Chapter 28

9 2 0
                                    

Chapter 28

-Jinx's Point of View-

"At bakit nandito tayo sa Mall ng ganito kaaga?" Nakasimangot kont tanong. Naantok pa ako pero nandito kami sa mall at nag-iikot.

Hinatak lang nila ako sa kama sabay pinagbihis ako ng simpleng damit.

Nakangisi si Yamara, "Duh! Anong petsa na maghahanap tayo ng gown. Baka wala na tayong mahanap." my brows twitched, it's telling me that there is something more.

Mukhang napansin ni Yamara ang pagtingin ko sakanya kaya lalong lumaki ngisi niya. Gusto ko bigla itong saktan.

"Don't let it bother you. Ilang araw na kasing hindi nakakausap si Prestley." sabi ni Axel na di nilalayo ang mata sa PSP niya.

"Yeah. He can't even come with us today," Talia commented in a sad tone, "Nandito naman ako!" I frowned at Drich and we all chose not to mind him.

Kaya masama ang kutob ko dahil dito. kasama ba naman ang tatlo huwag naman sana na pati si Adrien. Gaya ng sabi ko ayoko pa siyang makita.

Bigla naman humarap samin si Yamara sabay tingin sa tatlong lalaki.

"Umalis muna kayong tatlo. Mamimili muna kami ng gown at hindi namin kayo kailangan!" Yamara... Hindi naman aso sina Drich, "Tsk, wala naman babagay sayo," asar ni Drich dito habang papalayo

"Arrgh! Kaya hindi ka nagkakajowa!" Sigaw ni Yamara kaya lumayo kami ni Talia, "Doon tayo sa Galilea. My mom is their valuable customer. They know me and I think they could help." ngumiti ako kay Talia saka sumunod dito.

Sabi nga nila isang sikat na clothing line at kahit na sikat ay affordable ang mga damit doon. "We can even make design requests."

"OKAY! TO GALILEA!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Yamara at sabay kaming hinatak ni Talia.

Kailan pa siya nakahabol sa amin? Nakakahiya talaga ang isang ito.

"Oh! Ms. Suarez! Welcome back what can we do for you today?" Bigla akong siniko ni Yamara sabay bulong, "ang ganda ng mga gown noh? Tara shop lift." hindi ko alam kung may pera pa ba si Yamara dahil parang nasisiraan na ito.

"Ah yes, can we see your latest dress or gown designs? We're going to attend Prom." Masayang tanong ni Talia na ikinatango ng isang staff.

"Sure, wait lang kayo dito" tumingin ako sa paligid at halos namangha ako ang daming magagandang disenyo ang nakalagay.

Biglang bumukas ang pintuan at lumitaw ang isang babae na mukhang mas bata sa amin. Napatingin ito sa amin. Ewan ko pero feeling ko iniinspeksyon kami ng batang 'to.

Halata ding may lahi ito dahil na din sa pagkasingkit ng kanyang mga maya at aura niya.

"Ah!" Napatingin kami kay Talia ng tumili din ito sabay lapit sa batang babae. Nakangiti ito, "Rin-chan! How are you?"

Tumingin muna siya bago sumagot, "I'm fine... Your friends?" Talia nods in an instant and introduces us.

She slightly smiled, "Kashimoto Rin, nice meeting you," nanlaki ang mata ko nang bigla itong yumuko samin.

"She's japanese. Nagtayo lang sila ng mommy niya dito. She can't fully understand tagalog." Napatango kami dito at kinausap si Rin. Based on her she's also a designer here despite her young age.

Sakto naman na lumabas si Ms. Margaret at may ilang dress at gown itong tinutulak sa rack. Bigla itong pinatigil ni Rin sabay sabing.

"You can't choose from these designs. I will make new designs for you, measurement first." biglang tumili si Yamara saka naunang sumama kay Rin.

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now