Chapter 29

3 2 0
                                    

Chapter 29

-Jinx's Point of View-

Simula ng nagising ako sa panaginip na iyon. Lalo ko pang pinag-igihan na huwag magtama ang paningin namin. Kakaasar lang sa part na kaklase ko siya.

Ilang araw nalang din at prom na. Sina Yamara ay hindi na makapaghintay lalo na kapartner niya ay si Prestley. Kawawang Elias late pinanganak at hindi siya pinagpala kay Yamara.

Nung nalaman niyang partner ng pinsan niya si Yamara ay parang nawalan ng lupain e.

"Jinx!" Lumingon ako sa kanan at nakita ko si Vander na kasama si Lucas.

Bakit ba ang malas ko talaga...

"J-Jinx... Wait..."

"Let us breathe first... Ha..." I smiled at them. Ang sama ko namang tao kung ipagdadasal kong kapusin lalo ng hininga ang mga 'to.

"hmm?" Vander took a long deep breath and fixed his tie. Talagang maayos na tao isang to, "Hoy! Kanina pa kami nagaantay doon!" Galit na sabi ni Elias na papunta sa pwesto namin

Nasa likuran nito si Liam na masama ang titig. Mukhang... May masama akong kutob dito

"Susunduin niyo lang si Jinx napakakupad niyo!" Agad akong lumayo ng kaunti nang makalapit sila sa pwesto namin

"Hinanap pa kaya namin siya sa buong school!" Sawang sawa na ako sa pagmumukha ko ang nasa group page!

Yung fansclub na ginawa ni Yamara pinaglalaban pa din kami ni Adrien kada mag-scroll ako pangalan ko ang bungad.

Please lang masaya na siya.

"Papalusot pa!" Napangiti ako kay Liam saka dahan dahan naglakad paalis sa mga lalaking to.

Mas may tiwala ako sa nararamdaman ko kaysa sa mga 'to na walang ginawa kundi ako ang pagtripan

"U-uhm... Una na ako kasi may klas---" hinawakan agad ni Lucas at Liam ang magkabilang braso ko at kumaripas ng takbo "waaahh! Please handle me with care!"

"Di uso sa amin yan," sagot ni Vander sa'kin saka ako binatukan. Kung hindi lang ako na parang tinatamad sinipa ko na ang mga 'to, "I'm a fragile woman!" Sigaw ko na nagpatigil kina Lucas

Tang--- mukha bang hindi kapani-paniwala yung sinabi ko para maging ganyan ang reaction nila? "Fragile?"

"Where?"

"Who?" Isa-isa at sabay sabay na tanong ng dalawa at umakto pang wala ako sa harapan nila.

This punks... They forgot that I am here.

"QUIT IT!"

Tinitigan ko yung isang classroom. Masasabi kong nakakatakot at bakit ba ako nandito. Ah, nagpahatak ako. Pasalamat talaga sina Lucas at tinamad akong magpumiglas.

"Good luck."

"Bye, fragile," agad kong sinamaan ng tingin si Liam ng tumawa nang malakas si Elias, "Enjoy." tinaasan ko sila ng kilay at tinignan muli ang pinto

"Sure ba kayo na di kayo mali ng kwarto?" Tanong kong muli sa mga siraulong to.

Pakiramdam ko sa kwartong 'to ay nakakatakot e.

"Oo kaya nga puro positive pinagsasabi namin." sino naman maniniwala dito kay Elias kung ang binti niya nanginginig

"Pumasok ka nalang," sabi ni Vander sa'kin, "Tapos pikit," dagdag ni Liam ng sumingit si Lucas, "Hinga ka din ng malalim," sinasabi ko na mga walang matinong lumalabas sa bibig ng apat na 'to.

"ano ba joke lang! Pumasok ka na jan!" Napabuntong hininga ako kay Elias saka lumapit sa kwarto.

Malakas talaga ang kutob ko sa gagawin nila. Tignan mo naman ang pagmumukha nilang apat lalo na ni Elias. Bakas sa mukha ba naman nito na may masamang plano.

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now