Chapter 2

25 3 0
                                    

Chapter 2

-Jinx's Point of View-

"Teh, sa tingin mo dapat ba tayong pumasok ngayon?" Napairap sa'kin si Yamara saka tumingin, "Te, 4th year na tayo baka nakakalimutan mo"

Isang buwan na nakakalipas at ayoko na agad pumasok. Tipong makita ko palang pagmumukha ng isa kong guro napapasuko na ako sa pagpasok.

Paano ba naman galit na galit, umagang umaga nakabusangot ang mukha na akala mo sinalo ang lahat ng sama ng loob ng nasa klase.

"Isang buwan na natin hinahanap yung babae pero... Hngg" tinapik ko sa balikat si Yamara saka tumingin sa daan. Halos tinatamad na ko samahan ito dahil na rin sa wala kaming nakuhang clue.

Wala naman itong pake kung maubos pera niya pero nakabusangot na ito saka napanguso, "Hayaan mo nalang kung sino man yon"

Labag man sa kalooban kong pakawalan ang libre pero mas ok na ito kaysa sa magmukha kaming tanga kakahanap ng isang babae. Magrereklamo pa sana ako nang biglang isang malakas na sigaw kasabay ng busina, "WAAHHH!"

Mabilis ang pangyayari at may nakasalubong kami nang papaliko kami sa isang street.

Agad naman prumeno at nakaiwas sa amin yung nagbibisikleta pero... Nabundol ito sa basurahan. Agad kaming napatingin ni Yamara saka lumapit rito.

"A-Aw... Sakit!" Unti unti itong tumayo saka hinimas ang bewang at saka ulo niya.

Kaparehas namin ito ng uniporme... "ahm... Sorry" sabi ko saka siya inalalayan tumayo hanggang sa pinagpagan niya sarili niya saka tumingin sa'kin.

Woah, her eyes are pretty. Natural din kaya kulay ng buhok nito? Mala-shampoo commercial pa dating ng kanyang buhok.

Napansin nitong nakatitig ako sa buhok niya kaya ngumiti ito sa'kin, "I got it from my mom. Red-hair kasi siya hahaha" tumango ako sa pagsagot niya sa naiisip ko

Biglang lumapit si Yamara saka hinawakan ang mga braso nito, "Wow, ang ganda at lambot. Anong gamit mo?"

Hinawakan ko ito sa braso saka hinatak papalayo sakan'ya, "Don't you think that we have something to say first before asking her that?"

"Ay! Sorry pala. Ok ka lang ba?" Natawa naman sa'min ang babae saka tumango, "It's alright. Kasalanan ko din naman. Kayo ba okay lang?"

"Oo..." Napatingin naman ako sa nakalabas sa bulsa nito. Isang uri ng keychain. Pero pakiramdam ko nakita ko na kung saan iyon.

"Talia Suarez, Class 4-A" she laid her hands, she has this warm smile... "Kung mag-audition ka sa school idol malamang makakapasa ka" tinignan ko si Yamara saka Talia.

Hindi naman siya nagkakamali. May itsura si Talia 'di lang sigurado sa talent.

Agad inilingan ni Talia saka tumawa, "sabay na tayo pumasok" hindi ito nagbisikleta at sinabayan niya kami habang naguusap-usap kami.

Hanggang sa makarating kami sa campus ay sinamahan namin ito sa paradahan ng bisikleta, "Kita tayo maya sa Lunch Break! Bye Jinx and Yamara" kumaway kami kay Talia saka tinignan ang papaalis niyang pigura habang yung keychain niya na nakalitaw sa bulsa ay gumagawa ng ingay.

Class 4-C kami kaya ang pagsasama namin nina Talia ay tuwing breaks lang. Hindi din mawala sa isipan ko yung tungkol sa keychain na 'yon.

hindi kaya isa iyon sa mga palarong dati kong sinumpa dahil hindi ko nakuha? Nawala ang iniisip ko nang biglang bumuntong hininga ang kasama ko.

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now