Chapter 14

15 2 0
                                    

Chapter 14

-Jinx's Point of View-

Salamat kay Adrien at mukha namang maipapasa ko yung math. Naka-uwi nga lang siya ng gabing-gabi dahil tinuruan niya talaga ako ng maigi. Dahilan niya review niya na din.

At sa buong gabi na magkasama kami ni Adrien ay ang tahimik ng bahay maliban nalang sa bigla kaming dadalhan ni manang ng snacks.

Anyway, I can't seem to remember the reason why Adrien propose this deal with me. Akala ko para mainis si Priscilla pero parang hindi na 'yon gumagana. Si Yzac naman di ko pa nakikita.

"Jinx, uuwi ka na?" Napatango ako kay Adrien saka sumakay sa kotse nito. Kung tutuusin matalino si Adrien kaya nagtataka ako sakan'ya kung bakit nasa section namin siya.

Saktong nahagip ng nga mata ko si Yamara sa may 7/11, kasama si Yzac at ang mga kagrupo nito. Nakita ko na din!

Agad 'kong hinawakan si Adrien "Stop the car!"

"Wh-wait lang!" aapakan ko dapat paa niya pero nilipat niya agad sa brakes

Binuksan ko yung pinto ng kotse saka tumakbk papunta sakanila, "Yamara!" Kumaway ako rito saka tumakbo papunta sa pwesto nila

"Namiss ka namin Jinx!" Napangiwi ako kay Liam saka umiling bago ko siya yakapin. Ngayon ko lang sila nakita!

Biglang naghiwalay kami ni Liam dahil kay Vander, aangal pa sana si Liam pero sinamaan agad siya nito ng tingin.

"Uy may boyfriend ka na daw? Naks, naka-move o... Aray!" Kinurot ba naman kasi ni Lucas si Liam para matahimik ito.

Lumapit pa sa'kin si Liam sabay bulong,  "Paano na si Yzac?"

Ngumiti nalang ako bilang sagot. Bawal ko kasi ipaalam kahit alam ni Yamara. Siguro bahala na din na sila ang makatuklas.

"YamYam," napatingin kami sa gawi nina Yzac at Yamara na paalis sa gawi namin "Ano nangyari?" Tanong ko pero nagkibit balikat lamang sila

Napabuntong hininga naman si Ian saka siya nagsalita, "Successful 'yung Self-promotion namin kaso..."

"Ano?" Nakakaba naman ang katahimikan niya at akala mo talagang may nangyari.

Binatukan siya ni Lucas sabay pisil sa tenga, "umayos ka Eli."

Sa sobrang sakit ay sinipa niya sa binti si Lucas saka hinilot ang namamaga niyang tenga, "Basta 'yon." agad ko din siyang binatukan

Mukha ba kong nagbibiro dito sa batang 'to?

"Jinx," paglingon ko ay nasa tabi ko na si Adrien at nakahawak sa balikat ko. Naiwan ko pala siya doon.

"Una na kami Jinx. Next time na kami babawi sayo!" saka naglakad palayo sa amin sina Van.

Napasimangot naman ako. Bakit parang may nagbago?

"Ka-close mo pala ang Blazing Top."

Napatango nalang ako, "Oo, simula nung naka-close ko si Yamara saka nandoon si Yzac..."

Luh? Bakit bigla akong iniwan dito?

"You still liked him?"

"Yzac? Of course, why?" Hindi na ko sinagot nito at tumingin nalang ng diretso sa daan nang biglang may nagtext sa'kin. Si Talia at nang-aaya na manood kami ng mga nagpapractice sa school.

Huli pa niyang sinabi sa'kin ay dahil nandon din sina Yzac, nagtetest. Napatingin ako kay Adrien sabay sabi dito pero hindi niya ulit ako inimikan. Pero mukhang babalik din naman kami sa school.

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now