Chapter 35

2 1 0
                                    

Chapter 35

-Jinx's Point of View-

Kung maari ko lang basagin pagmumukha ni Yzac ginawa ko na. Ngayon ko lang naramdaman sa talambuhay ko na mahiya at kiligin sa gitna ng maraming tao. Bukod pa doon nahihiya ako sa suot ko. Hindi ko inexpect na gan'to ang disenyo na ginawa sa'kin ni Kadia.

Parang hindi bagay sa'kin!

"Don't worry. That dress is based on my first impression. Would you mind if I hire you sometime as a model?"

Seryosong usapan... hindi ko siya maintindihan. Hindi din niya ako sinagot kung ano ang first impression niy sa'kin.

And model? Me? Huh.

"Jinx hindi ko alam na dalaga ka." agad ako napatakip sa mukha saka humakbang palayo kay Elias. Walanghiya, hindi ko alam na nandito siya, "Ok na ba ang pakiramdam mo? Pwede ka naman magpahinga bakit ka pa sumama."

Wow, ang caring bigla ni Lucas. Siguro pinagawa niya kay Liam ang project niya.

"Nag-alala kasi agad si Leader e makakarating naman pala."

... Hindi kami sigurado kung nag-aalala ba si Vander o talagang ganyan lang yung mukha niya.

"Alam mo sa'ting lima si Liam at Elias lang walang partner." Dagdag pa nito, "Elias had a reason and that's Yamara rejected him and he also rejected some girls." Lucas says as he pats the two on their shoulders.

"Meanwhile, ikaw naman Liam... Bakit wala ka?"

Liam huffed and says, "anong wala? Meron. Umalis lang."

Lies.

Nakikita naming lahat na nagpapanggap lang ito. Sabay biglang tumingin ito sa'kin at gaya ng nangyayari sa'kin madalas, kinilabutan ako.

Hindi maganda ang gagawin niya.

Lumapit ito sa'kin saka nilahad ang kamay, "My lady may I have--- tang*na ha!" Natulala ako sakanilang lima nang batukan nila si Liam.

"Don't ever do that. Hindi bagay sayo!" Singhal ni Yamara dito.

"Uunahan mo pa si Yzac. Tignan mo ang tahimik na tuloy sa gilid." Sabi ni Lucas

Ewan ko sa mga 'to, ako nanaman ang nakita para pagtripan. "Sige mamaya ko nalang i-sasayaw si Jinx."

"Hindi na bibitawan ni Yzac 'yan kaya isayaw mo na hanggat di pa niya hawak," natatawang sabi ni Yamara saka ngumisi sa'kin.

"ANONG--"

"Ok! Tig 5 minutes tayo sa pagsayaw kay Jinx. Bago ibigay kay Leader."

A-anong...

"Goodluck, Jinx." Is that all she has to say to me?!

"alam mo ano na tawag nila sayo Jinx?"

"Liam please lang huwag mo na dagdagan kahihiyan ko." agad natawa si Liam saka inikot ako habang sumasabay kami sa isang kantang hindi ako pamilyar.

Bigla ako nitong niyakap mula sa likod saka bumulong, "Dreamy Goddess." hindi na ako nagtataka bakit maraming naghahabol kay Liam.

And what the hell did he say?

Bigla ako nitong pinaikot saka hinarap sakan'ya habang may nakaplastang ngisi. "Hay... kung kasing ganda ka lang ng mga 'yon."

Biglang may tumulak dito at humarap si Vander na masama ang tingin sakan'ya, "You're dead." sabagay, sa tingin palang na ipinupukol ni Yzac kay Liam alam na may mangyayari na mamaya.

May he survive what will happen to him.

"This is the reason why I should have gone home after we performed."

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now