Chapter 9

15 2 0
                                    

Chapter 9

-Jinx's Point of View-

If he could just offer me something else, I would accept it. Napaangil naman ako ng makita kong hindi ito lumalayo sa'kin, "Layo ka nga muna"

Hindi ito tumitigil sa pag-anyaya sa'kin sa binabalak n'ya.

Ramdam ko na ang pag-ngisi niya saka siya bumalik sa pwesto niya na tila ba parang ngayon n'ya lang narinig na may mainis sakan'ya

Huminto muna ito sabay sabing, "It's only for three months. You could help me with it"

"Bakit? And why me? At kung sumangayon man ako ano ang mapapala ko d'yan?" Sunod-sunod kong tanong dito

Napasandal ito sa kinaupuan at parang nagiisip ng isasagot n'ya habang nakatingin sa'kin, "Kung pera 'yan uulitin ko, wala akong balak tanggapin"

Dineadma lang ako ng lalaking ito!

"Si Yamara nalang siguro. Kahit wala kang ibigay sakan'ya tatanggapin n'ya yan" matapos kong sabihin 'yon ay siyang lakas ng tawa n'ya.

Napapikit na lamang ako sa inis. Inis ang nararamdaman ko ngayon dahil matapos n'ya akong deadmahin ay tinatawanan na lamang n'ya ako.

Sana mawalan ng hangin mga baga niya.

Matapos ang ilang minuto ay tumigil na ito, "Pfft, Hay... you didn't know? There were already rumors about us circulating around"

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Syempre yung rumors ang tukoy ko ha! Di yung pag-english n'ya sa'kin.

Nilabas niya ang kanyang cellphone saka nagtipa, "like this one," tinignan ko siya na may halong pagtataka bago ko kunin ang cp n'ya

Ah, parang hindi ko matanggap ang mga nakalagay na teksto dito. Bungad ang mga larawan naming dalawa na kung saan minsan ay nasa iisang lugar kami.

Nang tignan ko muli si Adrien ay nakita ko itong nakangiti lamang sa pag-kunot ng noo ko. Hindi talaga n'ya pinapakawalan ang mga pagkakataon na pwede n'ya akong mainis.

"3 months," biglaang sabi nito kaya napatingin ako sakanya, "tatlong buwan tayong magpanggap"

"Huwag na Adrien. Gaya ng sabi ko wala akong mapapala." sagot ko rito saka tumayo nang maramdaman kong hinawakan n'ya ako sa pulsuhan saka marahang pina-upo muli.

Hindi talaga ako nito titigilan e

"May nagugustuhan akong iba," pag-amin ko rito pero parang wala lang sakanya kasi tumayo siya at lumapit sa akin, "Hindi ka non gusto"

Napaangat ang kilay ko, bakit kailangan pang ipamukha sa'kin yan?

Natawa ito sabay tumikhim bago mag-salita, "Pero isa 'yan sa dahilan kung bakit kailangan ikaw"

"May iba pang dahilan? Ano mga 'yon?" Ngumisi ito sabay tinaas ang hintuturong daliri.

Tsk, ang damot.

"Sa akin na muna yung mga dahilan"

Yung ngiti na pinapakita n'ya sa'kin ay nagdulot ng pataas ng balahibo sa braso ko.

Umiling ako kasabay ng pagtalikod ko dito, "Mamaya ulit tayo mag-usap. May klase pa ako"

Naglakad na ako ng palayo ng marinig ko itong sumigaw, "Rooftop! I will be there!"

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now