Talia.

Seriously, may mali sa mga 'to e.

"Nga pala, I never know na magkasundo kayo?" Sabi ko kaya bigla sila napatingin sa'kin.

Gusto ko sana itanong 'to simula nung una palang dahil napansin kong magkakasundo ang Black Aces kay Yzac.

"Kami? Hmm... Because Yzac is a former bandmate of ours."

Eh?

"Eeehh?!" Parehas kami ng reaksyon na tatlo. Wait, Diba dapat ako?! Bakit yung dalawa walang alam?!

"I never introduced them nor pinadalaw sa bahay kaya hindi alam ni Yamara na dati kong ka-grupo sina Prestley."

"Talia on the other hand has her own world and doesn't know us. Nakilala niya lang kami nung umalis at gumawa ng sariling grupo si Yzac."

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now